Para i-access ang Keyword Planner:
- Gumagamit dapat ng expert mode ang iyong account. Hindi mo maa-access ang Keyword Planner kung smart mode ang ginagamit ng iyong account.
- Dapat mong kumpletuhin ang iyong pag-set up ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong impormasyon sa pagsingil at paggawa ng campaign. Kung hindi ka pa handang gumastos ng pera, puwede mong piliing i-pause ang iyong mga campaign.
Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano gawing partikular ang listahan mo ng mga keyword para mahanap ang mga pinakanauugnay na keyword sa iyong negosyo.
Mga Tagubilin
1. I-filter at pinuhin ayon sa kategorya
Puwede mong i-filter ang iyong mga resulta para mas maunawaan ang potensyal na tagumpay ng mga partikular na ideya sa keyword. Para mag-edit ng mga filter, i-click ang icon ng filter sa itaas ng talahanayan ng mga resulta, at pagkatapos ay piliin ang filter na gusto mong i-edit.
Puwede mong i-filter ang iyong mga resulta ayon sa text ng keyword, average na mga buwanang paghahanap, bid sa itaas ng page (mababang hanay), bid sa itaas ng page (mataas na hanay), kumpetisyon, organic na bahagi ng impression, bahagi ng ad impression, o magbukod ng mga keyword na nasa account mo na.
Puwede mo ring pinuhin ang iyong listahan gamit ang mga kategoryang nauugnay sa mga ideya mo sa keyword. Halimbawa, kung nauugnay ang iyong mga keyword sa mga sapatos na pantakbo, puwede kang makakita ng kategorya para sa kulay ng sapatos.
Ang lahat ng kategorya ay nakapili bilang default. Para gawing partikular ang iyong paghahanap, i-uncheck ang mga kahon sa tabi ng mga kategoryang gusto mong alisin sa iyong listahan ng mga ideya sa keyword.
2. Gawing partikular ayon sa lokasyon
- Mga setting ng lokasyon: Maglagay ng heograpikong lokasyon sa kahon, kabilang ang mga bansa, teritoryo, rehiyon, at lungsod. I-click ang “Kalapit” para makakuha ng mga ideya tungkol sa mga lokasyong malapit sa lokasyong inilagay mo. Kung gusto mong i-target ang buong mundo, alisin ang anumang lokasyong inilagay mo dati. Ang paggawa ng gayon ay awtomatikong magtatakda sa iyong pag-target na maging "Lahat ng lokasyon."
- Mga setting ng wika: Maglagay ng wika sa kahon o mag-scroll sa listahan ng mga wikang mapagkukunan mo ng mga ideya.
- Mga network setting: Piliin ang "Google" para makakuha ng mga ideya para sa Google Search o piliin ang "Google at mga partner sa paghahanap" para makakuha ng mga ideya para sa Google Search, iba pang site ng paghahanap sa Google gaya ng Maps, at mga site ng partner sa paghahanap ng Google (mga site na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad).
3. I-customize ayon sa hanay ng petsa
4. Itugma sa mga pana-panahong trend
5. Idetalye sa mga segment
- Mga trend sa mobile: Ihambing ang mga trend sa mobile sa mga paghahanap sa lahat ng device.
- Detalye ayon sa device: Idetalye ang iyong mga buwanang paghahanap ayon sa mga computer, mga mobile device na may mga kumpletong browser, at mga tablet na may mga kumpletong browser.
- Detalye ayon sa lokasyon: Tingnan kung ilang pag-click ang nakukuha ng iyong mga keyword sa bawat isa sa mga target mong lokasyon.