Kapag gumawa ka ng badyet ng account, hindi lalampas sa halaga ng badyet na pipiliin mo ang halagang sisingilin sa iyo, sa lahat ng campaign mo. Pero, puwedeng mas mataas ang halagang nagastos (tinatawag na "gastos").
Pag-unawa at paglutas sa mga pagkakaiba sa badyet
Puwedeng magkaroon ng mga pagkakaiba sa pagitan ng iyong aktwal at ni-request na badyet ng account kung may credit na ilalapat sa badyet ng account mo pagkatapos mo itong gawin. Iyon ay dahil nagiging bahagi ng aktwal na badyet ng account mo ang iyong credit. Kapag naubos iyon, hihinto ang lahat ng iyong campaign at walang ad na ihahatid.
Para pigilang huminto ang iyong mga ad, puwede kang gumawa ng isa pang badyet ng account. O puwede kang magdagdag ng higit pang badyet sa mga kasalukuyang badyet ng account, hangga't hindi pa umaabot ang mga ito sa petsa ng pagtatapos ng mga ito.
Halimbawa
Kung magtatakda ka ng badyet ng account na $100,000 USD, hindi ka sisingilin nang higit sa halagang ito. Kung may ilalapat na $1,000 USD na credit, tataas ang aktwal mong badyet sa $101,000 USD. Nangangahulugan ito na magiging $101,000 ang aktwal na badyet. Ipapaliwanag nito ang pagkakaiba sa pagitan ng aktwal na badyet ng account ($101,000 USD) at ng ni-request na badyet ng account ($100,000 USD) na sisingilin sa iyo.
Tip
Subaybayan ang halaga at paggastos ng iyong badyet sa panahon ng badyet ng account. Nakakatulong itong matiyak na hindi biglaang hihinto sa paggana ang iyong mga campaign.