Sumulat ng epektibong ad para sa mga Smart campaign

Paano ka magpapasya kung ano ang magandang ad para sa iyong negosyo? Narito ang 3 tanong na dapat lagi mong itanong sa iyong sarili bago mo gawin ang mga Smart campaign mo.

Sa ibaba, magpapakita kami sa iyo ng napakaraming halimbawa at sagot mula sa isang kathang-isip na tindahan ng bisikleta sa California na tinatawag na mga Beach Bike ni Betty. Naghanda rin kami ng worksheet na mada-download at mapi-print mo -- gamitin ito para subukang magsulat ng ad para sa iyong sariling negosyo!

I-download ang worksheet sa pagsulat ng ad

Tanong 1: Ano ba ang maiaalok ko?

Ilista ang mga produkto at serbisyong gusto mong i-promote.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot
Ano ba ang inaalok ng negosyo ko?

Binebentang bisikleta

Nirerentahang bisikleta

Ano ba ang mga pangunahing katangian ng ibinebenta ko?

Mga diskwento sa katapusan ng tag-init

Abot-kaya at magagandang biskleta

Maraming pagpipilian

Ano ang dahilan kung bakit namumukod-tangi ako sa iba pang negosyo?

Mabababang presyo

Palakaibigan at kapaki-pakinabang na mga serbisyo sa customer

Programang pag-trade in ng biskleta

Tanong 2: Ano ang gusto kong maisagawa?

Kilalanin ang iyong mga pangunahing layunin sa pag-advertise at kung ano ang gusto mong maisagawa gamit ang iyong mga ad.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot

Anong pagkilos ang gusto kong gawin ng mga customer?

Bisitahin ang website

Bisitahin ang store

Magreserba ng renta sa bisikleta online

Kailan dapat kumilos ang mga customer ko?

Katapusan ng Agosto (para sa isang limitadong panahon na alok o diskwento)

Buong Taon

Ano ba ang gusto kong maramdaman ng mga customer tungkol sa aking mga alok?

Abot-kaya

Pampamilya

Tanong 3: Sino ba ang aking mga customer?

Ilarawan ang iyong mga customer, na hinahati-hati sila sa iba't ibang pangkat kung may iba't ibang uri ka ng customer na may natatanging layunin at pangangailangan.

Tanungin ang iyong sarili Mga posibleng sagot
Sino ang aking mga customer? Mga Taga-roon
Mga pamilya

Malalaking pangkat

Ano ba ang mga pangangailangan o pinapahalagahan ng mga customer ko?

Masayang aktibidad

Sulit

Hindi malilimutan

Ano ang kalagayan ng aking mga customer?

Gustong mamili online o personal

Nangangailangan ng mga mabilisang pagpapareserba

May napaka-basic na kaalaman tungkol sa pagpili ng tamang biskleta

Konklusyon

Narito ang ilang halimbawa ng mga potensyal na ad mula sa aming kathang-isip na tindahan ng bisikleta, ang Mga Beach Bike ni Betty. Dahil nag-aalok si Betty ng ilang iba't ibang produkto at serbsiyo, tulad ng pagrenta ng bisikleta at pagbebenta ng bisikleta, maaaring isaalang-alang niya ang pagsulat ng iba't ibang ad para sa bawat kategorya ng kanyang negosyo.

Mga mamimiling sensitibo sa presyo

Mga Beach Bike ni Betty - 15%

Diskwento sa Lahat ng Bisikleta sa Agosto

www.example.com

Mababang presyo at maraming
pagpipilian. Mabilis at libreng
paghahatid. Mag-order na online!

Malalaking pangkat na naghahanap ng mga pagrenta ng bisikleta

Mga Beach Bike ni Betty - 20% Diskwento
sa Pagrenta ng 3 o Higit pa

www.example.com

Magagandang bisikleta. Gawing

hindi malilimutan ang iyong karanasan. Magpareserba

online sa loob lang ng ilang minuto!

Mga lokal na tao na interesadong bumili ng bisikleta

Bumili ng Bike kay Betty - Abot-kaya
Magagandang Bisikleta

www.example.com

Tutulungan ka ng mga palakaibigang tauhan namin na

mahanap ang tamang bisikleta.

Bisitahin ang tindahan namin ngayon!

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false