Lumutas ng tinanggihang pagbabayad sa Google Ads

Tandaan na ang iyong kumpanya ng credit card o bangko ang hindi tumanggap sa bayad mo, hindi ang Google.

Para malutas ang isang hindi tinanggap na bayad, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong bangko o kumpanya ng credit card para ayusin ang isyu. Kapag nalutas na ang isyu sa iyong paraan ng pagbabayad, magkakaroon ka ng ilang opsyon para bayaran ang overdue na balanse at mapagana ulit ang mga ad mo.

Kung hindi tinanggap ang iyong mga pagbabayad, posibleng huminto sa paggana ang mga ad mo hanggang sa makapagbayad ka. Puwede ring magpatuloy sa paggana ang ilang kwalipikadong account sa loob ng maikling panahon pagkatapos ng hindi pagtanggap para bigyan ka ng panahong ayusin ang iyong paraan ng pagbabayad bago mag-offline, para hindi kaagad huminto ang mga ad mo pagkatapos ng hindi pagtanggap. Puwede mong i-pause ang iyong campaign hanggang sa malutas ang isyu.

Para patuloy na gumana nang maayos ang iyong mga ad, tiyaking magdaragdag ka ng backup na paraan ng pagbabayad sa account mo. Sisingilin lang ang iyong backup na paraan ng pagbabayad kung hindi tinanggap ang pangunahin mong paraan ng pagbabayad. Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-set up ng backup na paraan ng pagbabayad sa Google Ads.


Sa page na ito


Mga hindi tinanggap na bayad gamit ang credit card

Tandaan na ang iyong kumpanya ng credit card o bangko ang hindi tumanggap sa bayad mo, hindi ang Google.

Makakahanap ka ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga hindi tinanggap na bayad sa iyong Buod ng Pagsingil sa Google Ads. Kabilang sa impormasyong ito ang:

  • Petsa ng hindi tinanggap na bayad
  • Halaga ng hindi tinanggap na bayad
  • Dahilan ng hindi pagtanggap (kung available)

Kung walang nakalistang dahilan para sa hindi pagtanggap, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong kumpanya ng credit card para sa higit pang impormasyon.

Matuto pa tungkol sa kung paano lutasin ang mga isyu sa mga hindi tinanggap na bayad gamit ang credit card


Mga hindi tinanggap na bayad gamit ang direct debit o bank account

Tandaan na ang bangko mo ang hindi tumanggap sa iyong bayad, hindi ang Google. Kung lumalabas bilang "hindi tinanggap" ang iyong pagbabayad na bank account sa account mo, hindi kami pinayagan ng iyong bangko na singilin ang bank account mo. Makakahanap ka ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga hindi tinanggap na bayad sa iyong Buod ng Pagsingil sa Google Ads. Kabilang sa impormasyong ito ang:

  • Petsa ng hindi tinanggap na bayad
  • Halaga ng hindi tinanggap na bayad
  • Dahilan ng hindi pagtanggap (kung available)

Kung walang nakalistang dahilan ng hindi pagtanggap, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong bangko para sa higit pang impormasyon.

Matuto pa tungkol sa kung paano lutasin ang mga isyu sa mga hindi tinanggap na bayad gamit ang direct debit o bank account.


Mga hindi tinanggap na bayad para sa mga account na nasa buwanang pag-invoice

Tandaan na ang bangko mo ang hindi tumanggap sa iyong bayad, hindi ang Google. Kung binago mo kamakailan ang mga setting ng pagbabayad mula sa mga awtomatikong pagbabayad para maging buwanang pag-invoice at may natitira ka pang balanse, kakailanganin mong bayaran ang anumang natitirang balanse sa iyong account.

Matuto pa tungkol sa kung paano lutasin ang mga isyu sa mga hindi tinanggap na bayad para sa mga customer na nasa buwanang pag-invoice.


Mga kinanselang account na may mga hindi tinanggap na bayad

Kung gusto mong kanselahin ang iyong Google Ads account, kakailanganin mong bayaran ang anumang overdue na balanse. Kung kinansela mo ang iyong account, ang balanseng dapat bayaran sa panahon ng pagkansela ay sisingilin sa paraan ng pagbabayad mo sa loob ng susunod na 60 araw.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
11862661713903433688
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false