Gamitin ang Google Ads Editor para mag-set up ng mga campaign gamit ang iyong mga segment ng data

Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:

  • Bagong pag-uulat ng audience: Pumunta sa Mga Audience sa menu na Mga Campaign Icon ng Mga Campaign para sa detalyadong pag-uulat tungkol sa mga demograpiko, segment, at pagbubukod ng audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong mga audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
  • Mga bagong termino: Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kasama rito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience.

Magagamit mo ang Google Ads Editor para idagdag ang iyong mga segment ng data sa mga campaign mo. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano i-set up ang iyong mga campaign gamit ang mga segment ng data mo sa Google Ads Editor.

Mga Tagubilin

Idagdag sa mga campaign ang iyong mga segment ng data

  1. Piliin ang campaign kung saan mo gustong magdagdag ng mga audience mula sa account tree.
  2. I-click ang Mga keyword at pag-target sa listahan ng uri at piliin ang Mga Audience.
  3. I-click ang Magdagdag ng audience at piliin ang Audience ng campaign.
  4. Piliin ang audience na gusto mong idagdag at i-click ang OK.
  5. Sa ibaba ng panel sa pag-edit, i-click ang I-edit ang flexible na abot ng campaign.
  6. Sa seksyong “Mga Audience,” piliin ang Pag-target o Obserbasyon.
Tandaan:
Kapag gumawa ka ng bagong Search o Shopping campaign, itatakda sa “Obserbasyon” ang default na setting sa seksyong “Mga Audience.”

Idagdag ang iyong mga segment ng data sa mga ad group

  1. Piliin ang ad group kung saan mo gustong magdagdag ng mga audience.
  2. I-click ang Mga keyword at pag-target sa listahan ng uri at piliin ang Mga Audience.
  3. Puwede kang magdagdag ng maraming segment ng data sa maraming ad group sa isang flow. Para tingnan ang lahat ng available na ad group, tiyaking tinitingnan mo ang iyong buong account sa tree view. Paunang idinaragdag ang mga listahan sa mga ad group nang may +0% na pagsasaayos ng bid, na puwedeng palitan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa ibaba.
  4. Hakbang 4 (mahalaga): Kung idinaragdag mo ang iyong mga segment ng data sa pangunahing Search campaign mo na gumagamit na ng pag-target ng keyword, itakda sa "Oberbasyon" ang setting ng pag-target na “Mga Audience.” Available ang setting ng pag-target mula sa tab na Mga ad group, sa panel sa pag-edit ng “Flexible na abot.” Puwede mong baguhin ang setting ng pag-target para sa maraming ad group nang sabay-sabay sa pamamagitan ng pagpili sa mga ad group sa view ng data.
  5. Kapag itinakda mo ang pag-target sa "Obserbasyon," puwedeng magpakita ang Google Ads ng mga ad sa lahat ng user batay sa iyong mga keyword at ilalapat nito ang mga pagsasaayos ng bid na itinakda mo para sa iyong segment ng data.
  6. Kung nagse-set up ka ng duplicate na campaign na binubuo ng iyong mga segment ng data para sa mga Search ad, itakda ang pag-target sa "Pag-target." Sa setting na ito, maipapakita ng Google Ads ang mga ad sa campaign na ito sa mga bisita lang ng website sa iyong segment ng data.
    Tandaan:
    Kapag gumawa ka ng bagong ad group para sa Search o Shopping campaign, itatakda sa “Obserbasyon” ang default na setting sa seksyong “Mga Audience.” Ang default para sa mga placement, mga paksa, kasarian, edad, at parental status ay itatakda sa “Pag-target.”
  7. I-post ang iyong mga pagbabago at subaybayan ang performance ng mga segment ng data mo kung ihahambing sa kabuuang performance ng iyong account.
  8. (Opsyonal): Pagkatapos suriin ang performance ng iyong segment ng data, puwede mong baguhin ang mga pagsasaayos ng bid para tumugma sa iyong target na ROI. Puwede mong gamitin ang Google Ads Editor para isaayos ang mga modifier ng bid ng iyong segment ng data sa ilang paraan:
    • Sa loob ng Google Ads Editor: Una, piliin ang mga modifier ng bid ng segment ng data na gusto mong isaayos, o ang buong account mo sa tree view. Pagkatapos, piliin ang sub-tab na Mga Audience sa ilalim ng tab na Mga keyword at pag-target. Puwede kang magbukud-bukod at mag-filter upang hanapin ang mga listahan na gusto mong baguhin ang mga bid at pagkatapos ay piliin ang lahat ng listahan na gagamit ng iisang pagsasaayos ng bid. Ilagay ang bagong pagsasaayos ng bid (dapat na ilagay bilang 50 ang +50%) at i-post ang iyong mga pagbabago.
    • Kopyahin ang mga pagsasaayos: Binibigyang-daan ka ng Google Ads Editor na i-export ang mga setting ng iyong listahan, gumawa ng mga pagbabago sa mga program gaya ng Google Sheets, at pagkatapos ay kopyahin at i-paste ang mga pagbabago mo sa Google Ads Editor. Sundin ang mga hakbang para kopyahin ang iyong mga pagsasaayos:
      1. I-click ang tab na Mga keyword at pag-target.
      2. Piliin ang sub-tab na Mga Audience.
      3. Para i-export ang mga setting ng iyong listing, pumunta sa toolbar, i-click ang Account > Mag-export > I-export ang kasalukuyang view at i-save ang file.
      4. Para baguhin ang mga pagsasaayos ng bid ng listahan, puwede kang gumamit ng spreadsheet application, tulad ng Google Sheets.
      5. Kopyahin ang lahat ng iyong pagbabago kabilang ang mga column na “Campaign,” “Ad Group” at “Modifier ng Bid.”
      6. Para i-paste at ilapat ang mga pagbabago sa loob ng Google Ads Editor, pumunta sa tab na Mga keyword at pag-target, piliin ang sub-tab na Mga Audience at i-click ang Gumawa ng maraming pagbabago.
    • I-import ang mga pagsasaayos: Puwede ka ring mag-export ng mga setting ng iyong listahan, gumawa ng mga pagbabago sa mga program gaya ng Google Sheets, at pagkatapos ay i-import at ilapat ang mga pagbabagong iyon.
      1. Pumunta sa nauugnay na campaign o sa iyong buong account sa tree view.
      2. I-click ang tab na Mga keyword at pag-target.
      3. Piliin ang sub-tab na Mga Audience.
      4. Para i-export ang mga setting ng iyong listahan, sa toolbar, i-click ang Account > Mag-export > I-export ang kasalukuyang view at i-save ang file.
      5. Para baguhin ang mga pagsasaayos ng bid ng listahan, puwede kang gumamit ng spreadsheet application, tulad ng Google Sheets.
      6. Kopyahin ang lahat ng iyong pagbabago kasama ang mga column na “Campaign,” “Ad Group,” at “Modifier ng Bid” bilang CSV file.
      7. Para i-import at ilapat ang iyong mga pagbabago sa Google Ads Editor, pumunta sa toolbar, piliin ang Account >Mag-import > Mula sa file at i-import ang file mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

false
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
16268835718219278062
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false
false