Tungkol sa mga negatibong keyword

Para tulungan kang maabot ang mas maraming potensyal na customer, lalabas na ngayon ang mga ad mo sa content na tumutugma sa alinman sa mga paksa, placement, o keyword sa Display/Video/Search na tina-target mo Halimbawa, kung na-target mo ang “mga bisikleta” bilang paksa at “cycling” bilang keyword sa Display/Video/Search, ipapakita ang iyong mga ad sa content na tumutugma sa alinman sa mga ito.

Mapapansin mo ring mas pinasimple ang pag-target ayon sa konteksto sa iisang page sa Google Ads, kaya puwede mong pamahalaan ang lahat ng uri ng pag-target ng content (Mga Paksa, Placement, keyword sa Display/Video, at Pagbubukod) sa iisang view. Makikita ang bagong page sa seksyong “Content” sa ilalim ng Mga Campaign Campaigns Icon sa menu ng navigation sa kaliwa.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga negatibong keyword na magbukod ng mga termino para sa paghahanap mula sa mga campaign mo at tinutulungan ka nitong tumuon lang sa mga keyword na mahalaga sa iyong mga customer. Sa pamamagitan ng mas mahusay na pag-target, maipapakita mo ang iyong ad sa mga interesadong user at mapapalaki mo ang iyong return on investment (ROI).

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang mga negatibong keyword at kung kailan puwedeng maging kapaki-pakinabang ang mga ito. Alamin kung paano magdagdag ng mga negatibong keyword sa mga campaign.

Paano gumagana ang mga ito

Para magkaroon ng isang campaign na madalas na tina-target, piliin kung ano ang hindi dapat i-target.

Kapag pumipili ng mga negatibong keyword para sa mga Search campaign, maghanap ng mga termino para sa paghahanap na katulad ng iyong mga keyword, pero puwedeng magamit ng mga customer na naghahanap ng ibang produkto. Halimbawa, kung isa kang optometrist na nagbebenta ng mga eyeglass, puwede kang magdagdag ng mga negatibong keyword para sa mga termino para sa paghahanap tulad ng “mga wine glass” at "mga drinking glass."

Hindi tutugma ang mga negatibong keyword sa mga halos parehong variant o iba pang pagpapalawak. Halimbawa, kung ibubukod mo ang negatibong malawak na tugmang keyword na "mga bulaklak," hindi magiging kwalipikadong lumabas ang mga ad kapag naghanap ang isang user ng "mga bulaklak na pula," pero puwedeng ihatid ang mga ito kapag naghanap ang isang user ng "pulang bulaklak."

Kung gumagamit ka ng mga Display o Video campaign, makakatulong sa iyo ang mga negatibong keyword na iwasan ang pag-target sa mga hindi nauugnay na site o video, pero tandaan na iba ang paggana ng mga negatibong keyword para sa mga Display at Video campaign kumpara sa paggana ng mga ito para sa search. Depende sa iba pang keyword sa iyong ad group, paminsan-minsan, puwedeng maglaman ng mga ibinukod na termino ang ilang lugar kung saan lumalabas ang iyong ad. Para sa mga Display at Video ad, maximum na 1,000 negatibong keyword ang isinasaalang-alang sa level ng account.

Mga negatibong keyword sa level ng account


Kapag ginawa mo ang iyong listahan ng mga negatibong keyword sa level ng account, awtomatiko itong ilalapat sa lahat ng kwalipikadong imbentaryo ng search at shopping sa mga nauugnay na uri ng campaign. Magbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng isang pangkalahatang listahan sa level ng account na naglalapat ng mga negatibong keyword sa lahat ng imbentaryo ng search at shopping sa account mo. Matuto pa tungkol sa mga negatibong keyword sa level ng account

Mga uri ng mga negatibong keyword

Para sa mga Search campaign, puwede kang gumamit ng mga malawak na tugma, katugmang parirala, o eksaktong tugmang negatibong keyword. Gayunpaman, iba ang paggana ng mga negatibong uri ng pagtutugmang ito sa mga katumbas nitong positibong uri ng pagtutugma. Ang pangunahing pagkakaiba ay kakailanganin mong magdagdag ng mga kasingkahulugan, pang-isahan o pangmaramihang bersyon, maling spelling, at iba pang malapit na variation kung gusto mong ibukod ang mga iyon.

Para sa mga Display campaign, ibubukod ang isang hanay ng mga negatibong keyword bilang eksaktong paksa. Hindi lalabas ang mga ad sa isang page kahit na hindi malinaw na nasa page ang mga eksaktong keyword o parirala, pero malaki ang kaugnayan ng paksa ng content sa ibinukod na hanay ng mga negatibong keyword.

Halimbawa, iba-block ng hanay ng mga negatibong keyword gaya ng "pambabaeng pantalon" ang pag-bid sa page na may content tungkol sa pambabaeng maong, kahit na hindi lumabas sa page ang eksaktong pariralang "pambabaeng pantalon." Gayunpaman, hindi namin ilalampas ang konsepto ng pambabaeng pantalon sa ibang uri ng mga pang-ibaba ng babae (halimbawa, mga palda) o panlalaking pantalon. Naiiba ito sa kung paano namin ituturing ang isang positibong keyword, tulad ng sapatos, na tutugma rin sa mas malawak na kategorya tulad ng kasuotan sa paa.

Negatibong malawak na tugma

Ang uring ito ang default para sa iyong mga negatibong keyword. Para sa mga negatibong malawak na tugmang keyword, hindi lalabas ang iyong ad kung nasa paghahanap ang lahat ng termino ng negatibo mong keyword, kahit na iba ang pagkakaayos ng mga termino. Puwede pa ring lumabas ang iyong ad kung ilan lang sa mga termino ng keyword mo ang nasa paghahanap.

Halimbawa

Negatibong malawak na tugmang keyword: mga sapatos na pantakbo

Paghahanap May lalabas bang ad?
asul na pang-tennis na mga sapatos Yes
sapatos na pantakbo Yes
asul na mga sapatos na pantakbo No
mga pantakbo na sapatos No
mga sapatos na pantakbo No

Negatibong katugmang parirala

Para sa mga negatibong keyword na katugma ng parirala, hindi lalabas ang iyong ad kung nilalaman ng paghahanap ang eksaktong mga termino ng keyword sa parehong pagkakasunud-sunod. Puwedeng may mga karagdagang salita ang paghahanap, pero hindi lalabas ang ad hangga't kasama sa paghahanap ang lahat ng termino ng keyword sa parehong pagkakasunud-sunod. Puwede ring may mga karagdagang character sa isang salita ang paghahanap, at puwedeng lumabas ang ad kahit na ang lahat ng iba pang termino ng keyword ay kasama sa paghahanap sa parehong pagkakasunud-sunod.

Halimbawa

Negatibong keyword na katugma ng parirala: mga sapatos na pantakbo

Paghahanap May lalabas bang ad?
asul na pang-tennis na mga sapatos Yes
sapatos na pantakbo Yes
asul na mga sapatos na pantakbo No
mga pantakbo na sapatos Yes
mga sapatos na pantakbo No

Negatibong eksaktong tugma

Para sa mga negatibong eksaktong tugmang keyword, hindi lalabas ang iyong ad kung nasa paghahanap ang mga eksaktong termino ng keyword, sa parehong pagkakasunod-sunod, nang walang karagdagang salita. Puwede pa ring lumabas ang iyong ad kung nasa paghahanap ang mga termino ng keyword na may mga karagdagang salita.

Halimbawa

Negatibong eksaktong tugma na keyword: mga sapatos na pantakbo

Paghahanap May lalabas bang ad?
asul na pang-tennis na mga sapatos Yes
sapatos na pantakbo Yes
asul na mga sapatos na pantakbo Yes
mga pantakbo na sapatos Yes
mga sapatos na pantakbo No

Mga simbolo sa mga negatibong keyword

Puwede kang gumamit ng 3 simbolo sa iyong mga negatibong keyword: mga ampersand (&), accent mark (á), at asterisk (*). Ang mga negatibong keyword na may mga accent mark ay itinuturing na 2 magkaibang negatibong keyword, tulad ng sidewalk cafe at sidewalk café. Magkaiba rin ang “mga medyas & sapatos” at “mga medyas at sapatos.”

Narito ang ilan sa mga simbolong hindi nakikilala ng system:

  • Mga binabalewalang simbolo: Puwede kang magdagdag ng mga tuldok (.) sa iyong mga negatibong keyword, pero babalewalain ang mga simbolong ito. Ibig sabihin, itinuturing na magkaparehong keyword ang Fifth Ave. at Fifth Ave, halimbawa. Kung magdaragdag ka ng mga plus (+) sa iyong mga negatibong keyword, karaniwang mababalewala ang mga ito (halimbawa asul+sasakyan). Pero, sa ilang pagkakataon, kung ang + ay nasa dulo ng salita (halimbawa C++) hindi ito babalewalain.
  • Mga invalid na simbolo: Makakatanggap ka ng mensahe ng error kung magdaragdag ka ng mga negatibong keyword na may ilang partikular na simbolo. Ang ilan sa mga simbolong hindi puwedeng gamitin sa iyong mga negatibong keyword ay: , ! @ % ^ () = {} ; ~ ` <> ? \ |.
  • Mga operator sa site at paghahanap: Aalisin sa iyong mga negatibong keyword ang "site:" na operator. Ibig sabihin, kung idaragdag mo ang negatibong keyword na [site:www.example.com dark chocolate], ituturing itong kapareho ng [dark chocolate]. Babalewalain din ang mga operator sa paghahanap. Halimbawa, kung idaragdag mo ang operator sa paghahanap na "OR" sa negatibong keyword na dark chocolate, tulad ng “OR dark chocolate,” ang "OR" na command ay babalewalain at magiging dark chocolate lang ang iyong negatibong keyword.
  • Ibang mga operator ng paghahanap: Magreresulta ang pagdaragdag ng minus (-) na operator sa harap ng keyword sa pagkabalewala ng keyword na ito para sa pagtutugma ng negatibong keyword. Halimbawa, kung may negatibong keyword kang “dark -chocolate”, ituturing itong kapareho sa “dark”.

Tandaan

  • Piliing mabuti ang iyong mga negatibong keyword. Kung gagamit ka ng masyadong maraming negatibong keyword, puwedeng mas kaunting customer ang maabot ng iyong mga ad.
  • Hindi tumutugma ang mga negatibong keyword sa mga halos parehong variant, kaya puwede pa ring lumabas ang iyong ad sa mga paghahanap o page na naglalaman ng mga halos parehong variation ng mga termino ng negatibong keyword mo.
  • Posible pa ring lumabas ang iyong ad kapag may naghanap ng pariralang lampas 16 na salita, at kasunod ng ika-16 na salitang iyon ang negatibong keyword mo. Halimbawa, kung "discount" ang negatibong keyword mo, puwedeng lumabas ang ad mo kapag may naghanap ng "nice clean hotel rooms or bed and breakfast rentals in Boracay Aklan close to beach discount" dahil ika-17 salita sa parirala ang iyong negatibong keyword. Sa kabilang banda, hindi namin ipapakita ang iyong ad kapag may naghanap ng "nice clean hotel rooms or bed and breakfast rentals in Boracay close to beach discount" dahil ang negatibong keyword mo ay ang ika-16 na salita sa parirala.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15975041366382597332
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false