Pumili ng mga keyword para sa mga Display Network campaign

Alerto: Simula sa Abril 2019, awtomatikong ililipat ang lahat ng ad group na nagta-target ng mga keyword ng audience sa mga segment ng custom na intent audience. Matuto pa tungkol sa paglilipat dito.

Nakakatulong sa iyo ang mga keyword sa Display Network na maikonekta ang mga campaign mo sa mga potensyal na mamimili.

Halimbawa, kung nagha-hike ang iyong mga pinakamalamang na maging customer, puwede kang magdagdag ng mga keyword tungkol sa hiking o mga pang-outdoor na paksa. Hahanap ang Google Ads ng mga may kaugnayang website na naglalaman ng iyong mga keyword, pati na rin mga may kaugnayang audience na interesado sa mga keyword na iyon. Subukang pumili ng mga keyword na may kaugnayan sa kabuuan ng mga ad group, at hindi lang sa iisang ad.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumamit ng mga keyword sa Display Network.

Paano ito gumagana

Ang mga keyword ang isa sa mga opsyon sa pag-target sa Display Network. Kung minsan, puwedeng lumabas ang iyong mga ad sa mga placement na mukhang walang kaugnayan sa mga keyword mo. Depende sa iyong setting ng keyword, puwedeng ipakita ang mga ad mo sa mga audience batay sa kamakailan nilang history ng pag-browse o iba pang salik, sa halip na sa content ng page na kasalukuyan nilang tinitingnan. Matuto pa sa Tungkol sa pag-target ayon sa konteksto.

Kapag pumipili ng mga keyword para sa iyong mga Display Network campaign:

  • Gumawa ng mga ad group para sa iyong mga produkto o serbisyo para makapagpakita kami ng mga ad na nauugnay sa mga ito.
  • Pumili ng mga keyword na sa tingin mo ay puwedeng lumabas sa mga website na maaaring i-browse ng iyong mga customer.
  • Kumuha ng mga karagdagang ideya sa ad group at keyword.

Gumawa ng mga ad group

Bago ka pumili ng mga keyword para sa iyong mga Display Network campaign, tiyaking nakaayos ang mga ad group para sa bawat isa sa mga campaign mo ayon sa mga produkto o serbisyong iyong iniaalok. Kapag mayroon ka nang mga keyword na naglalarawan sa mga produkto o serbisyong ina-advertise mo, puwede ka nang gumawa ng mga ad na nauugnay sa mga keyword na iyon.

Halimbawa

Sabihin nating bumubuo ka ng campaign para sa iyong panaderya. Kapag na-set up mo ang iyong campaign, dapat mong paghiwa-hiwalayin ang iyong mga ad group sa iba't ibang uri ng produktong ibinebenta mo. Narito ang mga halimbawa ng mga ad group na hindi mahusay na naisaayos at mahusay na naisaayos para magkaroon ka ng mas magandang ideya kung paano isaayos ang iyong mga ad group para sa campaign mo:

Ad group na hindi mahusay na naisaayos

Ad group: Panaderya

Mga keyword: mga chocolate chip cookie, mga oatmeal cookie, mga snickerdoodle, mga chewy brownie, mga brownie na may mani, mga dark chocolate brownie, mga red velvet cupcake, mga vanilla cupcake, mga chocolate cupcake

Ad group na mahusay na naisaayos

Ad group: Mga Cookie

Mga keyword: mga chocolate chip cookie, mga oatmeal cookie, mga snickerdoodle

Ad group: Mga Brownie

Mga keyword: mga chewy brownie, mga brownie na may mani, mga dark chocolate brownie

Ad group: Mga Cupcake
Mga keyword: mga red velvet cupcake, mga vanilla cupcake, mga chocolate cupcake

Pumili ng mga keyword

Nakakatulong ang listahan ng keyword ng iyong ad group na maipakita ng Google Ads ang iyong mga ad sa mga may kaugnayang website o sa mga may kaugnayang audience. Sundin ang mga alituntuning ito para makagawa ng listahan ng keyword na may mataas na kalidad:

  • Pumili ng mga keyword na nauugnay sa iyong produkto o serbisyo.
  • Gumawa ng hanay ng 5 hanggang 20 keyword na nauugnay sa mga ad sa ad group na iyon. Kadalasang gumagana nang mahusay ang mga pariralang may dalawa hanggang tatlong salita.
  • Pumili ng mga keyword na nauugnay sa isa't isa. Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga bulaklak, maaaring gusto mong idagdag ang "mga rosas" at "mga pag-aayos ng bulaklak" sa iyong listahan ng keyword. Sa ganoong paraan, maaaring makapagpakita ang iyong mga keyword ng mga ad sa mga customer na interesadong bumili ng mga rosas o nakaayos na bulaklak.
  • Pumili ng mga keyword na nauugnay sa mga website na nakikita ng iyong mga customer.
  • Kung mayroon kang matatag at kilalang brand, magsama ng mga may brand na keyword.

Halimbawa

Ad group: Mga Brownie

Mga Keyword: mga chocolate brownie, mga dark chocolate brownie, mga chewy na brownie, mga panghimagas na recipe, mga recipe ng brownie

Kumuha ng mga ideya sa keyword

Puwede kang kumuha ng mga bagong ideya sa keyword na baka hindi mo maisip habang ginagawa mo ang iyong mga campaign.

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga audience, keyword, at content sa manu ng seksyon, i-click ang Content at pagkatapos ay i-click ang tab na Mga keyword sa display/video sa itaas ng page o i-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon at i-click ang Mga ad group.
  3. I-click ang plus button para magdagdag ng bagong keyword o ad group.
  4. Sa ilalim ng “Kumuha ng mga ideya sa keyword,” punan ang field na “Maglagay ng nauugnay na website” o “Ilagay ang iyong produkto o serbisyo.”
  5. I-click ang plus button sa tabi ng bawat keyword para idagdag ito sa iyong listahan ng mga keyword.
  6. I-click ang I-save.

Subaybayan at pahusayin ang performance ng iyong keyword

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Para makita ang mga resulta para sa iyong mga keyword sa Display Network:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang Pangkalahatang-ideya.
  3. Mula sa bar ng Mga View sa itaas, i-click ang drop down na menu na Mga View at piliin ang Mga Display campaign.
    Tandaan: Kung mas gusto mong gamitin ang panel ng navigation sa kaliwa, i-click ang Baguhin ang view sa kaliwang bahagi sa itaas ng iyong Google Ads account.
  4. I-click ang drop-down na Mga audience, keyword, at content sa menu ng seksyon, i-click ang Content.
  5. I-click ang tab na Mga keyword sa display/video sa itaas ng page.

Makakakita ka ng talahanayang naglalaman ng mga impression, pag-click, at iba pang resultang ipinapakita kung gaano kahusay na natutugunan ng iyong mga keyword ang mga layunin mo sa pag-advertise. Batay sa mga resultang ito, makakapagdesisyon ka tungkol sa pagbabago sa iyong listahan ng keyword.

Puwedeng gumamit ang Google Ads ng data mula sa iyong mga source ng Audience para pahusayin ang pag-bid at pag-target ng mga campaign na nakabatay sa audience mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17127507503706936221
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false