Tungkol sa mga layunin ng campaign sa Google Ads

Kapag gumamit ka ng layunin, nagiging mas madali sa iyong magpasya kapag gumagawa ka ng campaign sa Google Ads, dahil ginagabayan ka nito sa mga partikular na feature na dinisenyo para tulungan ang campaign mo na magtagumpay. Kapag gumawa ka ng campaign, puwede kang pumili ng layunin. Nakaayon dapat ang layuning pipiliin mo sa pangunahing bagay na gusto mong makuha mula sa iyong campaign, halimbawa, Mga Benta o Trapiko ng website. Pagkatapos pumili ng layunin, titingin ka ng mga nauugnay at inirerekomendang feature at setting para tulungan kang maabot ang mga resultang pinakamahalaga sa iyong negosyo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang mga layunin at tinutukoy nito kung ano ang puwedeng gawin ng bawat layunin para tumulong na mapahusay ang performance ng iyong mga campaign.

Tandaan: Kapag gumawa ka ng bagong Google Ads campaign, puwedeng hilingin sa iyong piliin ang mga layunin ng campaign mo bago ang uri ng campaign. Habang pinapaganda ng Google ang experience sa paggawa ng campaign sa 2023, puwedeng bahagyang mag-iba-iba ang wika batay sa pag-setup ng account

Paano gumagana ang mga layunin

Kapag gumagawa ka ng campaign, pumili ng layunin na tumutugma sa pangunahing bagay na gusto mong makamit ng iyong negosyo.

Halimbawa, kung gusto mong bumisita ang mga tao sa iyong website pagkatapos nilang tingnan ang mga ad mo, puwede mong piliin ang layuning "Trapiko ng website." Habang sine-set up mo ang iyong campaign pagkaraang piliin ang layuning ito, makikita mo ang mga inirerekomendang feature at setting na posibleng tumulong na makakuha ng mga pagbisita sa iyong website.

Sa ilang campaign, puwede kang magdagdag o mag-alis ng layunin anumang oras at, kung gusto mo, piliing huwag gumamit ng layunin at gawin ang campaign nang hindi tumitingin ng mga rekomendasyon ng isang layunin. Para tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa bawat uri ng layunin at ilan sa mga hina-highlight na feature na inirerekomenda ng bawat layunin, itapat lang ang iyong cursor sa isang layunin.

Pagkatapos mong pumili ng mga layunin ng campaign, puwede mong piliin ang uri ng campaign na gusto mong paganahin, na siyang tutukoy sa lugar kung saan makikita ng mga customer ang iyong mga ad, pati na rin sa mga setting at opsyong available sa iyo. Kapag nakatukoy ka na ng isang uri ng campaign, pipili ka na ng mga network kung saan mo gustong lumabas ang iyong mga ad.

Matuto pa Tungkol sa mga available na format ng ad sa iba't ibang uri ng campaign

Tandaan: Isinama na ang layunin ng campaign na Pagsasaalang-alang sa produkto at brand sa Kaalaman sa brand at abot. Makikita mo na ang lahat ng magkakatulad na subtype ng campaign mula sa dalawang layunin sa ilalim ng Kaalaman at pagsasaalang-alang. Nakakatulong ang pagsasamang ito na mapasimple ang pagpili sa layunin ng mga advertiser at nag-aalok ito ng sentralisadong lugar para sa lahat ng subtype ng brand campaign.

Gumawa ng campaign gamit ang mga layunin

Mga layunin para sa mga Performance Max campaign

Layunin Kailan ito gagamitin Mga uri ng mga feature
Benta
  • Humimok ng mga benta o conversion online, sa app, sa pamamagitan ng telepono, o sa tindahan
  • Makipag-ugnayan sa mga customer na nakipag-ugnayan na sa iyo o napakalapit nang magpasyang bumili.
Mga feature na nagpapasimula sa proseso ng pagbili o conversion, tulad ng mga strategy sa pag-bid na nakatuon sa mga pag-click, asset, at ad na nagpapakita sa mga potensyal na customer habang nagba-browse sila ng mga site, video, at app na nakikipag-partner sa Google
Mga Lead
  • Hikayatin ang mga nauugnay na customer na magpahiwatig ng interes sa iyong mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang newsletter o pagbibigay ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Mga feature na nagsisimula ng proseso ng conversion, tulad ng pag-target sa audience, mga asset, at mga ad na ipinapakita sa mga tao habang nagba-browse sila ng mga site, video, at app na nakikipag-partner sa Google
Tandaan: Hindi mo mae-edit ang mga layunin sa marketing para sa mga Performance Max campaign pagkatapos mong gawin ang campaign.

Mga layunin para sa mga Search campaign

Layunin Kailan ito gagamitin Mga uri ng mga feature
Benta
  • Humimok ng mga benta o conversion online, sa app, sa pamamagitan ng telepono, o sa tindahan
  • Makipag-ugnayan sa mga customer na nakipag-ugnayan na sa iyo o malapit nang magpasyang bumili
Mga feature na nagpapasimula sa proseso ng pagbili o conversion, tulad ng mga strategy sa pag-bid na nakatuon sa mga pag-click, asset, at ad na nagpapakita sa mga potensyal na customer habang nagba-browse sila ng mga site, video, at app na nakikipag-partner sa Google
Mga Lead
  • Hikayatin ang mga nauugnay na customer na magpahiwatig ng interes sa iyong mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang newsletter o pagbibigay ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Mga feature na nagsisimula ng proseso ng conversion, tulad ng pag-target sa audience, mga asset, at mga ad na ipinapakita sa mga tao habang nagba-browse sila ng mga site, video, at app na nakikipag-partner sa Google
Trapiko ng website
  • Humimok ng mga potensyal na customer na bisitahin ang iyong website
Mga feature na makakatulong sa mga nagsasaliksik na customer na mahanap ang mga potensyal na opsyon sa produkto, tulad ng mga ad na may mga nauugnay at dynamic na nabuong headline, asset, at strategy sa pag-bid na puwedeng makatulong na maparami ang mga pagbisita sa iyong site

Mga layunin para sa mga Display campaign

Layunin Kailan ito gagamitin Mga uri ng mga feature
Benta
  • Humimok ng mga benta o conversion mula sa mga customer na handa nang kumilos
  • Makipag-ugnayan sa mga customer na nakipag-ugnayan na sa iyo o napakalapit nang magpasyang bumili
Mga feature na nagpapasimula sa proseso ng pagbili o conversion, tulad ng napakagagandang ad, naka-automate na pag-bid at pag-target, at iba pang feature na makakatulong sa iyong maabot ang mga tao na aktibong bina-browse, sinasaliksik, o inihahambing ang mga produkto at serbisyong ibinebenta mo
Mga Lead
  • Hikayatin ang mga nauugnay na customer na magpahiwatig ng interes sa iyong mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang newsletter o pagbibigay ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Mga feature na nagpapasimula sa proseso ng conversion, tulad ng naka-automate na pag-bid at pag-target, napakagagandang ad, at iba pang feature na makakatulong sa iyong mangolekta ng mga email address, pag-sign up sa newsletter, o iba pang nauugnay na impormasyon sa pakikipag-ugnayan mula sa mga taong interesado sa negosyo mo
Trapiko ng website
  • Humimok ng mga potensyal na customer na bisitahin ang iyong website
Mga feature na makakatulong sa mga nagsasaliksik na customer na makahanap ng mga potensyal na opsyon sa produkto, tulad ng naka-automate na pag-bid, pag-target, at paggawa ng ad, pati na ang mga feature na makakatulong sa iyong bumuo ng listahan ng mga bisita na puwede mong makaugnayan ulit sa ibang pagkakataon
Kaalaman at pagsasaalang-alang
  • Mapalawak ang kaalaman tungkol sa iyong mga produkto o serbisyo.
  • Ipakilala sa mga customer ang iyong iniaalok kapag naglalabas ng bagong produkto o kapag pinapalawak ang negosyo mo sa isang bagong lugar.
Mga feature na makakatulong sa iyong bumuo ng pagkakakilala sa brand, tulad ng mga nakakahikayat na visual na ad, mga strategy sa pag-bid na nakakahimok ng mga view, at iba pang feature na nakakatulong na manghikayat ng mga bagong customer at kunin ang atensyon nila

Mga layunin para sa mga Demand Gen campaign

Tandaan: Hindi mo mae-edit ang mga layunin sa marketing para sa mga Demand Gen campaign pagkatapos mong gawin ang campaign.

Mga layunin para sa mga Shopping campaign

Layunin Kailan ito gagamitin
Benta
  • Humimok ng mga benta o conversion online, sa app, sa pamamagitan ng telepono, o sa tindahan
  • Makipag-ugnayan sa mga customer na nakipag-ugnayan na sa iyo o malapit nang magpasyang bumili
Mga Lead
  • Hikayatin ang mga nauugnay na customer na magpahiwatig ng interes sa iyong mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang newsletter o pagbibigay ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Trapiko ng website
  • Humimok ng mga potensyal na customer na bisitahin ang iyong website

Mga layunin para sa mga video campaign

Layunin Kailan ito gagamitin
Benta
  • Humimok ng mga benta o conversion mula sa mga customer na handa nang kumilos
  • Makipag-ugnayan sa mga customer na nakipag-ugnayan na sa iyo o napakalapit nang magpasyang bumili
Mga Lead
  • Hikayatin ang mga nauugnay na customer na magpahiwatig ng interes sa iyong mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang newsletter o pagbibigay ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Trapiko ng website
  • Humimok ng mga potensyal na customer na bisitahin ang iyong website
Kaalaman at pagsasaalang-alang
  • Hikayatin ang mga potensyal na customer na isaalang-alang ang iyong brand o mga produkto kapag naghahanap sila o namimili ng mga produkto
  • Makipag-ugnayan sa mga taong nagpakita ng interes sa iyong brand
  • Hikayatin ang mga tao na isaalang-alang ang iyong brand o mga produkto sa hinaharap
  • Makaabot ng malawak na audience habang ginagamit ang iyong brand sa mahusay na paraan
  • Mapalawak ang kaalaman sa mga nauugnay na audience
  • Gumamit ng iba't ibang format ng ad na idinisenyo para makilala ng mga user ang iyong brand
  • Abutin ang audience sa gustong lingguhang Target na dalas para madagdagan ang pagkakakilala sa brand
Tandaan: Hindi mo mae-edit ang mga layunin sa marketing para sa mga Video campaign pagkatapos mong gawin ang campaign.

Mga layunin para sa mga App campaign

Layunin Kailan ito gagamitin
Promosyon ng app
  • Humimok ng mga pag-install at engagement sa app gamit ang isang naka-automate na campaign na nagpapakita ng mga ad sa Google Search Network, Display Network, Google Play, sa iba pang app, at sa YouTube.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Makakuha ng mas magagandang resulta sa negosyo gamit ang Google Analytics.

Makakapagpagana ka ng mas mahuhusay na Google Ads campaign gamit ang Google Analytics. Gamitin ang Google Analytics para makahikayat ng higit pang pagkilos na pinakamahalaga sa iyong negosyo.

Gamitin nang libre ang Google Analytics

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu