Nagbibigay-daan ang isang uri ng pagtutugma ng keyword sa iyong ad na magpakita sa mga paghahanap na nauugnay sa kahulugan ng keyword mo, kung saan posibleng kasama ang mga paghahanap na hindi naglalaman ng mga termino sa keyword. Nagbibigay-daan ito sa iyong maabot ang mas maraming paghahanap kumpara sa mga eksaktong tugma at katugmang parirala.
Ang malawak na tugma ay ang default na uri ng pagtutugma na itinatalaga sa lahat ng iyong keyword. Nakakatulong ito sa iyong mga ad na makaabot sa mas malawak na audience nang hindi hinihingi sa iyong bumuo ng malawak na listahan ng keyword. Halimbawa, sabihin nating may malawak na tugmang keyword ka na pagpapagawa ng bintana ng kotse. Makakaabot ang keyword na ito sa mga paghahanap na gaya ng pagpapalit ng salamin ng automobile, kahit na wala ang anuman sa mga salitang nasa iyong keyword, dahil kaugnay ang mga ito sa query.
Ang syntax para sa malawak na tugma ay ang paglalagay lang ng keyword. Nasa ibaba ang isang halimbawa ng kung paano gumagana ang malawak na tugma:
Para maghatid ng mga may kaugnayang pagtutugma, puwede ring isaalang-alang ng ganitong uri ng pagtutugma ang mga sumusunod:
- Ang mga kamakailang aktibidad sa paghahanap ng user
- Ang content ng landing page
- Iba pang keyword sa ad group para mas maunawaan ang layunin ng keyword
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.