Subaybayan at i-optimize ang iyong mga Shopping campaign

Kapag napagana mo na ang iyong Shopping campaign, kailangan mong alamin ang performance nito para matiyak na nakukuha mo ang mga resultang gusto mo. Masusubaybayan mo ang performance ng iyong campaign sa ilang pangunahing lugar sa Google Ads:

  • Page na Mga pangkat ng produkto
  • Page na Mga Produkto
  • Page na Mga Dimensyon
  • Ulat sa Mga insight sa auction
  • Mga bid simulator

Tandaan

Binubuo ang mga Shopping ad batay sa data ng produkto na na-set up mo sa iyong Merchant Center account. Bagama't maaari kang tumukoy ng mga pangkat ng produkto sa iyong mga campaign, lubos na nauugnay ang performance ng iyong ad sa data na ibinigay mo sa Merchant Center, kaya siguraduhing tumpak at napapanahon ang iyong data ng produkto. Alamin kung paano suriin ang kalidad ng iyong feed ng data sa Merchant Center.

Gamitin ang page na Mga pangkat ng produkto

Ang page na Mga grupo ng produkto ay ang unang lugar na puwede mong tingnan para malaman ang performance ng iyong mga grupo ng produkto. I-customize ang mga column na nakikita mo at mag-download ng mga ulat na may mga naka-segment na opsyon.

Makikita mo ang mga uri ng impormasyon na ito:

  • Maximum na cost-per-click (max. CPC)
  • Mga Impression
  • Clickthrough rate (CTR)
  • Mga sukatan ng conversion
  • Benchmark na clickthrough rate (CTR)
  • Benchmark na maximum na cost-per-click (max. CPC)
  • Bahagi ng impression
  • Bahagi ng pag-click
  • Pinakanangungunang bahagi ng impression
  • Mga template sa pagsubaybay
  • Mga custom parameter
  • % naaprubahan
  • % ang aktibo
  • % ang handang ihatid
  • Mga produktong naisumite
  • Mga naaprubahang produkto
  • Mga aktibong produkto
  • Mga produktong handa nang ihatid

Matuto pa tungkol sa mga column na ito at sa ibig sabihin ng mga ito.

Puwede ka ring mag-download ng ulat at magdagdag ng mga segment sa ulat para matingnan ang iyong performance ayon sa mga araw ng linggo, uri ng pag-click, o device. Tandaang hindi mo maaaring i-segment ang bahagi ng impression, benchmark na CTR, o benchmark na CPC ayon sa device o uri ng pag-click.

Ganito mag-download ng ulat mula sa page na Mga Grupo ng Produkto:

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang campaign na gusto mong gawan ng ulat.
  5. Pumili ng ad group sa campaign.
  6. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga pangkat ng produkto.
  7. Siguraduhing ipinapakita ng talahanayan ang lahat ng column na baka gusto mong i-edit. Pagkatapos, i-click ang button sa pag-download Button sa pag-download.
    1. Kung gusto mong i-segment ang iyong data ayon sa device, araw ng linggo, o uri ng pag-click, i-click ang Higit pang opsyon, pagkatapos ay i-click ang drop-down na menu na Magdagdag ng mga segment at piliin ang opsyong gusto mo. Hindi mo mase-segment ang iyong data ng bahagi ng impression, benchmark na CTR, o benchmark na CPC ayon sa device o uri ng pag-click. Hindi mo mamamarkahan ang naka-segment na ulat na ito na “Nae-edit.”
    2. I-click ang I-email ngayon para i-email ang ulat sa mga partikular na tatanggap. Puwede mo ring piliin ang uri ng file.
    3. I-click ang Iiskedyul para i-email ang ulat sa mga partikular na tatanggap sa napili mong uri ng file sa regular na nakaiskedyul na oras, ito man ay "pang-araw-araw," "lingguhan," o sa "unang araw ng buwan."
  8. Kung magda-download ka ng nae-edit na ulat, magagamit mo iyon para gumawa ng maramihang pagbabago sa mga pangkat ng produkto, bid, template sa pagsubaybay, at custom na parameter. Matuto pa tungkol sa nada-download na mga ulat at maramihang pag-upload. Tandaan:
    • Hindi ka puwedeng mag-download ng nae-edit na ulat gamit ang mga segment.
    • Tiyaking i-save ang iyong spreadsheet sa isa sa aming mga sinusuportahang format (.xlsx, .tsv o .csv).
  9. I-click ang I-download.
Gamitin ang page na Mga Produkto (Shopping lang)

Nakakatulong sa iyo ang page na Mga Produkto na maunawaan ang performance ng mga indibidwal na produkto sa campaign mo. Narito ang mga nako-customize na column na puwede mong makita:

  • Item ID
  • Pamagat
  • Channel
  • Pagiging ekslusibo ng channel
  • Merchant id
  • Brand
  • Presyo
  • Kundisyon
  • Wika
  • Uri ng produkto
  • Kategorya
  • Custom na label
  • Status ng produkto
  • Mga Impression
  • Mga Pag-click
  • Average na cost-per-click
  • Aktwal na maximum na cost-per-click (aktwal na max. CPC)
  • Mga sukatan ng conversion
  • Pinakanangungunang bahagi ng impression

Matuto pa tungkol sa mga column na ito at sa ibig sabihin ng mga ito.

Gamitin ang page na Mga na-predefine na ulat

Nagbibigay ang page na Mga na-predefine na ulat ng naka-customize na pag-uulat ng perfromance sa anumang antas ng granularity ayon sa anumang dimensyong pipiliin mo, kasama ang:

  • Kategorya
  • Uri ng produkto
  • Item ID
  • Brand
  • Merchant Center ID
  • Store ID
  • Channel
  • Pagiging ekslusibo ng channel
  • Benchmark na clickthrough rate (CTR)
  • Benchmark na maximum na cost-per-click (max. CPC)
  • Bahagi ng impression
  • Bahagi ng pag-click
  • Pinakanangungunang bahagi ng impression

Ganito tingnan ang data ng performance mula sa page na Mga na-predefine na ulat:

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang dropdown na Mga insight at ulat sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Editor ng ulat.
  4. I-click ang "Tingnan lahat" sa card na "Mga naka-predefine na ulat (dating Mga Dimensyon)."
  5. Sa seksyong Shopping, piliin ang attribute na gusto mong gamitin para pagbukod-bukurin ang data ng iyong performance: kategorya, uri ng produkto, item ID, brand, Merchant Center ID, o store ID.

Para i-customize ang impormasyong gusto mong makita sa kakagawa mo lang na ulat:

  1. I-click ang icon sa pag-edit ng row o column.
  2. Para magdagdag ng column sa ulat, i-click ang Magdagdag, pagkatapos ay piliin ang uri ng sukatan (halimbawa, "Mga Attribute,” “Performance,” “Mga Conversion,” “Mahuhusay na sukatan”) na gusto mong idagdag bilang column sa ulat. Ulitin ito para sa bawat column na gusto mong idagdag.
  3. I-click ang Idagdag para piliin ang mga column na gusto mong tingnan.
  4. Para mag-alis ng column mula sa ulat, i-click ang X sa tabi ng pangalan ng column na gusto mong alisin.
  5. Para i-save ang mga setting ng iyong ulat, i-click ang I-save bilang.

Maaari kang mag-download ng mga hindi nae-edit na ulat sa performance mula sa page na Mga na-predefine na ulat. Gumamit ng mga segment kung gusto mong tingnan ang iyong data na nahahati sa mga row batay sa mga opsyong pinakamahalaga para sa iyo, gaya ng mga araw ng linggo, uri ng pag-click, o device. Tandaang hindi mo puwedeng i-segment ang bahagi ng impression, benchmark na CTR, o benchmark na CPC ayon sa device o uri ng pag-click.

Ganito mag-download ng hindi nae-edit na ulat mula sa page na Mga na-predefine na ulat (dating Mga Dimensyon):

  1. Mula sa page na Mga na-predefine na ulat (dating Mga Dimensyon) tiyaking ipinapakita ng talahanayan ang lahat ng impormasyong gusto mong makita. Pagkatapos, i-click ang button sa pag-download Button sa pag-download .
  2. Piliin ang format kung saan mo gustong i-download ang iyong ulat (halimbawa, .csv).
  3. I-click ang I-download.

Tip

Puwede mo ring i-segment ang iyong data ng performance sa antas ng campaign o ad group para ihambing ang trapiko mula sa Google Search Network at mga partner sa paghahanap ng Google. Pumunta lang sa page na Mga Campaign o Mga ad group, i-click ang drop-down menu na Segment Segment, at piliin ang Network (kasama ang mga partner sa paghahanap).

Gamitin ang ulat na Mga insight sa auction

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat na Mga insight sa auction na ihambing ang iyong pagganap sa iba pang mga advertiser na lumalahok sa parehong mga auction na sinasalihan mo. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na gumawa ng mga madiskarteng desisyon tungkol sa mga pagpipilian sa pagbi-bid at pagba-badyet sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo kung saan ka nagtatagumpay at kung saan ka maaaring nawawalan ng pagkakataon para sa pinahusay na pagganap. Available ang data na ito simula Oktubre 2014 hanggang sa kasalukuyan.

Matuto pa tungkol sa Mga insight sa auction para sa mga Shopping campaign.

Gamitin ang bid simulator

Gusto mo bang taasan o babaan ang iyong mga bid, pero hindi ka sigurado kung paano ito makakaapekto sa iyong performance? Puwedeng makapagbigay-linaw ang Bid Simulator sa kung paano posibleng makaapekto sa iyong trapiko at mga conversion ang ibang bid sa grupo ng produkto sa pamamagitan ng pagtatantya sa kung ano ang posibleng naging mga resulta ng iyong pag-advertise sa nakalipas na pitong araw kung nagtakda ka ng ibang bid.

Matuto pa tungkol sa paggamit ng bid simulator sa mga Shopping campaign.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10204296358221024724
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false