Kapag ginamit mo ang App Connect, ang mga pag-click mula sa iyong Search, Shopping, Performance Max, at Demand Gen campaign ad ay puwedeng direktang mapunta sa mga pinakanauugnay na page sa iyong app, na nakakatulong sa iyong i-boost ang engagement at pataasin ang mga rate ng conversion.
Ang card na Pangkalahatang-ideya ng App Connect ay nagbibigay ng sentralisadong view ng performance ng iyong mga web at app campaign kapag pinaghambing.
Matuto pa Tungkol sa App Connect pati na rin sa kung paano Gamitin ang page na Pangkalahatang-ideya.
Sa page na ito
- Mga requirement para matingnan ang card
- Paano gamitin ang card na App Connect
- Aksyunan ang iyong mga insight
Mga requirement para matingnan ang card
Lalabas lang ang card na App Connect sa iyong page na Pangkalahatang-ideya kung mayroon kang:
- Parehong website at app na nauugnay sa iyong Google Ads account
- Kahit man lang isang aktibo o naka-pause na web campaign, gaya ng mga Search, Shopping, Performance Max, Display campaign.
Mga hindi kasamang uri ng campaign:- Mga video campaign, na umaasa sa Mga Enhanced Video Conversion (EVC) na hindi compatible sa pag-uulat sa W2AC batay sa mga destinasyon ng pag-click.
- Kapaki-pakinabang na in-app activity: Sa loob ng nakaraang 28 araw, nakapagtala dapat ang account mo ng:
- Kahit man lang isang pag-click sa deep link ng app, o
- Kahit man lang isang in-app na conversion (anupaman ang strategy sa pag-bid).
Sinisigurado ng mga requirement na ito na lalabas lang ang card kapag aktibo at masusukat ang iyong web-to-app journey.
Mga feature ng card na Pangkalahatang-ideya ng App Connect
Nagtatampok ang card ng dalawang pangunahing tab na nag-a-update batay sa saklaw na petsa na napili para sa iyong page na Pangkalahatang-ideya:
Tab na Pangkalahatang-ideya ng Performance
Paghambingin ang performance ng mga pag-click sa ad na humahantong sa iyong app at mga pag-click sa ad na humahantong sa website mo. Nakakatulong ito sa iyo na tukuyin kung sulit bang magpadala ng mga user sa app mo.
- Kabilang sa mga pangunahing sukatang ipinapakita sa parehong destinasyon sa app at web ang gastos, rate ng conversion, at cost per conversion.
- Puwede mo ring tingnan ang trend ng performance para sa bawat sukatan kung ihahambing sa nakaraang yugto, na makakatulong sa iyong subaybayan ang pag-usad sa paglipas ng panahon batay sa napili mong saklaw na petsa (gaya ng nakaraang 7 araw kumpara sa nauna pang 7 araw).
Tab na Mga Highlight ng Campaign
Hina-highlight ng tab na ito ang iyong mga web campaign na naka-rank ayon sa pagbabago sa in-app na conversion pati na rin sa pagbabago sa gastos.
- Nakalista sa bawat partikular na pangalan ng campaign
- Tingnan ang pagbabago sa dami ng in-app na conversion
- Tingnan ang pagbabago sa gastos
- Mabilis na tukuyin kung aling mga campaign ang nagkakaroon ng momentum o nawawalan nito.
- Tukuyin kung aling mga campaign ang posibleng mag-ambag ng pinakamalaki sa iyong tagumpay sa web to app.
Aksyunan ang iyong mga insight
Kung may natukoy kang mga pagkakataon para makapaghatid ng higit pang conversion gamit ang mga in-app na aksyon na conversion at App Connect, sundin ang mga hakbang sa ibaba para makapagsimula sa App Connect.
- Sa iyong Google Ads account, piliin ang Tools icon
.
- Piliin ang drop down na Pagpaplano sa menu ng seksyon.
- Piliin ang Hub ng pag-advertise ng app.
Dadalhin ka nito sa interface ng App Connect, na ang unang tab sa Hub ng pag-advertise ng app.