Tungkol sa mga asset

Ang mga asset ay mga piraso ng content na bumubuo sa iyong ad nang may kapaki-pakinabang na impormasyon ng negosyo—na nagbibigay sa mga tao ng higit pang dahilan para piliin ang negosyo mo. Kasama sa mga asset ang mga headline, paglalarawan, link papunta sa mga partikular na bahagi ng iyong website, button sa pagtawag, impormasyon sa lokasyon, at higit pa na nagsasama-sama para buuin ang format ng ad na sa huli ay siyang ipapakita sa isang user.

Tinatalakay ng artikulong ito kung ano ang ginagawa ng bawat uri ng asset at kung paano piliin ang mga tamang asset para sa iyo.

Paano gumagana ang mga ito

Para ma-maximize ang performance ng iyong mga responsive na search ad, pinipili ng Google Ads kung aling mga karagdagang asset ang ipapakita bilang tugon sa bawat indibidwal na paghahanap sa Google. Dahil doon, magandang gamitin ang lahat ng asset na nauugnay sa iyong mga layunin sa negosyo.

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang content sa iyong ad, ang mga asset tulad ng mga sitelink at larawan ay nagbibigay sa ad mo ng mas malawak na visibility at pagiging kitang-kita sa page ng mga resulta ng paghahanap. Ang ibig sabihin noon, malamang na mas masulit mo ang iyong ad. Kadalasang pinapataas ng mga asset ang kabuuang bilang ng iyong mga pag-click, at nakakapagbigay ang mga ito ng mga karagdagang interactive na paraan para makaugnayan ka ng mga tao gaya ng sa pamamagitan ng mga mapa o pagtawag.

Maraming uri ng asset ang nangangailangan ng kaunting pag-set up: manual ang mga iyon. Awtomatikong naidaragdag ang ilang asset kapag ayon sa hula ng Google Ads, mapapahusay ng mga iyon ang iyong performance: naka-automate ang mga iyon at hindi nangangailangan ng anumang pag-set up. Matuto pa Tungkol sa mga naka-automate na asset sa level ng account.

Gastusin

Walang gastos sa paglalagay ng mga karagdagang asset sa iyong campaign. Sisingilin tulad ng karaniwan ang mga pag-click sa anumang asset sa panghuling ad sa headline, sitelink, larawan, at higit pa. (Hindi kasama rito ang mga pag-click sa mga rating ng nagbebenta, na hindi sinisingil.) Kaya sisingilin ka para sa isang pag-click kapag may tumawag sa iyo mula sa isang icon sa pagtawag sa panghuling ad mo o kapag may nag-download sa iyong app sa pamamagitan ng pag-click sa app na na-render sa panghuling ad mo. Hindi naniningil ang Google Ads nang mahigit sa dalawang pag-click sa bawat impression para sa bawat ad at mga asset nito.

Aktwal na cost-per-click

Walang bayad sa pagdaragdag ng mga asset sa iyong campaign, pero sisingilin ka tulad ng dati para sa mga pag-click sa iyong ad, pati na rin para sa ilang partikular na pakikipag-ugnayan na ibinibigay ng mga asset. Halimbawa, kapag may nag-click sa isang button sa pag-download (mga asset para sa app), sa isang button sa pagtawag (mga asset para sa pagtawag), sa isang icon ng mga direksyon (mga asset para sa lokasyon), at iba pa. Hindi isinasama ang mga pag-click sa mga review at rating ng nagbebenta: hindi ka namin sinisingil para sa mga ito. Hindi naniningil ang Google Ads nang mahigit sa dalawang pag-click (bawat impression) sa bawat ad at sa mga asset nito.

Ang pinakamalaking babayaran mo ay ang pinakamababang kinakailangan para matugunan ang mga limitasyon ng Ad Rank at malampasan ang Ad Rank ng kakumpitensyang nasa mismong ibaba mo (kung mayroon).

Tulad ng mga ad sa mas matataas na posisyon na kadalasang may mas mataas na aktwal na CPC (dahil sa kumpetisyon, at sa isang banda, dahil sa mas matataas na limitasyon ng Ad Rank), kadalasan ding mas mataas ang aktwal na CPC ng mga ad na may mga asset dahil mas kitang-kita ang mga ito. Gayunpaman, tandaan na ang karagdagang gastusin para sa paglalagay ng mas maraming asset sa iyong mga ad ay kadalasang mas mababa kaysa sa karagdagang gastusin para sa pagtaas ng posisyon sa page ng resulta ng paghahanap. Ibig sabihin, kadalasang makakakuha ka ng mas maraming pag-click sa mas murang halaga sa pamamagitan ng paggamit ng mga karagdagang asset ng ad kaysa sa pagpapataas ng iyong posisyon.

Mga headline at paglalarawan

Ang mga headline at paglalarawan ay mga kinakailangang asset na dapat ay nakakapaghikayat, nakatuon sa mga benepisyo ng user, at natatangi. Kung mas marami kang ilalagay na headline at paglalarawan, mas marami rin ang pagkakataon ng Google Ads na makapaghatid ng mga ad na mas malapit na tumutugma sa mga query sa paghahanap ng potensyal na customer, na makakapagpahusay sa performance ng ad mo.

Pagkatapos mong maglagay ng mga headline at paglalarawan, ia-assemble ng Google Ads ang text sa iba't ibang kumbinasyon ng ad sa paraang umiiwas sa pag-ulit. Puwede kang magbigay ng hanggang 15 headline at 4 na paglalarawan para isang responsive na search ad.

Sa anumang partikular na ad, pipili ng minimum na isang headline at isang paglalarawan para ipakita sa iba't ibang kumbinasyon at pagkakaayos. Posibleng awtomatikong lumabas nang naka-bold ang ilang bahagi ng iyong ad text kapag tumutugma o halos tumutugma ito sa query sa paghahanap ng isang user. Sa paglipas ng panahon, susubukan ng Google Ads ang mga kumbinasyon ng ad na may pinakamalaking potensyal at pag-aaralan nito kung aling mga kumbinasyon ang may pinakamalapit na kaugnayan para sa iba't ibang query.

Ang mga responsive na search ad ay nagpapakita ng isa, dalawa, o tatlong headline batay sa kung ano ang magkakaroon ng pinakamahusay na performance ayon sa hula para sa natatanging query sa paghahanap ng bawat tao. Puwedeng lumabas ang text ng asset para sa headline sa umpisa ng paglalarawan kapag magiging pinakamahusay ang performance nito ayon sa hula. Kung mayroon kang mga asset na naka-pin sa posisyon 1 ng headline, posisyon 2 ng headline, o posisyon 1 ng paglalarawan, patuloy na lalabas ang mga ito sa mga nakatalagang posisyon ng mga ito kapag inihatid ang iyong mga ad. Matuto pa Tungkol sa mga responsive na search ad.

Tandaan: Hindi tulad ng iba pang asset, hindi puwedeng ilapat ang mga headline at paglalarawan sa iba't ibang level ng account o campaign. Matuto pa tungkol sa Pag-optimize ng iyong mga headline at paglalarawan.

Paano pumili ng mga karagdagang asset na gagamitin

Tandaan ang pinakamahuhusay na kagawiang ito habang pumipili at nagse-set up ka ng iyong mga asset:

  • Gamitin ang bawat asset na nauugnay sa iyong negosyo: libreng idagdag ang mga asset at lalabas lang ang mga iyon kung ayon sa hula ay mapapahusay ng mga ito ang performance ng ad mo.
  • Pag-isipang magdagdag ng 4 o higit pang uri ng asset. Halimbawa, puwede kang magdagdag ng mga sitelink, callout, larawan, at isang karagdagang asset na gusto mo.
  • Kung kapaki-pakinabang ito sa iyong negosyo, gumawa ng mga asset sa mas matataas na level ng account (halimbawa, sa level ng account o campaign, kapag available).
  • Hindi ipinapakita at binibilang ang mga read-only na uri ng asset pero puwede pa ring maihatid ang mga ito.

Pumili ng mga asset batay sa iyong layunin

Piliin ang iyong mga karagdagang asset batay sa pangunahin mong layunin sa pag-advertise. Narito ang mga karaniwang layunin ng advertiser at ang mga asset na puwedeng sumuporta sa mga iyon:

Layunin: Papuntahin ang mga customer para bumili sa lokasyon ng iyong negosyo

Kung gusto mong papuntahin ang mga tao sa iyong mga aktwal na lokasyon (tulad ng mga tindahan o restaurant), narito ang mga asset na puwede mong isaalang-alang:

Mga asset para sa lokasyon

Hikayatin ang mga taong bisitahin ang iyong negosyo sa pamamagitan ng pagpapakita ng lokasyon mo, isang button ng pagtawag, at isang link papunta sa page ng mga detalye ng iyong negosyo—na puwedeng may kasamang mga oras mo, mga larawan ng iyong negosyo, at mga direksyon kung paano pumunta roon. Kung gusto mong bisitahin ng mga customer ang lokasyon ng iyong negosyo pero sa pamamagitan ng pagtawag sa isang naka-centralize na linya (sa halip na mga numero ng mga partikular na lokasyon), gumamit ng mga asset para sa pagtawag kasama ng mga asset para sa lokasyon mo. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa lokasyon.

Layunin: Hikayatin ang mga customer na makipag-ugnayan sa iyo

Kung gusto mong tawagan ka ng mga tao o magpadala sila sa iyo ng tanong sa text message, gumamit ng mga asset para sa pagtawag:

Mga asset para sa pagtawag

Hikayatin ang mga tao na tawagan ang iyong negosyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng numero ng telepono o button ng pagtawag sa mga ad mo. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa pagtawag.

Layunin: Hikayatin ang mga customer na mag-convert sa iyong website

Kung gusto mong dalhin ang mga tao sa iyong website, gamitin ang mga asset na ito:

Mga asset para sa sitelink

I-link nang direkta ang mga tao sa mga partikular na page ng iyong website (tulad ng “mga oras” at “mag-order ngayon”). Matuto pa tungkol sa Paggawa at pag-edit ng mga asset para sa sitelink.

Asset para sa callout

Maglagay ng karagdagang text sa iyong ad, tulad ng “libreng paghahatid” o “24/7 na customer support.”

Mga asset para sa structured na snippet

Magpakita ng impormasyon na magiging pinakakapaki-pakinabang para sa mga potensyal na customer sa pamamagitan ng pagpili ng isang naka-predefine na header (tulad ng kategorya ng produkto o serbisyo) at paglilista ng mga item. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa structured na snippet.

Mga asset para sa presyo

Ipakita ang iyong mga serbisyo o kategorya ng produkto kasama ng mga presyo ng mga ito, para ma-browse ng mga tao ang mga produkto mo mula mismo sa iyong ad. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa presyo.

Layunin: Hikayatin ang mga tao na i-download ang iyong app

Kung gusto mong hikayatin ang mga tao na i-download ang iyong app, gumamit ng mga asset para sa app:

Mga asset ng app

Hikayatin ang mga tao na i-download ang iyong app. Available sa buong mundo para sa mga Android at iOS mobile device, kasama ang mga tablet. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa app.

Layunin: Hikayatin ang mga tao na isumite ang impormasyon nila

Kung gusto mong hikayatin ang mga tao na isumite ang impormasyon nila sa pakikipag-ugnayan (gaya ng email address, numero ng telepono, at iba pang detalye) bilang tugon sa isang produkto o serbisyong iniaalok mo, gumamit ng mga asset para sa form ng lead.

Mga asset para sa form ng lead

Hiyakatin ang mga tao na mag-sign up mula sa iyong ad. Available sa buong mundo para sa mga mobile device at tablet. Matuto pa Tungkol sa mga asset para sa form ng lead.

Paano mag-alis ng mga asset

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Ang mga asset ay nagdaragdag ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo sa mga ad mo, at kadalasan ay pinapahusay ng mga ito ang performance ng iyong mga ad. Pero kung gusto mong mag-alis ng mga asset, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Piliin ang Pag-uugnay mula sa drop-down na menu ng “View ng talahanayan”
  5. Lagyan ng check ang kahon sa kaliwa ng mga asset at i-click ang I-edit sa asul na bar.
  6. Piliin ang Alisin sa drop-down na menu.

Kapag inalis ang isang asset sa isang campaign, hindi maaalis ang asset sa iba pang campaign.

Paano i-off ang mga naka-automate na asset sa level ng account

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Para i-off ang mga naka-automate na asset sa level ng account, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Piliin ang Pag-uugnay mula sa drop-down na menu ng “View ng talahanayan.”
  5. I-click ang menu na tatlong tuldok sa kanan, pagkatapos ay piliin ang Mga naka-automate na asset sa level ng account.
  6. I-click ulit ang menu na tatlong tuldok sa kanan, pagkatapos ay piliin ang Mga advanced na opsyon.
  7. Piliin ang I-off ang mga partikular na naka-automate na asset, pagkatapos ay piliin kung aling asset ang io-off.
  8. Piliin ang iyong dahilan kung bakit io-off ang asset at maglagay ng mga karagdagang komento.
  9. I-click ang I-off.

Impormasyong partikular lang sa mga asset na hindi mga headline o paglalarawan

Nalalapat lang ang impormasyon sa ibaba sa mga asset na hindi mga headline o paglalarawan.

Paano iiskedyul ang iyong mga asset

Para sa mga sinusuportahang asset, puwede mong iiskedyul ang iyong mga asset para magpakita lang sa panahon ng mga partikular na oras ng araw o sa loob ng isang partikular na time frame. Halimbawa, puwede mong iiskedyul ang mga asset para sa pagtawag para lumabas lang ang mga iyon sa mga oras kung kailan makakasagot ng mga tawag ang iyong negosyo.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Piliin ang Pag-uugnay mula sa drop-down na menu ng “View ng talahanayan” Makakakita ka ngayon ng talahanayan kung nasaan ang lahat ng iyong asset.
  5. Pumili ng uri ng asset mula sa listahan sa itaas ng toolbar ng talahanayan.
  6. I-click the icon na lapis Icon na lapis / icon sa pag-edit sa tabi ng asset na gusto mong iiskedyul, at piliin ang I-edit.
  7. I-click ang drop-down na menu na Mga advanced na opsyon.
  8. Magtakda ng petsa ng pagsisimula at petsa ng pagtatapos para ipakita ang iyong asset sa loob lang ng yugto ng oras na iyon.
  9. Sa ilalim ng “Iskedyul ng asset,” piliin ang mga araw at oras kung kailan mo gustong lumabas ang iyong asset. I-click ang Magdagdag ng Iskedyul para mag-iskedyul ng mga karagdagang araw at oras.
  10. I-click ang I-save.

Mga salik na tumutukoy sa kung kailan lalabas ang mga asset

Ipinapakita ng Google Ads ang iyong mga asset depende sa ilang salik gaya ng:
  • Iyong Ad Rank, kung saan pinagsasama-sama ang bid mo, ang kalidad ng iyong ad at landing page, mga limitasyon sa Ad Rank, konteksto ng paghahanap ng tao, at inaasahang epekto ng mga asset at iba pang format ng ad. Nangangailangan ang Google Ads ng minimum na Ad Rank (kung saan isinasaalang-alang ang iyong mga asset) bago magpakita ng mga karagdagang asset sa ad mo. Kaya, baka kailanganin mong taasan ang iyong bid o ang kalidad ng ad mo (o pareho) para maipakita ang iyong mga karagdagang asset.
  • Ang posisyon ng iyong ad sa page ng mga resulta ng paghahanap sa Google. Limitado ang dami ng espasyong available sa itaas ng mga resulta ng paghahanap sa Google para sa mga asset ng ad, at nakukuha ng mga ad na nasa mas matataas na posisyon ang pagkakataong magpakita ng higit pang asset. Kadalasang ang mga ad na nasa mas mabababang posisyon ay magkakaroon ng mas kaunting asset kaysa sa mga ad na nasa mas matataas na posisyon. Bilang karagdagan, kadalasan ay hindi pinapayagan ng system ng Google Ads ang mga ad na nasa mas mabababang posisyon na magkaroon ng mas maraming nadaragdag na pag-click mula sa mga asset kumpara sa mga nadaragdag na pag-click na makukuha ng mga ito mula sa paglipat sa isang mas mataas na posisyon. Para makapagpakita ng mga ad sa mas matataas na posisyon, kadalasan ay kailangan mong pataasin ang iyong kalidad ng ad, bid, o pareho. Matuto pa Tungkol sa Ad Rank.
  • Iba pang asset na na-enable mo. Sa bawat auction, karaniwan naming ipapakita sa iyo ang kumbinasyon ng mga kwalipikadong asset at format na may pinakamahusay na performance at pinakakapaki-pakinabang. Hindi ka makakakuha ng kumbinasyon ng mga asset na nagbibigay ng mas maraming inaasahang click-through-rate (CTR) kaysa sa inaasahang CTR ng isang mas mataas na posisyon ng ad.

Paano gawing mas malamang na lumabas ang mga asset

Kung minsan, hindi lumalabas kasama ng iyong mga ad ang mga asset na gusto mong gamitin. Hindi ito nangangahulugang may mali. (Halimbawa, kung nagdagdag ka ng sitelink at larawan sa iyong ad, may ilang dahilan kung bakit posibleng lumabas ang mga asset na iyon para sa ilang paghahanap at hindi para sa iba pa).

Tiyaking nauugnay ang iyong asset sa isang aktibong ad group, campaign, o account.

Tulad ng mga ad at keyword, puwedeng aprubahan o hindi aprubahan ang mga asset. Hindi lumalabas ang mga hindi naaprubahang asset at kailangang i-edit at isumite ang mga ito para sa pagsusuri ulit.

Kahit na naaprubahan ito, hindi ginagarantiya ng pagdaragdag ng asset na lalabas ito kasama ng iyong ad sa lahat ng pagkakataon. Lumalabas ang mga asset sa iyong ad kapag:

  • Ayon sa hula, mapapahusay ng asset (o kumbinasyon ng mga asset) ang performance ng iyong ad.
  • Sapat ang taas ng posisyon at Ad Rank ng iyong ad para lumabas ang mga asset.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
15835189885735003566
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false