Mga opsyon sa pag-recover sa account

Paano i-enable ang iyong mga opsyon sa pag-recover sa account

Para sa lahat ng opsyon, kakailanganin mong gawin ang sumusunod:

  1. Mag-sign in sa Aking Account.

  2. Sa seksyong "Pag-sign in at Seguridad," piliin ang Pag-sign in sa Google.

  3. Sa ilalim ng “Mga opsyon sa pag-recover sa account,” maaari kang:

    1. Magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover: Piliin ang Numero ng telepono sa pag-recover.

    2. Magdagdag ng email sa pag-recover: Piliin ang Email sa pag-recover.

Paano gamitin ang iyong mga kasalukuyang opsyon sa pag-recover sa account kapag hindi ka makapag-log in sa iyong account

Para sa lahat ng opsyon, kakailanganin mong gawin ang sumusunod:

  1. Bisitahin ang aming pahina sa pagbawi ng password.
  2. Ilagay ang iyong username.
  3. I-click ang Isumite.
  4. Kung tinanggap ang iyong email address, may lalabas na CAPTCHA (mga titik sa magulong larawan), na kailangang i-type sa walang lamang kahon sa ibaba.
  5. I-click ang Isumite.

Upang makaugnayan sa pamamagitan ng:

Email:
  1. Piliin ang radio button na may nakalagay na "I-email sa *****@****.com".
  2. May isang email mula sa Google na awtomatikong ipapadala sa iyong email address sa pagbawi.
  3. Mag-log in sa account ng pangalawa mong email address at sundin ang mga tagubiling ibinigay sa mensahe.

TANDAAN: Kung may ipinadalang email sa pag-verify ngunit hindi mo ito natanggap, malamang na nahuli ang mensahe ng isang filter ng spam o bulk mail sa system ng iyong email sa pag-recover. Subukang tingnan kung may mensahe mula sa account-recovery-noreply@google.com sa iyong mga folder na Spam o Bulk Mail upang malaman kung naroon ang email.

Numero ng iyong mobile phone:
  1. Piliin ang radio button na may nakalagay na "Magpadala ng text message sa ********XX".
  2. Magpapadala ng text message sa iyong mobile phone na may code para sa pag-reset ng password.
  3. Ilagay ang code para sa pag-reset ng password sa sumusunod na page ng Pag-verify ng code sa text message.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?