Tungkol sa pagsusukat ng mga bayad at organic na resulta ng paghahanap

Alam mong puwede mong gamitin ang mga tool sa pag-uulat ng Google Ads para maunawaan kung gaano kadalas ipinapakita ang iyong mga ad sa mga potensyal na customer, at kung aling mga keyword ang nagti-trigger sa mga impression na iyon. Sa pamamagitan ng bayad at organic na ulat, na isang naka-predefine na ulat na puwede mong tingnan sa iyong Google Ads account, makikita mo rin kung gaano kadalas lumalabas ang mga page mula sa iyong website sa libreng mga organic na resulta ng paghahanap ng Google, at kung aling mga termino para sa paghahanap ang nag-trigger sa mga resultang iyon na lumabas sa page ng mga resulta ng paghahanap.

Nakakatulong sa iyo ang impormasyong ito na mas maunawaan kung paano nagtutulungan ang mga bayad na text ad at resulta ng organic na paghahanap para tulungan kang maabot ang mga taong naghahanap online, magamit ang mga organic na resulta para tumukoy ng mga bagong keyword na may potensyal na maging mahalaga, at magkaroon ng pangkalahatang ideya sa kabuuang performance ng iyong online presence pagdating sa paghimok ng mga pagtingin at pag-click.

Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin kung anong mga partikular na insight ang makukuha mo mula sa bayad at organic na ulat at kung bakit mahalaga ang mga insight na ito.

Mag-link sa Search Console para i-enable ang bayad at organic na ulat

Para magamit ang bayad at organic na ulat, kakailanganin mong magkaroon ng Search Console account para sa iyong website, at kakailanganin mong i-link ang Search Console account na iyon sa iyong Google Ads account. Ang Search Console ay isang libreng tool ng Google na nagbibigay sa iyo ng data at mga tip para tulungan kang maunawaan at mapahusay ang trapiko mo sa paghahanap. Matuto pa tungkol sa kung paano I-link ang Search Console at Google Ads.

Paano gamitin ang bayad at organic na ulat

Kapag na-link mo na ang iyong Google Ads account at Search Console account, makikita mo ang iyong mga organic na resulta ng paghahanap sa tabi ng mga istatistika ng performance para sa mga text ad sa mga Search campaign mo sa Google Ads. Tandaan na ang performance ng mga text ad lang ang binibilang ng bayad at organic na ulat. Hindi nito binibilang ang mga istatistika mula sa mga Shopping ad o click-to-download ad.

Narito ang 3 simple at mahusay na sitwasyon ng paggamit para sa ulat na ito.

Tumuklas ng mga karagdagang keyword

Gamitin ang ulat para tumuklas ng mga potensyal na keyword na idaragdag sa iyong mga Google Ads account sa pamamagitan ng paghahanap ng mga query kung saan lumalabas ka lang sa organic na paghahanap nang walang nauugnay na text ad.

  • Matutukoy mo ang mga query na may maliit na bilang ng mga bayad na impression sa pamamagitan ng pagdaragdag ng filter para sa "mga ad impression = 0" o "mga ad impression < X." Kung marami kang account, ii-import ang lahat ng data ng organic na paghahanap sa bawat account.

  • Ang pag-download ng isang bayad at organic na ulat sa isang manager account (para sa mga Google Ads account na may parehong wika at mga setting ng geo) ay magbibigay-daan sa iyong mahanap ang mga duplicate na organic na query at matukoy ang mga query na walang bayad na text ad impression sa anumang account.
  • Puwede ka ring maglagay ng karagdagang filter para matukoy ang mga query na naglalaman ng partikular na text, gaya ng pangalan ng iyong brand o ng pinakamahahalagang produkto at serbisyo mo.

I-optimize ang presensya sa mga query na may mataas na halaga

Gamitin ang ulat upang pahusayin ang iyong presensya sa mga bayad na resulta ng text ad at subaybayan ang mga query mong may mataas na halaga para sa mga organic na resulta.

  • Tukuyin ang mga query na nauugnay sa iyong negosyo na may kaunting organic na trapiko at i-target ang mga query na ito para pahusayin ang presensya mo sa bayad na paghahanap.
  • Pag-isipang magpakita ng mensaheng mas kapaki-pakinabang, kapansin-pansin, at naiiba sa iyong organic na listing sa pamamagitan ng pag-aangkop sa ad text mo at paggamit ng mga asset.

Sukatin ang mga pagbabago sa pangkalahatan

Habang sinusubukan mo ang mga pagpapahusay sa website o mga pagbabago sa mga bid, badyet, o keyword, mas madali mong maoobserbahan ang epekto sa mga text ad, mga organic na resulta, at pinagsamang trapiko. Matutukoy mo rin kung paano pinapataas o pinapababa ng pagbabago sa iyong mga bid sa keyword ang kabuuang pinagsama-samang pag-click para sa mga nauugnay na query, at kung paano ito nakakatulong na pataasin ang pangkalahatang trapiko mo para sa iyong pinakamahahalagang query nang hindi gumagastos nang malaki.

Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:

  • Ang pamumuhunan sa bayad na paghahanap ay walang epekto sa iyong ranggo sa organic na paghahanap. Mahigpit na inihiwalay ng Google ang aming negosyo sa paghahanap at ang aming negosyo sa pag-advertise.
  • Ang mga organic na resulta ay hindi nililimitahan ng mga setting ng pag-target ng ad ng iyong mga Google Ads campaign. Sa madaling salita, ang iyong mga ad ay nililimitahan ng mga wika at lokasyon na tina-target mo sa iyong Google Ads account, ngunit hindi nililimitahan ang iyong mga listahan sa organic na paghahanap. Ang ibig sabihin niyon, posibleng magkaroon ng mas maraming organic na impression kaysa sa mga bayad na impression, kahit na may 100% bahagi ng impression ang iyong mga campaign. Halimbawa, kung sa United States lang naka-target ang iyong campaign ng ad para sa isang partikular na keyword, lalabas pa rin sa bayad at organic na ulat mo para sa keyword na iyon ang isang organic na impression na nangyari sa Canada kahit na hindi ka nag-a-advertise doon.
  • Iniuulat lang ang iyong organic na data mula sa petsa kung kailan mo ito sinimulang i-import mula sa webmaster tools, kaya hindi mo makikita ang dating organic na data bago mo binuo ang link na iyon.
  • Ang organic na data na mayroon ka ay batay sa lahat ng domain na na-link mo sa iyong account. Tandaan na hindi mafi-filter ang organic na trapiko sa isang subset lang ng mga naka-link na domain.

Halimbawa

Nagpapatakbo si Karen ng website na nagbebenta ng mga travel guide para sa mga destinasyon sa buong mundo. Noong sinuri niya ang kanyang bayad at organic na ulat, napansin niya na lumalabas ang site niya paminsan-minsan sa mga organic na resulta ng paghahanap para sa query sa paghahanap na "mga bakasyon sa Boracay." Napansin din niyang medyo mataas ang rate ng organic na mga pag-click/query, ibig sabihin, marami sa mga taong naghahanap ng "mga bakasyon sa Boracay" na nakakakita sa mga listing ng site ni Karen ang talagang nagki-click para pumunta sa kanyang site. Para kay Karen, magandang pagkakataon ito para makahikayat ng mas maraming taong interesado sa kanyang negosyo na pumunta sa kanyang site, at nagpasya siyang magdagdag ng mga keyword gaya ng "mga bakasyon sa Boracay" sa kanyang mga nauugnay na Google Ads campaign.

Pag-unawa sa bayad at organic na ulat

Ang bayad at organic na ulat ay isang naka-predefine na ulat sa Google Ads. Para mag-navigate papunta sa ulat, i-click ang Mga Campaign sa kaliwang sidebar at buksan ang tab na “Mga insight at ulat.” I-click ang Editor ng ulat at buksan ang tab ng Campaign na “Basic.” Ina-update ang ulat isang beses bawat araw.

Narito ang mga column na makikita sa bayad at organic na ulat at ang mga kahulugan ng bawat sukatan:

Mga Ad  
Mga Pag-click sa Ad Ang bilang ng beses na nag-click ang isang tao sa iyong text ad noong lumabas ito para sa isang partikular na query.
Mga Ad Impression Gaano kadalas lumabas ang iyong text ad sa page ng resulta sa paghahanap.
CTR ng Ad Gaano kadalas nagki-click sa iyong text ad ang mga taong nakakakita rito. Maaaring gamitin ang CTR upang masukat kung gaano kahusay ang performance ng iyong mga keyword at ad.
Avg. na CPC ng Ad Ang average na halaga na babayaran mo sa tuwing may magki-click sa iyong text ad. Natutukoy ang average na CPC sa pamamagitan ng pagkuha sa kabuuan ng gastos sa lahat ng pag-click at paghahati nito sa bilang ng mga pag-click.
Organic  
Mga Organic na Pag-click Ang bilang ng mga pagkakataon na nag-click ang isang tao sa listahan ng iyong site sa walang bayad na mga resulta para sa isang partikular na query.
Mga Organic na Query Isang paghahanap sa web. Isinasaad ng column na ito ang kabuuang bilang ng mga paghahanap na nagbalik ng mga page mula sa iyong site sa loob ng partikular na panahong iyon.
Mga Organic na Pag-click/Query Ang bilang ng mga pag-click na iyong natanggap sa iyong mga listahan ng organic na paghahanap na hinati ayon sa kabuuang bilang ng mga paghahanap na nagbalik ng mga page mula sa iyong site.
Mga Organic na Listahan/Query Nagkakaroon ng paglilista kapag ibinalik ang isang page ng iyong site bilang isang resulta ng paghahanap. Isinasaad ng column na ito ang average na bilang ng mga pagkakataon na inilista ang isang page mula sa iyong site para sa bawat query.
Pinagsamang mga ad at organic  
Mga Ad at Organic na Pag-click Ipinapakita ng column na ito ang dami ng beses na nag-click ang isang tao sa:
  • isa sa iyong mga text ad
  • isa sa iyong mga listahan ng organic na paghahanap
Mga Ad at Organic na Query Ang query ay isang paghahanap sa web. Nagsasaad ang column na ito ng kabuuang bilang ng mga paghahanap na nagbalik ng mga page mula sa iyong site sa mga resulta ng organic na paghahanap o nag-trigger ng isa sa iyong mga text ad.
Mga Ad at Organic na Pag-click/Query Ang bilang ng mga pag-click na natanggap mo sa iyong mga text ad o organic na listing na hinati ayon sa kabuuang bilang ng mga query na:
  • nagbalik ng page mula sa iyong site
  • nag-trigger ng isa sa iyong mga text ad

Bagama't hindi ipinapakita ang mga ito bilang default, puwede kang magdagdag ng mga column na Keyword, Ad Group, o Campaign sa iyong ulat sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Column Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads > Baguhin ang mga column > Mga istatistika ng ad at pagpili sa uri ng column na gusto mong idagdag.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9300420300755091996
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false