Isang setting ng pagbabayad kung saan nagbibigay sa iyo ang Google ng linya ng credit para sa iyong mga gastusin sa pag-advertise, at babayaran mo ang mga gastusing iyon -- ayon sa mga tuntunin at kundisyon na sinang-ayunan mo -- gamit ang tseke, bank transfer, o iba pang paraan ng pagbabayad depende sa lokasyon mo.
- Posibleng kwalipikado kang gumamit ng buwanang pag-invoice kung nairehistro ang iyong negosyo bilang negosyo nang hindi bababa sa isang taon at gumastos ka ng minimum na $5,000 USD sa alinmang 3 sa nakaraang 12 buwan (o ang katumbas sa lokal na currency mo batay sa mga exchange rate).
- Karaniwang ginagamit ang setting na ito ng malalaking advertiser at negosyo.
- Makipag-ugnayan sa iyong customer service representative para mag-apply.