Nagsisimula ang Google Ads sa isang layunin at sa isang campaign. Pipili ka ng uri ng campaign batay sa iyong mga layunin sa marketing, diskarte ng brand, at kung gaano karaming oras ang mailalaan mo. Tutulong sa iyo ang artikulong ito na piliin ang tamang uri ng campaign para sa mga pangangailangan mo sa pag-advertise. |
Ang video na ito ay isinumite ng isang third party na Contributor ng Video ng Google Ads. Hindi nag-eendorso ang Google ng anumang produkto o serbisyo na posibleng ipino-promote sa video na ito. Mag-click dito para matuto pa tungkol sa program!
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Mga Performance Max campaign: I-access ang lahat ng channel mula sa isang campaign na may pag-optimize ng AI ng Google.
Ang Performance Max ay isang uri ng campaign na batay sa layunin na nagbibigay-daan sa mga performance advertiser na i-access ang kanilang buong imbentaryo sa Google Ads mula sa iisang campaign. Nakakatulong sa iyo ang Performance Max na mapataas ang performance batay sa mga tinukoy mong layunin sa conversion, na naghahatid ng higit pang conversion at halaga sa pamamagitan ng pag-optimize sa performance nang real-time at sa lahat ng channel gamit ang Smart Bidding.
Bakit dapat piliin ang mga Performance Max campaign
- Simpleng i-set up, na may pag-optimize ng AI: Idinisenyo ang mga Performance Max campaign para maging madaling ilunsad, at kapag live na ang iyong campaign, io-optimize ito ng Google AI para maihatid ang pinakamagandang performance na posible. Puwede mong gabayan ang iyong mga resulta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga asset na creative na may mataas na kalidad at pagbabahagi ng iyong kadalubhasaan tungkol sa kung aling mga audience ang pinakamalamang na mag-convert.
- Mapaparami ang conversion at mapapataas ang halaga: Ino-optimize ng AI ng Google ang iyong badyet at mga bid sa iba't ibang channel para tulungan kang makakuha ng mga bagong pagkakataon sa conversion nang real time.
- Maghanap ng mga bagong customer: Mag-unlock ng mga bagong segment ng audience sa pamamagitan ng paggamit ng real-time na pag-unawa sa layunin, gawi, at konteksto ng user para magpakita sa mga tamang sandali sa pamamagitan ng mga mas may kaugnayang ad.
- Makakuha ng mas mahuhusay na insight: Ang mga Performance Max campaign ay bahagi na ngayon ng page na “Mga Insight” para tulungan kang maunawaan kung paano kasalukuyang gumagana ang AI at kung paano mo mapapahusay ang iyong campaign. Gamit ang ulat na “Mga Kumbinasyon,” puwede mong malaman kung paano ginagamit ang iyong mga asset na may pinakamahusay na performance sa mga kumbinasyon para gumawa ng mga creative.
GUMAWA NG PERFORMANCE MAX CAMPAIGN
Mga Search campaign: Mga text ad sa mga resulta ng paghahanap
Ang mga Search campaign ay mga text ad sa mga resulta ng paghahanap na nagbibigay-daan sa iyong abutin ang mga tao habang hinahanap nila sa Google ang mga iniaalok mong produkto at serbisyo.
Napakahusay nito para sa pagdadala ng benta, lead, o trapiko sa iyong website, dahil maipapakita mo ang iyong mga ad sa mga taong aktibong naghahanap sa mga produkto at serbisyo mo.
Bakit dapat piliin ang mga Search campaign
Mga benta at lead:
- Paramihin ang iyong mga online na benta at pag-sign up.
- Pag-isipang gumamit ng mga lead kung mas mahaba ang cycle ng bentahan mo.
Madaling pag-set up:
- Magsulat ng mga text ad at pumili ng mga keyword.
- Laktawan ang mga espesyal na file o asset.
- Subukan ang mga Smart campaign para sa mas madali pang pag-set up.
- Napakapartikular na pag-target: Abutin ang mga taong aktibong naghahanap sa iniaalok mo.
Mga Display campaign: Mga image ad sa mga website
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Display campaign na maabot ang isang nauugnay na audience gamit ang mga makatawag-pansing ad habang nagba-browse sila sa milyon-milyong website, app, at property na pagmamay-ari ng Google, tulad ng YouTube, para maabot ang mga layunin mo sa marketing. Magandang paraan ang mga Display campaign para mapalawak ang iyong abot at manatili kang unang naiisip ng isang audience nang hindi lang sa Google Search.
Puwede ka ring gumawa ng isang Display campaign na gumagamit sa iyong mga segment ng data para ipakita ang mga ad sa mga taong bumisita sa website mo o gumamit ng iyong app.
Bakit dapat piliin ang mga Display campaign
- Mga benta at lead: Gumamit ng mga makatawag-pansing call-to-action para maparami ang mga benta at pag-sign up.
- Kaalaman at pagsasaalang-alang: Gumawa ng mga ad na madaling tandaan para ipaalam sa mga tao ang iyong brand o para isaalang-alang nila ang produkto mo.
- Abot: Mag-target ng mga tao nang hindi lang sa mga resulta ng paghahanap, habang nagba-browse sila ng mga website at app.
- Iyong mga segment ng data: Mag-follow up sa mga taong tumingin na sa iyong mga ad o bumisita sa site mo.
Uri ng mga Display campaign
- Display: Piliin ang iyong mga setting ng campaign at pag-target, at i-automate ang ilang aspeto ng Display campaign mo.
Tip: Kapaki-pakinabang ang paggamit ng tool sa pag-edit ng larawan para gumawa ng mga parisukat at landscape na bersyon ng iyong display ad na nasa mga tamang dimensyon at laki ng file.
Mga Video campaign: Mga video ad sa YouTube
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Video campaign na magpakita ng mga video ad sa YouTube at sa iba pang website.
Makakatulong sa iyo ang ilang uri ng Video campaign na i-boost ang pangkalahatang kaalaman sa brand mo. Idinisenyo ang iba para humimok ng mga conversion o para hikayatin ang mga tao na mamili sa iyong website.
Bakit dapat piliin ang mga Video campaign
- Kaalaman at pagsasaalang-alang: Gumamit ng mga video ad para ipaalam sa mga tao ang tungkol sa iyong brand o hikayatin silang pag-isipang bilhin ang produkto mo.
- Mga benta at lead: Gamitin ang subtype ng campaign na “Pag-drive ng mga conversion” para mag-set up ng mga video ad na nakatuon sa pagkilos.
- Palawakin ang iyong abot: Mag-target ng mga tao hindi lang sa mga resulta ng paghahanap habang nasa YouTube sila.
- Iyong segment ng data: Mag-follow up sa mga taong tumingin na sa iyong mga ad o bumisita sa site mo.
Mga uri ng mga Video campaign
Pumili sa 6 na uri ng mga Video campaign:
- Mag-drive ng mga conversion: Mag-drive ng mga benta at lead gamit ang mga ad at pag-target na nakatuon sa pagkilos (kilala rin bilang mga Video action campaign).
- Mga Video reach campaign: Makuha ang pinakamaraming abot para sa iyong badyet, sa pamamagitan ng pag-abot ng mas maraming natatanging user (sa pamamagitan ng paggamit ng mga bumper ad, nalalaktawang in-stream ad, o opsyonal na kumbinasyon ng 2 format) o sa pamamagitan ng pag-abot sa mga user gamit ang buong mensahe mo (sa pamamagitan ng paggamit ng mga hindi nalalaktawang in-stream ad).
- Outstream: Ipakita ang mga mobile-only na video ad sa mga website at app sa labas ng YouTube, nang nagpe-play sa content ng page o sa isang app.
- Kumuha ng mga view: Hikayatin ang mga tao na isaalang-alang ang iyon produkto gamit ang mga nalalakatawang in-stream o in-feed video ad.
- Sequence ng ad: Magkuwento gamit ang isang serye ng mga video ad na nasa sequence.
Tip: Kakailanganin mo munang gumawa ng iyong video ad at i-upload ito sa YouTube.
Mga App campaign: I-promote ang iyong app sa maraming channel
Makakatulong sa iyo ang mga App campaign na maghanap ng mga bagong user ng app at paramihin ang benta sa app mo.
Ang ganitong uri ng campaign ay gumagamit ng impormasyon mula sa iyong app para awtomatikong mag-optimize ng mga ad sa Search, Play, YouTube, Discover, at sa mahigit 3 milyong site at app.
Bakit dapat piliin ang mga App campaign
- Promosyon ng app: Humimok ng mga pag-install, engagement, at pag-sign up para sa iyong app sa mga mobile device.
- Marketing sa maraming channel: Ipakita ang iyong app sa Search, Display, Play, at YouTube sa iisang campaign.
- Madaling pag-set up at pamamahala: Gumagamit ang mga app campaign ng Google AI-powered na pag-target, pag-bid, at paggawa ng ad para sa mahusay na performance.
Mga uri ng mga App campaign
Kung kwalipikado ang iyong account, puwede kang makapansin ng 3 subtype ng App campaign:
- Mga pag-install ng app: Ituon ang iyong mga ad sa paghikayat sa mga tao na i-download ang app mo.
- Engagement sa app: Hikayatin ang mga kasalukuyang user na gumawa ng mga pagkilos sa iyong app.
- Pre-registration ng app: Mag-promote ng pre-registration para sa mga app bago i-release ang mga ito sa Google Play.
Mga Smart campaign: Mag-set up at mag-automate ng mga campaign gamit ang AI ng Google
Ang mga Smart campaign ay ang pinakamadaling paraan para mapagana ang iyong mga campaign at ad.
Ilagay ang impormasyon ng iyong negosyo at gumawa ng ilang ad, at hahanapin ng Google AI ang pinakamahusay na pag-target para matulungan kang sulitin ang iyong oras at pera.
Bakit dapat piliin ang mga Smart campaign
- Mga benta at lead: Paramihin ang mga benta at pag-sign up para sa iyong mga produkto at serbisyo.
- Madaling pag-set up: Ilagay ang impormasyon ng iyong negosyo, gumawa ng ilang ad, at hayaan ang Google AI na i-set up ang campaign mo.
- Advanced na pag-optimize: Io-optimize ng Google ang mga ad at pag-target mo para sa iyo.
Tip: Kung kakagawa mo lang ng bagong Google Ads account, malamang na ang bersyong Smart Mode ng Google Ads ang gagamitin mo at magiging mga Smart campaign ang lahat ng iyong campaign.
Mga Shopping campaign o Performance Max na may feed ng Merchant Center: Mga listing ng produkto sa Google
Ang mga Shopping campaign ay mga listing ng produkto na mainam kung isa kang retailer na gustong ibenta ang iyong imbentaryo ng produkto. Lumalabas ang mga Shopping ad sa mga resulta ng paghahanap at sa tab na Shopping ng Google.
Puwede ring gumamit ng mga ad ng lokal na imbentaryo ang mga may-ari ng tindahan para i-promote ang mga produktong available sa mga aktwal na lokasyon nila.
Bakit dapat piliin ang mga Shopping campaign
- Retail marketing: Gumamit ng mga makatawag-pansing listing ng produkto para i-promote ang iyong mga retail na produkto.
- Mga sale at benta: Hikayatin ang mga tao na bumili sa iyong online na tindahan o mag-sign up para sa higit pa.
- Mag-boost ng storefront sa malapit: Ibenta ang imbentaryo ng iyong lokal na tindahan sa mga tao sa malapit.
Tip: Para makagawa ng Shopping campaign, kakailanganin mo munang magkaroon ng Merchant Center account kung saan mo puwedeng i-upload ang iyong imbentaryo ng produkto.