Gumawa ng mga epektibong Search ad

Opisyal na gabay sa pag-optimize ng mga ad at pagmemensahe sa Google Search

Nangungunang 3 tip:

  1. Magpatupad ng kahit isang responsive na search ad na may 'Mahusay' o 'Napakahusay' na Kalidad ng Ad sa bawat ad group. Ang mga advertiser na nakakapagpaganda ng Kalidad ng Ad para sa kanilang mga responsive na search ad mula 'Mababa' para maging 'Napakahusay' ay nakakakita ng 12% mas maraming conversion sa average.Para makatulong na pagandahin ang Kalidad ng Ad mo, pag-isipang mag-opt in sa mga awtomatikong ginawang asset.
  2. Magdagdag ng kahit 4 na natatanging asset para sa imahe. Gamit ang mga asset para sa imahe, nagiging mas madali para sa mga tao na malaman ang tungkol sa iyong negosyo at kumilos mula sa mga Search ad mo sa pamamagitan ng mga kaugnay na visual ng iyong mga produkto at serbisyo.
  3. Isama ang logo ng iyong negosyo at ang pangalan ng negosyo mo. Ang mga advertiser na nagpapakita ng logo at pangalan ng negosyo sa kanilang mga Search ad ay nakakakuha ng average na 8% mas maraming conversion sa parehong cost per conversion.2

Best Practices logo

Gamit ang husay ng Google AI, natutukoy ng mga responsive na search ad ang pinakamagandang kumbinasyon ng mga asset para matulungan kang maghatid ng mga kaugnay na ad na umaangkop sa mga nagbabagong gawi ng consumer. Sa pamamagitan ng pagsulit sa kaugnayan at pagiging kapaki-pakinabang ng iyong mga Search ad, makakakonekta ka sa mas maraming customer sa mga sandaling mahalaga at makakapag-drive ka ng mas maraming conversion. Sa gabay na ito para sa Google Ads, malalaman mo kung paano i-optimize ang iyong mga responsive na search ad para makapaghatid ka ng mas magagandang resulta sa negosyo mula sa mga Search campaign mo.

Google Ads Tutorials: Responsive search ads best practices

1. Sumulat ng nakakahikayat at tapat na copy ng ad

  • Gumawa ng mensaheng nakatuon sa mga benepisyo ng user.

Bakit: Tumutugon ang mga user sa mga ad na tungkol sa mga pangangailangan nila.

  • Iugnay ang mensahe ng iyong headline at linya ng paglalarawan sa mga keyword mo.

Bakit: Malamang na makipag-ugnayan ang mga user sa mga ad na lumalabas na may pinakamalapit na kaugnayan sa paghahanap nila.

Pag-aaral ng Sitwasyon

Swoop logo

Sa pamamagitan ng pagsasama sa mga keyword nito na may pinakamahusay na performance sa mga responsive na search ad, tumaas nang 71% ang kita at 61% ang mga conversion ng isang airline sa Canada, ang Swoop.

  • Umiwas sa paggamit ng pangkalahatang mensahe sa iyong mga ad. Gumamit ng mga partikular na call to action.

Bakit:Kadalasan, nagpapakita ang mga pangkalahatang call to action ng mas mababang pakikipag-ugnayan sa mga ad.

  • Suriin ang Kalidad ng Ad para sa mga insight sa kung ano ang posibleng maging reaksyon ng mga user sa iyong mga ad.

Bakit: Nagbibigay ang Kalidad ng Ad ng feedback na nakatuon sa hinaharap tungkol sa kung gaano kalapit na ipinapakita ng mga asset sa iyong responsive na search ad ang mga attribute na nauugnay sa mas mahusay na performance. 

Pag-aaral ng Sitwasyon

MyFlightSearch logo

Tumuon ang online na ahensya sa paglalakbay na MyFlightSearch sa paggawa ng mga responsive na search ad na may Kalidad ng Ad na ‘Mahusay’ at ‘Napakahusay,’ na nakatulong sa brand na mapataas ang conversion nang 14%, at mapababa ang gastusin nito sa bawat pag-book nang 15% 

  • Suriin ang pag-uulat ng asset sa antas ng campaign.

Bakit: Nakakatulong sa iyo ang ulat na ito na maunawaan kung alin sa mga asset mo ang pinakapatok sa iyong mga customer.

Suriin ang detalyadong gabay tungkol sa pagsusulat ng mga nakakahikayat at tapat na copy ng ad.

2. Gumawa ng mensaheng nagpapakita ng iyong brand at mga iniaalok mong produkto at serbisyo

  • Gumawa ng ad text na nakakahimok sa mga user sa iba't ibang device

Bakit: Ang nakakahimok na call to action sa isang device ay kadalasang nakakahimok din sa iba pang device.

  • Sumubok ng mga headline na may iba't ibang haba.

Bakit: Makakatulong ang mga headline na may iba't ibang haba para pumatok ang iyong mga ad sa iba't ibang customer depende kung gaano sila kapamilyar sa brand mo.

  • Pag-isipang gumamit ng mga awtomatikong ginawang asset para matulungan kang bumuo ng mga karagdagang headline at paglalarawan.

Bakit: Makakatulong sa iyo ang mga awtomatikong ginawang asset na magpakita ng mga mas kaugnay na ad sa pamamagitan ng pagbuo ng mga iniangkop na headline at paglalarawan na nakabatay sa natatanging konteksto ng ad mo.

Suriin ang detalyadong gabay tungkol sa paggawa ng mensaheng nagpapakita ng brand mo.

3. I-set up ang iyong mga ad para sa tagumpay

  • Magdagdag ng maraming natatanging headline at paglalarawan hangga't kaya mo.

Bakit: Ang pagbibigay ng mga natatanging headline at paglalarawan ay nagbibigay-daan sa system na mag-ayos ng higit pang kumbinasyon ng ad.

  • Gumamit ng paglagay ng keyword at mga customizer ng ad kung marami kang pinapamahalaang ad.

Bakit: Puwede mong iangkop ang iyong mga malikhaing mensahe sa paghahanap ng isang user habang binabawasan ang gastos mo sa pamamahala.

  • Ipares ang mga responsive na search ad sa Smart Bidding at mga malawak na tugmang keyword.

Bakit: Ipakita ang tamang mensahe sa maraming nauugnay na tao hangga't posible habang awtomatikong itinatakda ang tamang bid para sa bawat query.

Pag-aaral ng Sitwasyon

Tails.com logo

Gamit ang kumbinasyon ng malawak na tugma, Smart Bidding, at mga responsive na search ad, naparami ng tails.com na nakabase sa UK ang mga pag-sign up sa Germany mula sa mga generic na Search campaign ng mga ito nang 182%, habang pinaparami ang mga pag-click nang 258%.

Panoorin ang kanilang kwento:

Suriin ang detalyadong gabay tungkol sa pag-set up ng iyong mga ad para sa tagumpay.

4. Gumamit ng maraming uri ng asset na posible

  • I-enable ang lahat ng uri ng asset na naaangkop sa iyong negosyo. 

Bakit: May iba't ibang uri ng asset na puwedeng maging dahilan para maging mas kapaki-pakinabang at nakakahikayat ang mga ad sa mga user, habang nakakatulong sa iyong matugunan ang mga layunin mo sa marketing. 

Pag-aaral ng Sitwasyon

HUGO BOSS logo

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga asset para sa imahe sa mga responsive na search ad at paggamit ng data ng audience at Smart Bidding ng Target na ROAS bilang bahagi ng strategy nito, nakakuha ang HUGO BOSS ng 2.5x na return on ad spend at 5% pagpapahusay sa clickthrough rate kapag ikukumpara sa kabuuang trapiko sa mobile.

  • Gawing mataas ang kalidad ng iyong mga asset hangga't posible.

Bakit: Awtomatikong pinipili ang mga asset batay sa ilang salik, kasama na ang dating performance, konteksto ng user, at available na espasyo.

Tingnan ang detalyadong gabay tungkol sa paggamit ng maraming uri ng asset hangga't posible.

5. Sumubok at mag-optimize ng mga malikhaing mensahe

  • Gumamit ng mga variation ng ad para subukin at ulitin ang mga malikhaing mensahe.

Bakit: Matututo ka tungkol sa mga kagustuhan ng iyong mga user at mapapahusay mo ang iyong performance sa pamamagitan ng pagpapaganda sa ad text, lalo na sa mga headline mo.

  • Tasahin ang tagumpay ng iyong mga ad batay sa mga nadaragdag na impression, pag-click, at conversion na nakukuha ng mga ad group at campaign mo.

Bakit: Nakakatulong sa iyo ang mga responsive na search ad na maging kwalipikado sa higit pang auction, kaya posibleng hindi makikita sa performance at mga sukatan sa antas ng ad tulad ng clickthrough rate at rate ng conversion ang buong lagay ng iyong performance.

Suriin ang detalyadong gabay tungkol sa pagsubok at pag-optimize ng mga creative.

 

I-optimize ang iyong campaign habang ginagawa mo ito

Habang ginagawa mo ang iyong campaign, puwede kang makatanggap ng mga notification batay sa mga napili mong setting. Puwede kang alertuhin ng mga notification na ito tungkol sa mga isyung puwedeng humantong sa mas mababang performance o posibleng may sapat na kahalagahan para mapigilan kang i-publish ang iyong campaign.

Ang menu ng navigation sa paggawa ng campaign na lumalabas habang ginagawa mo ang iyong campaign ay nagbibigay ng pangkalahatang view sa pag-usad ng paggawa mo at magbibigay-pansin sa mga notification na baka gusto mong tugunan. Magpalipat-lipat sa mga hakbang sa menu ng navigation para madaling masuri at maresolba ang anumang potensyal na isyu sa iyong pag-target, pag-bid, badyet, o iba pang setting ng campaign. Alamin kung paano I-set up ang iyong campaign para sa tagumpay.

Mga kaugnay na link

 

 

1. Internal na data ng Google
2. Internal na data ng Google, Pandaigdigan, 3/9/2023 - 3/22/2023

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu