Ang mga conversion gamit ang data ng cart ay isang extension sa pagsubaybay sa conversion sa iyong website at app. Sa pamamagitan ng mga conversion gamit ang data ng cart, puwede mong ibigay ang mga detalye ng mga produktong naibenta para sa bawat transaksyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang impormasyong ito, mas mauunawaan mo ang performance ng iyong mga ad at makakagawa ka ng higit pang pag-optimize.
Ipinapaliwanag sa artikulong ito kung paano mag-set up ng mga conversion gamit ang data ng cart at kung paano isumite ang data ng cart mo. Matuto pa Tungkol sa pag-uulat ng mga conversion gamit ang data ng cart.
Bago ka magsimula
Para sa matagumpay na pagpapatupad, kailangan mo ng:
- Isang website o app: Dito mo ilalagay ang code ng mga parameter ng mga conversion gamit ang data ng cart.
- Kakayahang i-edit ang code ng website: Kailangang magawa ng sinuman sa inyo ng iyong web developer na idagdag ang code sa website o app mo. Isasaayos namin kung paano ka sumusubaybay ng mga conversion sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagdaragdag dito ng code ng mga parameter ng mga conversion gamit ang data ng cart.
- Magka-link na Google Ads at Merchant Center account.
- Para saliksikin ang kasalukuyan mong setup ng Conversion: Alamin kung paano mo sinusubaybayan ang mga conversion sa kasalukuyan. Puwede itong i-deploy sa pamamagitan ng Google Tag, pagsubaybay sa ecommerce ng Google Analytics, Firebase (para sa mga app), o Search Ads 360. Tutukuyin ng kasalukuyan mong setup ng pagsubaybay sa conversion kung paano idaragdag dito ang mga parameter ng data ng cart.
- Mga parameter ng data ng cart: Gawing pamilyar ang sarili mo sa iba't ibang parameter ng data ng cart. Matuto pa tungkol sa mga paramater ng mga conversion gamit ang data ng cart
I-set up ang mga conversion gamit ang data ng cart
Narito ang mga hakbang sa kung paano mo puwedeng i-set up ang mga conversion gamit ang data ng cart:
- Pumili at mag-deploy ng naaangkop na paraan ng pagpapatupad
- Magbigay ng gastusin sa mga naibentang produkto (cost of goods solds o COGS)
cost_of_goods_sold
(opsyonal) - Subukan ang iyong pagpapatupad