Sumulat ng epektibong ad para sa mga Smart campaign

Google Ads Smart campaigns | Tips for writing great ads

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Paano ka magpapasya kung ano ang magandang ad para sa iyong negosyo? Narito ang 3 tanong na dapat lagi mong itanong sa iyong sarili bago mo gawin ang mga Smart campaign mo.

Sa ibaba, magbibigay kami ng napakaraming halimbawa at sagot mula sa isang kathang-isip na tindahan ng bisikleta sa California na tinatawag na mga Beach Bike ni Betty. Naghanda rin kami ng worksheet na mada-download at mapi-print mo. Huwag mag-atubiling gamitin ito para magsulat ng praktis na ad para sa sarili mong negosyo.

I-download ang worksheet sa pagsulat ng ad

Tanong 1: Ano ba ang maiaalok ko?

Ilista ang mga produkto at serbisyong gusto mong i-promote.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot
Ano ba ang inaalok ng negosyo ko?

Binebentang bisikleta

Nirerentahang bisikleta

Ano ba ang mga pangunahing katangian ng ibinebenta ko?

Mga diskwento sa katapusan ng tag-init

Abot-kaya at magagandang biskleta

Maraming pagpipilian

Ano ang dahilan kung bakit namumukod-tangi ako sa iba pang negosyo?

Mabababang presyo

Palakaibigan at kapaki-pakinabang na mga serbisyo sa customer

Programang pag-trade in ng biskleta

Tanong 2: Ano ang gusto kong maisagawa?

Kilalanin ang iyong mga pangunahing layunin sa pag-advertise at kung ano ang gusto mong maisagawa gamit ang iyong mga ad.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot

Anong pagkilos ang gusto kong gawin ng mga customer?

Bisitahin ang website

Bisitahin ang store

Magreserba ng renta sa bisikleta online

Kailan dapat kumilos ang mga customer ko?

Katapusan ng Agosto (para sa isang limitadong panahon na alok o diskwento)

Buong Taon

Ano ba ang gusto kong maramdaman ng mga customer tungkol sa aking mga alok?

Abot-kaya

Pampamilya

Tanong 3: Sino ba ang aking mga customer?

Ilarawan ang iyong mga customer, na hinahati-hati sila sa iba't ibang pangkat kung may iba't ibang uri ka ng customer na may natatanging layunin at pangangailangan.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot
Sino ang aking mga customer?

Mga Taga-roon

Mga pamilya

Malalaking pangkat

Ano ba ang mga pangangailangan o pinapahalagahan ng mga customer ko?

Masayang aktibidad

Sulit

Hindi malilimutan

Ano ang kalagayan ng aking mga customer?

Gustong mamili online o personal

Nangangailangan ng mga mabilisang pagpapareserba

May napaka-basic na kaalaman tungkol sa pagpili ng tamang biskleta

Konklusyon

Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong tungkol sa iyong mga produkto, layunin, at customer, puwede mong gawin ang iyong mga text ad. Makakahanap ka sa ibaba ng mga sample na headline at paglalarawan mula sa aming fictional na store ng bisiklete, ang Mga Beach Bike ni Betty. Hindi lang naaabot ng mga headline at paglalarawan ni Betty ang lahat ng alituntuning nakatakda sa Tungkol sa mga text ad sa mga Smart campaign, kundi magagamit din ang mga iyon sa anumang kumbinasyon.

Mga bahagi ng text ad Mga Halimbawa
Mga Headline (3-15 headline na hindi lalampas sa 30 character bawat isa)
  • 15% Diskwento sa Lahat ng Bisikleta sa Agosto
  • 20% diskwento sa mga pagbisita sa tindahan
  • 20% diskwento para sa 3 o Higit pa.
  • Abot-kayang Magagandang Bisikleta
  • Mga Pinaparentahang Bisikleta ni Betty
  • Mga Beach Bike ni Betty
  • Sale Ngayon ang Mga Beach Bike ni Betty
  • Mga Bisikleta
  • Bumili ng Bisikleta kay Betty
  • Makatipid kapag pumunta nang Personal
Mga Paglalarawan (2-4 na paglalarawan na hindi lalampas sa 90 character bawat isa)
  • Mura at maraming pagpipilian Libre at mabilis na delivery. Mag-order na online!
  • Tutulungan ka ng mabait naming staff na mahanap ang tamang bisikleta. Bisitahin ang tindahan namin ngayon!
  • Mamili sa sale para makatipid nang malik sa mga bisikleta at rental!
  • Magagandang bisikleta. Gawing di-malilimutan ang iyong karanasan. Magpareserba online sa loob lang ng ilang minuto!

Pagkatapos mong maglagay ng mga headline at paglalarawan, isasaayos ng Google Ads ang text sa iba't ibang kumbinasyon ng ad sa paraang hindi umuulit. Sa anumang partikular na ad, pipili ng maximum na 3 headline at 2 paglalarawan para ipakita sa iba't ibang kumbinasyon at pagkakaayos. Sa paglipas ng panahon, susubukan ng Google Ads ang mga kumbinasyon ng ad na may pinakamataas na potensyal, at pag-aaralan nito kung aling mga kumbinasyon ang may pinakamalapit na kaugnayan para sa iba't ibang query.

Nasa ibaba ang ilang posibleng kumbinasyon ng mga headline at paglalarawan na posibleng ipakita sa mga customer na naghahanap sa negosyo o mga serbisyo ni Betty.

Ad • www.example.com

Mga Bisikleta - Sale ang Mga Beach Bike ni Betty

Mura at maraming pagpipilian Libre at mabilis na delivery. Mag-order na online!

Ad • www.example.com

Pagrenta ng Bisikleta ni Betty - 20% Diskwento sa Pagrenta para sa 3 o Higit pa

Mamili sa sale para makatipid nang malik sa mga bisikleta at rental!

Ad • www.example.com

Makatipid kapag pumunta nang Personal - 20% diskwento sa mga pagbisita sa tindahan

Mamili sa sale para makatipid nang malik sa mga bisikleta at rental!

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3990036202292432314
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false