Tungkol sa mga naka-automate na extension

Makakapagbigay sa iyo ang mga naka-automate na extension ng mas mahuhusay na ad at mas maraming pagkakataong magkaroon ng mga bagong customer. Kapag ayon sa pagtatantya, mapapahusay ng naka-automate na extension ang performance ng iyong ad, awtomatiko itong gagawin at ipapakita ng Google Ads sa ibaba ng ad mo. Kwalipikadong lumabas ang karamihan ng mga naka-automate na extension kasama ng lahat ng uri ng ad, pero ang ilan ay sa mga desktop at laptop computer lang puwedeng lumabas.

Tumingin ng mga naka-automate na extension

Para makita kung aling mga naka-automate na extension ang naidagdag sa mga ad mo, o para mag-alis ng mga naka-automate na extension sa iyong mga ad, kakailanganin mo munang hanapin ang mga iyon. Sa dating karanasan sa AdWords, matitingnan mo ang mga naka-automate na extension sa pamamagitan ng pag-click sa tab na Mga extension ng ad at pagpili sa "Ulat sa mga naka-automate na extension” mula sa drop-down na menu na "View." Kung gusto mong i-edit ang iyong mga naka-automate na extension, mag-click sa link na Mga opsyon sa mga naka-automate na extension (advanced) na makikita sa ibaba ng talahanayan, pagkatapos ay i-click ang I-edit. Sa bagong karanasan sa Google Ads, i-click ang Mga ad at extension sa menu ng page sa kaliwa, pagkatapos ay piliin ang Mga naka-automate na extension sa itaas ng page.

Mga uri ng mga naka-automate na extension

Mga naka-automate na extension sa pagtawag

Kung nakasaad sa iyong website na kasama sa mga layunin ng negosyo mo ang paghimok sa mga taong tawagan ka, puwedeng mag-set up ang Google Ads ng mga naka-automate na extension sa pagtawag. Sa mobile, puwedeng i-click ng mga tao ang iyong extension para tawagan ang negosyo mo. Matuto pa tungkol sa mga extension sa pagtawag.

Mga dynamic sitelink na extension

Nakakatulong ang mga extension ng sitelink na dalhin ang mga tao sa tamang lugar sa iyong website. Halimbawa, kung nagpapatakbo ka ng restaurant, posibleng kasama sa iyong mga sitelink ang mga link na may sumusunod na text sa display: Mga Oras, Menu, Delivery. Matuto pa tungkol sa mga dynamic sitelink na extension.

Halimbawa

Panaderya ni Inday para sa Aso
Ad www.example.com
Mga Artisanal na Biskwit at Cake. Dapat Lang Bigyan si Bantay, Di Ba?
Mga Espesyal na Produkto · Tungkol sa Amin · Mga Biskwit · Masusustansyang Dyeta

Mga dynamic na structured snippet na extension

Ang mga structured na snippet ay may karagdagang naglalarawang text na nakakatulong sa mga tao na mas maunawaan ang hanay ng mga produkto at serbisyong iniaalok ng iyong negosyo. Matuto pa tungkol sa mga dynamic na structured snippet na extension.

Halimbawa

ACME Electronics - Full Service na Tech Shop
Ad www.example.com
Mamili sa ACME Electronics ng Mga Laptop, Smartphone, Video Game At Iba Pa.
Mga Serbisyo: Suporta sa Tech, E-Waste na Pag-recyle, Pagkukumpuni ng Computer, Pag-aaral ng Pag-code...

Mga naka-automate na extension ng lokasyon at mga extension ng lokasyon ng affiliate

Makakatulong ang mga extension ng lokasyon sa mga tao na mahanap ang mga aktwal na lokasyon ng iyong negosyo sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ad mo kasama ang iyong address, mga direksyon papunta sa lokasyon mo, o ang layo ng iyong negosyo. Gayundin, makakatulong ang mga extension ng lokasyon ng affiliate sa mga mamimili na makahanap ng mga retailer na nagbebenta ng iyong mga produkto (hal., kung isa kang manufacturer ng electronics na nakikipag-partner sa mga retailer para magbenta ng mga TV at iba pang device). Maki-click o mata-tap ng mga tao ang mga extension na ito para makakuha ng higit pang detalye tungkol sa mga lokasyong nauugnay sa iyong negosyo. Ang mga extension ng lokasyon at extension ng affiliate ay posible ring may numero ng telepono o button sa pagtawag para mabilis na matawagan ng mga user ang mga lokasyon ng iyong negosyo o ng mga retailer mo. Matuto pa tungkol sa mga extension ng lokasyon at mga extension ng lokasyon ng affiliate.

Mahalaga: Kung hindi ka nagdagdag ng mga lokasyon sa iyong account, puwedeng awtomatikong itugma ng Google Ads ang negosyo mo sa mga kilalang lokasyon (batay sa iba't ibang property ng account tulad ng mga landing page) at puwede nitong idagdag ang impormasyon sa iyong account, para magawa ang mga extension na ito. Gayunpaman, para matiyak ang pinakamataas na antas ng katumpakan, inirerekomenda naming manual mong idagdag ang impormasyon ng lokasyon.

Mga extension ng mga rating ng nagbebenta

Nagpapakita ang mga rating ng nagbebenta ng isang kumbinasyon ng impormasyon at mga review sa tabi ng iyong mga ad, na nagbibigay-alam sa mga tao kung aling mga advertiser ang may mataas na rating dahil sa de-kalidad na serbisyo. Matuto pa tungkol sa mga extension ng mga rating ng nagbebenta.

Halimbawa

Sarah's Designer Shoe Store
Ad www.example.com

4.0 ★★★★ rating para sa sarah-shoes.com
Libreng Shipping at Pagbabalik sa Malaking Bilihan ng Kilalang Brand ng Sapatos.

Mga dynamic na callout extension

Ang mga dynamic na callout ay nakakatulong sa mga taong magpasya kung bibisitahin ba nila ang iyong site sa pamamagitan ng pagpapakita ng nauugnay na impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyong iniaalok sa site mo. Kung ang landing page ng isang advertiser ay may binabanggit na potensyal na kapaki-pakinabang na impormasyon tulad ng “25 taong karanasan,” “Mag-book online,” at “Mga certified na technician,” puwedeng awtomatikong lumabas ang impormasyong iyon kasama ng ad text bilang mga dynamic na callout. Matuto pa tungkol sa mga dynamic na callout extension.

Paano gumagana ang mga ito

Walang gastusin kapag lumabas ang mga extension kasama ng iyong mga ad, pero karaniwan, sisingilin ka tulad ng nakasanayan para sa mga pag-click sa ad mo, pati na rin para sa ilang partikular na interaction na ibinibigay ng mga extension. Halimbawa, sisingilin ka kapag may nag-click sa button sa pagtawag mula sa isang naka-automate na extension sa pagtawag.

Exception: walang singilin para sa mga pag-click sa mga extension ng mga rating ng nagbebenta (pero ang mga pag-click sa mismong mga ad ay sisingilin tulad ng nakasanayan).

Malamang na mapahusay ng mga extension ang performance ng ad, kaya mas malamang na ma-click ang iyong mga ad. Naniningil ang Google Ads ng hindi hihigit sa dalawang pag-click (bawat impression) sa bawat ad at sa mga extension nito. Para mag-opt out sa mga naka-automate na extension, pumunta sa Mag-alis ng mga extension.

Tumutugma ang mga naka-automate na extension sa mga campaign at ad group na gumagamit din ng mga manual na extension. Inirerekomenda naming gamitin mo ang lahat ng manual na extension na angkop sa iyong negosyo. Para matuto pa, pumunta sa tungkol sa mga extension.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu