Paghahanap ng tagumpay gamit ang Smart Bidding

Opisyal na gabay sa pag-automate at pag-optimize ng iyong mga bid.

 

Kapag na-automate mo ang iyong mga bid sa Google Ads, makakapaghatid ang mga ito ng mas mahuhusay na bid habang nakakatipid ka naman ng oras. Sa gabay na ito, tatalakayin namin kung bakit dapat kang gumamit ng strategy sa Smart Bidding at kung paano makakuha ng mas magagandang resulta sa mga Search campaign.

 

Clock icon

1. Maghatid ng mas mahusay na performance gamit ang pag-bid sa oras ng auction sa Google Ads

  • Mag-bid sa konteksto ng oras ng auction ng user sa pamamagitan ng Smart Bidding.

Bakit: Posibleng humantong sa mas mahuhusay na resulta ang mga dynamic na bid na iniangkop sa bawat indibidwal na auction. 

Bakit: Sumusuri ang mga algorithm sa pag-bid ng Google Ads ng bilyon-bilyong kumbinasyon ng nauugnay na signal ayon sa konteksto sa oras ng auction para magtakda ng mga bid. Mahigit 80% ng mga advertiser ng Google ang gumagamit ng naka-automate na pag-bid.1

  • Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pag-automate ng iyong mga bid.

Bakit: Malaki ang naibabawas ng naka-automate na pag-bid sa oras na ginugugol mo sa pag-bid, kaya mailalaan mo ang iyong oras sa pag-optimize sa iba pang bahagi ng account mo tulad ng pagsukat at creative.

Pag-aaral ng Sitwasyon

Pagkatapos lumipat sa Target na ROAS, nakakita ang Savings.com ng 30% pagtaas ng gross na kita sa kanilang target na ROAS habang nakakatipid ng oras para sa mga campaign manager nito sa pamamagitan ng pagbabawas ng pangangailangan nilang sumubaybay ng maraming pagsasaayos ng bid sa Google Ads.

Magbasa pa tungkol sa pagsulit sa pag-bid sa oras ng auction.

 

Settings icon

2. I-set up ang istruktura ng iyong account, mga setting, at mga kagawian sa pagsukat para sa tagumpay

  • Ibatay ang iyong mga campaign sa mga layunin.

Bakit: Ang naka-automate na pag-bid ay pag-bid na nakabatay sa layunin, ibig sabihin, sa pangkalahatan, pareho dapat ang uri ng layunin ng isang campaign.

  • Pasimplehin ang istruktura ng iyong account.

Bakit: Hindi kinakailangan ang mga granular na istruktura ng campaign dahil gagana ang naka-automate na pag-bid sa lahat ng istruktura ng account.

  • I-automate ang iyong pag-bid batay sa tumpak na data ng conversion at halaga ng conversion.

Bakit: Kapag nagsusukat ng mga conversion at kapag may mas mahusay na data ng conversion at halaga ng conversion, mas may magagamit na impormasyon sa mga naka-automate na bid.

  • Samahan ang Smart Bidding ng mga malawak na tugmang keyword at responsive na search ad.

Bakit: Ipakita ang tamang mensahe sa maraming nauugnay na tao hangga't posible habang itinatakda ang tamang bid para sa bawat query. Ang mga advertiser na gumagamit ng mga responsive na search ad sa mga campaign na gumagamit din ng malawak na tugma at Smart Bidding ay nakakakuha ng average na 20% mas maraming conversion sa parehong cost per action.2

Pag-aaral ng Sitwasyon

Tails.com logo

Gamit ang kumbinasyon ng malawak na tugma, Smart Bidding, at mga responsive na search ad, naparami ng tails.com na nakabase sa UK ang mga pag-sign up sa Germany mula sa mga generic na Search campaign ng mga ito nang 182%, habang pinaparami ang mga pag-click nang 258%.

Panoorin ang kanilang kwento:

Magbasa pa tungkol sa pag-set up sa iyong account para sa tagumpay.

 

Gears icon

3.  Piliin ang tamang strategy sa pag-bid

  • Pumili ng strategy na naaangkop sa pangunahing layunin ng iyong negosyo.

Bakit: Papamahalaan ng pag-automate ang iyong account at pagtutuunan nito ang layuning iyon kaysa sa iba pa.

Layunin ng Negosyo

Paraan ng Pag-bid

Paramihin ang mga benta, kita, o kwalipikadong lead

Pag-maximize ng halaga ng conversion na may opsyonal na target na ROAS

Paramihin ang mga transaksyon o lead

Pag-maximize ng mga conversion na may opsyonal na target na CPA

Paramihin ang mga bisita sa website Pag-maximize sa mga pag-click
Palawakin o i-stabilize ang kaalaman Target na bahagi ng impression

 

  • I-optimize ang iyong ROI gamit ang Pag-maximize ng halaga ng conversion o sa pamamagitan ng pagtatakda ng target na ROAS (return on ad spend).

Bakit: Hindi magkakapantay ang lahat ng conversion–mas mahalaga ang ilan kumpara sa iba. Makakatulong ang pagsukat ng mga halaga ng conversion at pag-bid para sa mga ito na makahanap ka ng mas mahahalagang customer. Bilang average, ang mga advertiser na lumipat sa target na ROAS mula sa target na CPA na strategy sa pag-bid ay nakakakuha ng 14% mas malaking halaga ng conversion sa katulad na return on ad spend.3

Pag-aaral ng Sitwasyon

1StopLighting logo

Inilipat ng 1STOPlighting ang lahat ng kanilang shopping campaign para mag-bid sa target na ROAS at napalaki nila ang kita nang 214%.

  • Alamin kung kailan gagamit ng mga seasonality adjustment sa Smart Bidding.

Bakit: Dapat gamitin ang mga seasonality adjustment para sa mga partikular na sitwasyon kapag mahuhulaan mo na pansamantalang magbabago ang mga rate ng conversion sa loob ng maikling panahon.

Magbasa pa tungkol sa pagpili ng naaangkop na strategy sa pag-bid.

 

Illustration of a laptop with charts on the screen

4. Subukan ang iyong mga strategy sa pag-bid

  • Panatilihing simple ang bawat pagsubok sa pag-bid at isang variable lang ang baguhin sa bawat pagkakataon. 

Bakit: Kapag nagdagdag ka ng iba pang bagong elemento habang sinusubukan mo ang Smart Bidding, puwedeng maapektuhan ang katumpakan ng mga resulta ng iyong pagsubok.

Magsimula: Gumamit ng mga eksperimento ng Google Ads para subukan ang performance ng naka-automate na pag-bid.

  • Piliin ang pinakamalaking campaign na kumportable kang pag-eksperimentuhan.

Bakit: Sa pagsasagawa ng pagsubok, kapag mas marami kang data, mas magiging kumpiyansa ka at mas mapapabilis ang mga resulta.

  • Magsimula sa mga target na naaayon sa iyong dating CPA o ROAS. 

Bakit: Ang mga target na masyadong agresibo ay puwedeng makaapekto sa makukuha mong dami at sa paghahambing sa iyong mga dating average.

Magbasa pa tungkol sa pagsubok sa mga naka-automate na strategy sa pag-bid.

 

Magnifying glass with a line graph

5. Suriin ang performance ng iyong naka-automate na strategy sa pag-bid

Bakit: Puwede mong tingnan ang naging performance ng iyong mga sukatan ng layunin sa paglipas ng panahon habang gumagamit ng Smart Bidding. At tingnan kung gaano kahusay mong nakamit ang iyong layunin sa average. 

  • Maunawaan ang mga nangungunang signal na ginagamit ng Smart Bidding.

Bakit: Gumamit ng mga nangungunang signal para unawain kung aling mga signal ang may pinakamalaking epekto sa performance ng iyong Smart Bidding. Makakatulong ang mga insight na ito sa pagbibigay ng impormasyon para sa iyong mas malawak na pagsisikap sa marketing.

  • I-optimize ang iyong mga target.

Bakit: Nakakatulong ang pagsasaayos sa iyong mga target na maabot mo ang iyong mga nagbabagong layunin sa performance, at ang mga madalas o malaking pagbabago sa target ay hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa performance ng iyong strategy sa pag-bid.

  • Unawain ang mga pagkaantala ng conversion, na makikita sa ulat sa strategy sa pag-bid.

Bakit: Baka matagalan bago makapag-convert ang mga customer pagka-click nila sa iyong mga ad, na tinutukoy namin bilang pagkaantala ng conversion. Kailangan mong malaman ang hitsura ng iyong mga karaniwang pagkaantala para ma-assess mo nang maayos ang performance. Baka magmukhang hindi masyadong mahusay ang iyong performance kaysa sa totoo kung hindi mo hihintaying maiulat ang lahat ng conversion bago mo i-assess ang performance. 

Example bid strategy report

Magbasa pa tungkol sa pagsubok sa mga naka-automate na strategy sa pag-bid.

 

 

1. Internal na Data ng Google, Pandaigdigan, 2021-03-16 hanggang 2021-04-12
2. Internal na Data ng Google, 2021-04-01 hanggang 2021-04-07
3. Internal na Data ng Google, Pandaigdigan, Peb 2023

Mag-sign up para sa newsletter ng Pinakamahuhusay na Kagawian para makakuha ng mga advanced na tip at update sa Google Ads sa iyong inbox.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
16427201476945099990
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false