Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:
- Bagong pag-uulat ng audience
Pinagsama-sama na ngayon sa iisang lugar ang detalyadong pag-uulat tungkol sa demograpiko ng audience, mga segment, at mga pagbubukod. I-click ang icon na Mga Campaignat buksan ang tab na “Mga audience, mga keyword at content” tab at i-click ang Mga Audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong Mga Audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
- Mga bagong termino
Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kabilang dito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience
Sa pamamagitan ng pag-target ayon sa demograpiko sa Google Ads, puwede mong abutin ang isang partikular na hanay ng mga potensyal na customer na malamang na nasa isang partikular na sakop na edad, kasarian, parental status, o kita ng sambahayan. Halimbawa, kung nagpapatakbo ka ng isang fitness studio na eksklusibo para sa mga babae, puwedeng makatulong sa iyo ang pag-target ayon sa demograpiko na iwasang ipakita sa mga lalaki ang mga ad mo.
Bago ka magsimula
Tandaan na ang pag-target ayon sa demograpiko ay isang opsyon para mapaliit ang iyong pag-target. Sa madaling salita, nakatutulong itong pigilan ang mga taong wala sa mga pinili mong demograpiko na makita ang iyong mga ad.
Mga opsyon sa pag-target ayon sa demograpiko
Pamahalaan ang iyong pag-target ayon sa demograpiko at mga ulat
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign
.
- I-click ang drop down na Mga audience, mga keyword, at content sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Audience.
- Sa module ng Demograpiko, piliin ang View ng Campaign, View ng Ad Group, o View ng Account para mag-filter para sa level ng pag-uulat na gusto mong makita.
- Pumili ng tab ng demograpiko: Edad, Kasarian, Kita ng Sambahayan, Parental Status, o Kumbinasyon.
- Puwede mong itakda ang iyong mga kagustuhan para sa mga kumbinasyong demograpiko sa pamamagitan ng pagpili ng mga partikular na demograpiko sa drop-down na menu na “Kumbinasyon.”
- I-click ang Ipakita ang talahanayan para makita ang “Na-lift na user,” “Gastos sa bawat na-lift na user,” “Absolute na Brand Lift,” “Mga Interaction,” “Rate ng interaction,” “Mga Conversion,” “Gastusin,” mga impression, at iba pang sukatan.
- Para magsama ng mga karagdagang sukatan sa iyong pag-uulat, mag-click sa Mga Column.
- Para gumawa ng mga pagbabago sa iyong pag-target, sa module na Demograpiko, piliin ang tab para sa demograpikong gusto mong i-edit. I-click ang I-edit ang Demograpiko.
- I-click ang Pumili ng ad group.
- Sa drop-down, piliin ang campaign o ad group na gusto mong i-update.
- Makikita mo ang kumpletong segment ng mga grupo ng demograpiko. Lagyan ng check ang mga gusto mong isama.
- I-click ang I-save ang Demograpiko.
Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
Mga Demand Gen campaign
- Edad: "18-24," "25-34," "35-44," "45-54," "55-64," "65+," at "Hindi alam"
- Kasarian: "Babae," "Lalaki," at "Hindi alam"
- Kita ng sambahayan (available sa Australia, Brazil, Canada, Colombia, Hong Kong, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Pilipinas, Russia, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, United Arab Emirates, United States, at Vietnam): “Nangungunang 10%,” “11-20%,” “21-30%,” “31-40%,” “41-50%,” “Ibabang 50%,” at “Hindi alam”
- Parental status: "Magulang," "Hindi magulang," at "Hindi alam"
Mga display campaign
- Edad: "18-24," "25-34," "35-44," "45-54," "55-64," "65+," at "Hindi alam"
- Kasarian: "Babae," "Lalaki," at "Hindi alam"
- Kita ng sambahayan (available sa Australia, Brazil, Canada, Colombia, Hong Kong, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Pilipinas, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, United Arab Emirates, United States, at Vietnam): “Nangungunang 10%,” “11-20%,” “21-30%,” “31-40%,” “41-50%,” “Ibabang 50%,” at “Hindi alam”
- Parental status: "Magulang," "Hindi magulang," at "Hindi alam"
Mga Search campaign
- Edad: "18-24," "25-34," "35-44," "45-54," "55-64," "65+," at "Hindi alam"
- Kasarian: "Babae," "Lalaki," at "Hindi alam"
- Kita ng sambahayan (available sa Australia, Brazil, Canada, Colombia, Hong Kong, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Pilipinas, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, United Arab Emirates, United States, at Vietnam): “Nangungunang 10%,” “11-20%,” “21-30%,” “31-40%,” “41-50%,” “Ibabang 50%,” at “Hindi alam”
Mga video campaign
- Edad: "18-24," "25-34," "35-44," "45-54," "55-64," "65+," at "Hindi alam"
- Kasarian: "Babae," "Lalaki," at "Hindi alam"
- Kita ng sambahayan (available sa Australia, Brazil, Canada, Colombia, Hong Kong, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Pilipinas, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, United Arab Emirates, United States, at Vietnam): “Nangungunang 10%,” “11-20%,” “21-30%,” “31-40%,” “41-50%,” “Ibabang 50%,” at “Hindi alam”
- Parental status: "Magulang," "Hindi magulang," at "Hindi alam"
Puwedeng gumawa ang mga magulang ng Google Account para sa kanilang mga anak na wala pang 13 taong gulang gamit ang Family Link app. Posibleng magpakita ng mga ad sa mga user na ito. Hindi magagawa ng mga advertiser na mag-target ng mga ad na ipapakita lang sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Alamin kung paano gumagana ang mga ad para sa Mga Google Account na ito at kung paano ibubukod ang iyong mga ad para hindi maipakita ang mga ito sa mga user na ito. Higit pa rito, hindi puwedeng mag-target ang Mga Advertiser ng mga ad para ipakita lang sa mga teenager na wala pang 18 taong gulang. Alamin kung paano gumagana ang mga ad para sa Mga Google Account na ito.
Kategoryang "Hindi alam"
Hindi puwedeng malaman o makuha ng Google Ads ang mga demograpiko ng lahat ng tao. Tinutukoy ng “Hindi alam” ang mga taong hindi namin natukoy ang edad, kasarian, parental status, o kita ng sambahayan.
Bilang karagdagan, nag-o-opt out sa pag-target ayon sa demograpiko ang ilang website sa Display Network, kaya kung gusto mong ipakita ang iyong mga ad sa mga site na iyon, hayaang nakapili ang kategoryang "Hindi alam." Kung nagta-target ka ayon sa isang uri ng demograpiko, pinili bilang default ang kategorya ng demograpiko na "Hindi alam" dahil puwede mong maabot ang isang mas malawak na audience.
Mahalaga
Ibukod ang "Hindi alam" na kategorya ng demograpiko maliban lang kung sigurado ka na gusto mong paghigpitan ang iyong campaign sa isang maliit na audience. Kung ibubukod ang "Hindi alam," marami-raming tao ang puwedeng hindi makakita sa iyong mga ad, at puwedeng kasama rito ang ilan sa mga gusto mong abutin.
Paano tinutukoy ng Google ang demograpikong impormasyon
Kapag naka-sign in ang mga tao mula sa kanilang Google Account, puwede kaming gumamit ng mga demograpikong kinuha sa kanilang mga kagustuhan o setting, depende sa status ng kanilang account. Puwedeng i-edit ng mga consumer ang kanilang demograpikong impormasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa Ang Aking Ads Center. Bukod pa rito, puwede kaming bigyan ng ilang site ng demograpikong impormasyon na ibinabahagi ng mga tao sa ilang partikular na website, gaya ng mga social networking site.
Kung minsan ay tinatantya rin namin ang demograpikong impormasyon ng mga tao batay sa kanilang aktibidad mula sa Mga pag-aari ng Google o sa Display Network. Halimbawa, kapag nag-browse ang mga tao sa YouTube o sa mga site sa Display Network, puwedeng mag-store ang Google ng pagkakakilanlan sa web browser nito, gamit ang isang “cookie.” Ang pagkakakilanlang iyon ay posibleng nauugnay sa ilang partikular na demograpikong kategorya, batay sa mga nabisitang site.
Para sa mga campaign na ipinapakita sa isang site o app ng Google, ang tinantyang demograpikong impormasyon para sa mga tao ay pangunahing nakabatay sa kanilang aktibidad mula sa mga pag-aari ng Google. Para sa mga campaign na ipinapakita sa isang site o app na hindi Google, ang tinantyang demograpikong impormasyon para sa mga tao ay pangunahing nakabatay sa kanilang aktibidad sa mga website at app ng third party.
Tandaan na para sa mga user na hindi nagbigay ng pahintulot sa ATT ng iOS sa mga iOS app ng Google, ang tinantyang demograpikong impormasyon na ginagamit sa mga app na ito ay hindi umaasa sa mga aktibidad ng mga user sa mga website at app ng third party; hindi rin gagamitin ang mga aktibidad ng mga user na ito sa mga nasabing iOS app ng Google para tantyahin ang demograpikong impormasyon kapag naghahatid ng mga campaign ng ad sa mga user na ito sa mga website at app ng third party.
Halimbawa
Paghahalaman ang paboritong libangan ni Sarah. Babae ang karamihan sa mga mambabasa ng maraming site at blog sa paghahalaman sa mga property ng third-party sa Display Network na kanyang binibisita. Batay dito, puwedeng idagdag ang browser ni Sarah (kapag hindi siya naka-sign in sa kanyang Google account) sa kategorya ng demograpiko na "babae." Bilang resulta, kapag nasa mga property ng third-party sa Display Network si Sarah, puwedeng magpakita ang Google ng mga ad kay Sarah mula sa mga advertiser na piniling ipakita ang kanilang mga ad sa mga babae.
Kapag nag-sign in si Sarah sa kanyang Google account, puwedeng magpakita sa kanya ang Google ng mga ad batay sa mga pinili niya sa kanyang Mga Setting ng Mga Ad, kabilang ang kanyang demograpikong impormasyon.
Mga demograpiko sa mobile app: Gumagamit ang feature na ito sa pag-target ng isang pagkakakilanlan sa pag-advertise na naka-link sa mobile device ng isang customer para maalala kung aling mga app ang nagamit niya. Puwede naming iugnay ang pagkakakilanlan sa isang demograpikong kategorya batay sa pag-browse sa web at mga aktibidad sa app sa isang mobile device.
Tandaan na hindi kami makakalap o makakapagtantya ng demograpikong impormasyon mula sa lahat ng gumagamit ng web o mga mobile app, kaya kung lilimitahan mo ang iyong pag-target sa maraming partikular na demograpikong pangkat, puwedeng mas limitadong audience ang maabot ng mga ad mo.
Pinuhin ang iyong diskarte
- Pag-target. Puwedeng isama ang pag-target ayon sa demograpiko sa iba pang diskarte sa pag-target.
- Mga Pagbubukod. Puwede ka ring magbukod ng mga demograpikong kategorya para hindi mo maipakita ang iyong mga ad sa ilang partikular na demograpiko.
- I-customize ang iyong mga bid. Bagama't ipinapakita mo pa rin ang iyong mga ad sa lahat, puwede kang maglagay ng mas matataas (o mas mabababang) bid para sa isang partikular na demograpikong pangkat.
Mga halimbawa ng epektibong pag-target ayon sa demograpiko
Edad. Nag-advertise si Marc para sa isang pampinansyal na institusyon, at gusto niyang mag-market ng iba't ibang produkto sa matatanda gayundin sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Gumagamit siya ng mga demograpiko para magpakita ng iba't ibang ad sa bawat pangkat ng mga customer at isinasaayos niya ang kanyang mga bid para sa mga demograpikong pangkat na puwedeng mas malamang na gumastos nang malaki. Nalaman ni Marc na karaniwang may pinakamalalaking paunang deposito ang mga middle-aged na customer, at tinaasan niya ang kanyang bid para sa mga taong may edad 35 hanggang 54.
Kita ng sambahayan. Sa isang video campaign, puwedeng magpakita ng mga ad si Marc sa isang partikular na hanay ng kita ng sambahayan. Itinakda ni Marc ang kanyang pag-target para maabot ang mga tao sa nangungunang 30% ng mga kita ng sambahayan sa U.S., sa pamamagitan ng pagpili sa opsyong “Nangungunang 10%,” “11-20%,” at “21-30%" para sa kita ng sambahayan.
Edad at kasarian. Nagpapatakbo si Alberta ng website na ang audience ay mga nanay na may trabaho. Sa Search Network, ang kanyang pag-target ayon sa demograpiko ay ang sakop na edad na “25–54” at kasariang “Babae.” Sa kanyang mga Display campaign, tinukoy niya ang parental status na “Magulang” bilang pamantayan sa pag-target. Bilang praktikal na advertiser, nagdagdag din si Alberta ng paraan ng pag-target na “in-market audience” para sa mga produkto para sa mga sanggol at bata.