Mag-set up ng pagsasaayos ng bid sa iskedyul ng ad

Puwede mong isaayos ang iyong mga bid para sa mga partikular na araw at oras. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga pagsasaayos ng bid, puwedeng mag-iba-iba ang paggastos mo sa mga indibidwal na pag-click, pero hindi magbabago ang iyong average na pang-araw-araw na badyet.

Bago ka magsimula

  • Kung magtatakda ka ng mga pagsasaayos ng bid para sa mga mobile device o lokasyon, mamu-multiply ang lahat ng pagsasaayos mo para matukoy ang kalalabasang pagsasaayos ng bid. Matuto pa Tungkol sa mga pagsasaayos ng bid.
  • Naaapektuhan ng mga pagsasaayos ng bid ang lahat ng bid sa isang campaign. Kapag tapos na ang panahon ng iyong pagsasaayos ng bid, mare-restore ang mga normal mong bid sa campaign maliban kung nagtakda ka ng iba pang pagsasaayos. Halimbawa, para sa mga device o lokasyon.
  • Available ang mga pagsasaayos ng bid sa pag-iiskedyul ng ad para sa mga campaign na gumagamit ng naka-automate na diskarte sa pag-bid na Pag-maximize sa mga pag-click. Matuto pa Tungkol sa pag-bid na Pag-maximize sa mga pag-click

Mga Tagubilin

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang Mga Campaign sa menu ng page.
  3. I-click ang pangalan ng campaign na naglalaman ng bid na gusto mong isaayos.
  4. I-click ang Iskedyul ng ad sa menu ng page.
  5. Hanapin ang row para sa nakaiskedyul na oras na gusto mong isaayos, at i-click ang icon na lapis I-edit sa column na "Pagsasaayos ng bid."
  6. Piliin ang Dagdagan o Bawasan mula sa drop-down na menu at maglagay ng numero.
  7. I-click ang I-save.

Halimbawa, nagpapatakbo ka ng negosyo na dog-sled touring sa Alaska, at may kasalukuyan kang max CPC na bid na Php50.00. Iniskedyul mong lumabas ang iyong ad tuwing Martes mula 8 a.m. hanggang 11 a.m. Nagpasya kang magtakda ng pagsasaayos ng bid na +10% tuwing Martes mula 8 a.m. hanggang 10 a.m. Kung kaya, ang iyong maximum na bid para sa yugto ng panahong iyon ay Php50.00 x (+10%) = Php55.00.

Dahil nakatira sa Anchorage ang maraming customer na gusto ang iyong mga dog-sled tour, nagpasya kang magtakda ng karagdagang +20% pagsasaayos para sa Anchorage. Php66.00 ang iyong maximum na kalalabasang bid tuwing Martes nang 9:30 a.m. para sa isang customer na mula sa Anchorage. Ganito ito gumagana:

  • Simulang bid: Php50.00
  • Pagsasaayos tuwing Martes, 8 a.m. hanggang 10 a.m.: Php50.00 x (+10%) = Php55.00
  • Pagsasaayos sa Anchorage: Php55.00 x (+20%) = Php66.00
  • Maximum na bid tuwing Martes, 8 a.m. hanggang 10 a.m., sa Anchorage: Php66.00

Kapag tapos na ang iyong nakaiskedyul na pagsasaayos ng bid, mare-restore ang mga normal mong bid sa campaign maliban kung nagtakda ka ng iba pang pagsasaayos. Sa halimbawang ito, ang iyong maximum na bid pagsapit ng 10:01 a.m. sa Martes ay magiging Php50.00 x (+20%) o Php66.00 hanggang sa humintong lumabas ang mga ad mo pagsapit ng 11 a.m.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false