Gamitin ang iyong mga pampromosyong code

Nagbabahagi minsan ang Google at ang aming mga partner ng mga pampromosyong code para sa Google Ads. Magagamit ang mga espesyal na alok na ito para mag-redeem ng credit na nailalapat sa iyong Google Ads account. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano i-redeem ang iyong alok at kung paano susubaybayan ang status nito.

Bago ka magsimula

  • Kakailanganin mong maglagay ng paraan ng pagbabayad.
  • Kung gusto mong gumamit ng buwanang pag-invoice, tiyaking i-set up ang setting na iyon bago ilagay ang iyong code. Kung hindi, mapapawalang-bisa ang alok sa iyo at mawawala ang halaga kapag lumipat ka sa pag-invoice.

Saan ilalagay ang iyong pampromosyong code

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang tools icon Google Ads | tools [Icon], at sa ilalim ng “Pagsingil,” piliin ang Mga Promosyon.
  3. I-click ang asul na button na plus .
  4. Ilagay ang iyong pampromosyong code.
  5. I-click ang I-save.

Pakitandaang hindi puwedeng maglagay ang mga user ng manager account ng pampromosyong code mula sa antas ng manager sa pamamagitan ng page na Mga Promosyon. Dapat bisitahin ng mga manager account ang page ng pagsingil ng account kung saan nila gustong maglapat ng promosyon at sundin ang mga hakbang sa itaas. 

Tingnan ang iyong pag-usad

Para makita kung gaano mo na kalapit makuha ang iyong credit, bisitahin ang page na Mga Promosyon sa account mo. Ina-update ito bawat ilang oras. Matitingnan mo kaagad ang iyong pag-usad at ang status ng anumang credit at makita ang iyong mga nakumpleto o nag-expire nang promosyon. Ganito ka makakapunta roon:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang tools icon Google Ads | tools [Icon], at sa ilalim ng “Pagsingil,” piliin ang Mga Promosyon.
  3. Sa page na "Mga Promosyon," makikita mo ang lahat ng pampromosyong code na naidagdag sa iyong Google Ads account at ang mga nauugnay na halaga at status, kabilang ang mga sumusunod:
    • “Aktibo”: Ibinigay na ang reward na nauugnay sa kupon.
    • “Na-redeem: kasalukuyang kumukuha”: Matagumpay na na-redeem ang kupon, pero hindi pa naaabot ang kinakailangang gastos (ibig sabihin, “Gumastos ng Php1,250, makakuha ng
    • Php2,500”).
    • “Pinoproseso”: Naabot na ang kinakailangang gastos (ibig sabihin, "Gumastos ng Php1,250, makakuha ng Php2,500") at pinoproseso ng aming system ang ibinigay na
    • halaga ng reward.
    • “Nag-expire na”: Nag-expire na ang kupon pagkatapos ng pag-redeem at bago maabot ang kinakailangang gastos
    • “Napawalang-bisa”: Invalid/napawalang-bisa ang kupon.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu