Tungkol sa Performance Max para sa mga layunin sa tindahan

Idinisenyo ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan para tulungan ang mga negosyo sa pagbibigay sa mga potensyal na customer nila ng impormasyong kailangan nila para magdesisyon kung kailan at paano bibisita sa mga tindahan nila. Sini-streamline ng mga Performance Max campaign para sa layunin sa tindahan ang proseso para sa iyo, at pinapadali nito ang pag-promote ng mga tindahan mo sa pinakamalalaking property ng Google, kasama na ang Google Search Network, Maps, YouTube, Gmail, at ang Google Display Network. Magdagdag lang ng ilang linya ng text, mga asset na creative, at badyet, at io-optimize ang iba pa para matulungan ang mga customer na mahanap ka.

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Paano ito gumagana

Kapag gumawa ka ng Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan, kailangan mong tukuyin ang mga lokasyon ng tindahan na gusto mong i-promote. Puwede mo itong itakda sa pamamagitan ng pag-link ng iyong Profile ng Negosyo o pagpili ng mga affiliate na lokasyon.

Nakatuon ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan sa pagiging simple at sa pagpapalago sa iyong mga offline na layunin sa negosyo. Ikaw ang magbibigay sa amin ng mga lokasyon ng tindahan, badyet ng campaign, at asset ng ad. Gamit ang mga input na ito, io-optimize ng Google AI ang mga bid, placement ng ad, at kumbinasyon ng asset. Nilalayon ng campaign na i-maximize ang iyong in-store na halaga at mga conversion (gamit ang mga pagbisita sa tindahan, benta sa tindahan, pag-click para tumawag, o pag-click para sa direksyon) at i-promote ang mga lokasyon mo sa lahat ng property at network ng Google.

Ginagamit din ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo ang pag-target sa lugar na sakop ng radius para sa Profile ng Negosyo at mga lokasyon ng mga affiliate local asset (ALA). Posibleng maging iba ang radius depende sa mga tina-target na lokasyon at sa kagustuhan ng user sa layo ng biyahe mula sa lugar nila. Kasama sa iba pang salik na tumutukoy sa tina-target na radius ang: vertical, dami ng populasyon, at pagkakaroon ng kakumpetensya.

Saan puwedeng lumabas ang iyong mga ad

Magiging kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad sa mga property ng Google. Kasama rito ang Google Search Network, Google Display Network, Google Maps, Gmail, at YouTube. Narito ang ilan sa mga lugar kung saan puwedeng lumabas ang iyong mga ad:

Google Maps

Isang lokal na negosyong ipinapakita sa Google Maps Isang ad ng Local services para sa isang tindahan ng alahas na lumalabas sa Google maps kasama ang lokasyon ng store. Isang lokal na negosyong ipinapakita sa Google Maps kasama na ang mga direksyon

Puwede kang tulungan ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo na makipag-ugnayan sa mga customer habang nagpaplano sila ng mga pagbisita sa iba't ibang destinasyon. Sa halimbawa sa itaas, ipinapakita ng ikatlong larawan kung paano nagpapakita ang mga ad sa navigation ng impormasyong nauugnay sa iyong negosyo para sa mga bagay na kailangan, gusto, o kaiinteresan nila.

   

Kapag naghanap ang mga customer ng mga negosyo o kapag nag-explore sila ng lokal na lugar sa Google Maps, itutugma ng Google ang mga pagkilos na ito sa lokasyon ng negosyo mo. Puwedeng tingnan ang iyong ad ng sinumang gumagamit ng mobile device niya na nasa malapit o nagpapakita ng interes sa lokasyon mo.

Makakapagpakita ang Google ng mga ad sa mga resulta ng paghahanap sa Maps kapag naghanap ang mga user ng mga negosyo, tulad ng “pagpapa-change oil,” o “parmasya,” sa mga mobile device nila. Makakatulong sa iyo ang mga Auto Suggest ad na maipakita ang mga alok mo bago pa tuluyang makumpleto ang query sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga iminumungkahing lokasyon ng ad sa autocomplete na paghahanap. Halimbawa, kung may user na nag-type ng "pelikula" at inilagay niya ang unang 3 character ("p-e-l"), puwedeng itampok sa mga suhestyon ang isang ad para sa isang lokasyon ng sinehan na malapit sa user mula sa isang advertiser.

Google Search Network

Isang ad sa local services para sa damit na ipinapakita sa Google Maps
Ang animation na ito ay isang halimbawa ng format ng ad na may immersive na status ng Location Uni-card.

Itinutugma ng Google ang iyong ad sa mga termino para sa paghahanap na nauugnay sa negosyo mo at sa lokasyon nito sa da;awamg format na nakasentro sa store sa Google.com.

YouTube

Isang nalalaktawang ad ng local services na nagpe-play sa YouTube, kasama ang mga inaalok na item Video ad para sa isang tindahan ng damit na nagbibigay-diin sa bahagi ng ad sa ilalim ng video. Isang advertisement para sa isang lokal na negosyo na nagpe-play sa YouTube

Puwedeng ipakita ng Google Ads ang iyong mga ad sa YouTube, kung saan mas malamang na magkaroon ito ng pakikipag-ugnayan sa mga in-store na customer.

Google Display Network

Isang advertisement para sa isang tindahan ng alahas na may kasamang lokasyon ng tindahan Profile ng negosyo ng isang tindahan ng damit na nagtatampok ng iba't ibang ibinebentang kasuotan Profile ng negosyo sa isang tindahan na ipinapakita ang iba't ibang sasakyang inaalok, pati na rin ang impormasyon sa lokasyon

Kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad kung saan pinakanauugnay ang mga ito sa Google Display Network. Io-optimize ng Google Ads kung saan lalabas ang iyong mga ad para makakuha ng pinakamaraming atensyon ang mga tindahan at produkto mo.

Profile ng Negosyo

Profile ng negosyo na kumakatawan sa mga in-store na alok at attribute ng lokasyon.

Tutulungan ka ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo na gamitin ang page ng Profile ng Negosyo para mag-highlight ng mga espesyal na in-store na alok at produkto sa mga customer, at pati na rin mga attribute ng lokasyon para hikayating bumisita ang mga user.

Gmail

  Example of a Gmail local services ad  

Puwedeng maabot ng iyong mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan ang mga user sa Gmail sa lahat ng mobile na surface.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-alam kung paano Gumawa ng Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
7003060647279496773
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false