Magbukod ng mga ad sa mga heograpikong lokasyon

Mahalaga kung saan lumalabas ang mga ad mo—pero mahalaga rin sa tagumpay ng iyong campaign ang mga lugar kung saan hindi dapat lumabas ang mga ito. Makakatulong sa iyo ang pagbubukod ng lokasyon na pigilan ang ad mong lumabas sa ilang partikular na bahagi ng iyong mga target na lokasyon, gaya ng rehiyon sa isang bansa, o isang lungsod sa isang estado. Nakakatulong ito sa iyong gamitin nang wasto ang badyet mo sa pamamagitan ng pagpigil sa pagpapakita ng iyong ad sa mga taong malamang na walang access sa kung ano ang iniaalok mo.

Puwede kang magbukod ng mga lokasyon nang paisa-isa para sa higit pang kontrol, o para sa dagdag na ginhawa, puwede kang magbukod ng maraming lokasyon nang sabay-sabay gamit ang aming feature sa mga maramihang lokasyon.

Sino ang puwedeng makinabang sa pagbubukod ng mga lugar na nasa mga target na lokasyon:

  • Isang negosyong hindi nagpapadala o nagbibigay ng mga serbisyo sa isang lungsod o rehiyon sa loob ng mas malaking lugar.
  • Isang negosyong nag-aalok ng espesyal na promosyong hindi naaangkop sa ilang rehiyon ng isang target na lugar.

Halimbawa

Kung nagpapagana ka ng mga ad campaign para sa isang nagsasariling real estate brokerage sa Hawaii, pero wala kang lokasyon sa Maui, puwede mong i-target ang buong estado ng Hawaii at ibukod ang Maui.

Tandaan: Puwede lang i-target ang mga Hotel Ads campaign ayon sa bansa at teritoryo.

Mga Tagubilin

Paano magbukod ng mga indibidwal na lugar

Ang pag-set up ng mga pagbubukod ng lokasyon ay halos katulad ng pag-set up ng pag-target sa lokasyon, ilagay lang ang pangalan ng lugar na gusto mong ibukod.

Para magbukod ng mga lugar sa mga lokasyong napili mo:

  1. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga Campaign.
  2. I-click ang pangalan ng campaign na gusto mong i-edit.
  3. I-click ang Mga Setting.
  4. I-expand ang seksyong “Mga Lokasyon” mula sa menu ng mga setting.
  5. May dalawang paraan para makapagbukod ka ng lokasyon:
    • Hanapin ang lugar na gusto mong ibukod sa box para sa paghahanap at i-click ang Ibukod.
    • I-click ang Advanced na paghahanap, hanapin ang Lokasyon na gusto mong ibukod, at i-click ang Ibukod. I-click ang I-save pagkatapos ibukod ang lokasyon.
  6. I-click ang I-save para i-save ang iyong mga setting. Lalabas ang iyong mga nakabukod na lokasyon sa ilalim ng heading na "Mga nakabukod na lokasyon."

Kung pipiliin mo ang “Ipakita ang mga lokasyon sa mapa,” lalabas din ang iyong mga nakabukod na lokasyon nang may pulang outline sa mapa.

Subukan ito ngayon

Paano magbukod ng mga lugar nang maramihan

Kung gusto mong magbukod ng maraming lokasyon nang sabay-sabay, pinapayagan ka ng Google Ads na magdagdag ng listahang may hanggang 1,000 pagbubukod ng lokasyon nang isang beses, sa halip na paisa-isang idagdag ang bawat lokasyon.

Para magbukod ng maraming lugar na nasa mga lokasyong napili mo, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga Campaign.
  2. I-click ang pangalan ng campaign na gusto mong i-edit.
  3. I-click ang Mga Setting.
  4. I-expand ang seksyong “Mga Lokasyon” mula sa menu ng mga setting, at i-click ang Advanced na paghahanap.
  5. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Magdagdag ng mga lokasyon nang maramihan."
  6. Sa kahon, i-paste o i-type ang mga pangalan ng hanggang 1,000 lokasyong gusto mong ibukod. Magdagdag ng mga lokasyon kada isang bansa. Tingnan ang listahan ng mga lokasyong puwedeng i-target.
  7. Puwede mong piliing “Limitahan ang mga lokasyong nasa isang bansa.”
  8. Kapag nailagay mo na ang iyong mga lokasyon, i-click ang Hanapin.
  9. Lalabas sa panel ng pagsusuri ang lahat ng lokasyong tumutugma sa iyong paghahanap. Suriin ang iyong mga resulta, at i-click ang Ibukod lahat. Sa ilalim ng seksyong "Mga nakabukod na lokasyon," makikita mo ang mga lokasyong kabubukod mo pa lang.
  10. I-click ang I-save.
  11. Kapag nakumpirma mo na ang iyong mga pagbabago, i-click ang I-save sa page na Mga Setting.
Subukan ito ngayon

Tip

Tandaang sa pamamagitan ng opsyong alisin ang lahat ng tumugmang lokasyon, maaalis ang lahat ng lokasyon sa panel ng pagsusuri, pati na rin sa mga kasalukuyan mong target na lokasyon o pagbubukod ng lokasyon.

Salungatan sa pagbubukod

Kung parehong isinama at ibinukod ang isang lugar sa iyong mga setting ng pag-target sa lokasyon, bibigyang-priyoridad ang pagbubukod. Halimbawa, kung ibubukod mo ang estado ng California pero ita-target ang lungsod ng Los Angeles, ibubukod ang Los Angeles dahil matatagpuan ito sa California. Kung ita-target at ibubukod mo ang Los Angeles, hindi tatanggap ng trapiko ang Los Angeles dahil sa pagbubukod.

Tip

Tandaan, hindi mo kailangang ibukod ang mga lugar na hindi mo pa tina-target—hindi namin ipapakita ang iyong mga ad sa mga lugar maliban na lang kung direkta mong ita-target ang mga iyon.

Hindi kasama rito kung magta-target ka ng lugar ayon sa mga lokasyong hinanap ng mga tao o pinakitaan nila ng interes, at magbubukod ka ng iba pang lugar ayon sa malamang na lokasyon ng iyong mga customer. Magiging mas kumplikado ito—basahin ang aming artikulo tungkol sa mga advanced na opsyon sa lokasyon para sa higit pang impormasyon.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false