Tungkol sa mga oras ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign

Kapag gumawa ka ng campaign ng pagpapareserba sa Google Ads, puwede mong itakda ang mga eksaktong petsa ng pagsisimula at pagtatapos nang maaga bukod pa sa mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos. Kapaki-pakinabang ang feature na ito kapag alam mo na ang eksaktong oras kung kailan mo gustong magsimula at matapos ang iyong campaign, para hindi mo na ito kailangang baguhin nang manual.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos at kung kailan mo posibleng gamitin ang mga ito.

Halimbawa

Sabihin nating nagmamay-ari ka ng online shop ng mga party supply at gusto mong magkaroon ng campaign na nakalaan sa pagbebenta ng mga supply para sa mga pahabol na bibili para sa party sa Bisperas ng Bagong Taon. Gusto mong gumana ang iyong campaign nang eksaktong 26 na oras, na eksaktong magsisimula nang 6 PM sa Disyembre 30 hanggang 8 PM sa Disyembre 31 at mayroon kang nakatakdang badyet para sa campaign na ito. Sa Google Ads, maitatakda mo ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos na ito para sa iyong campaign para tumugma sa eksaktong iskedyul ng campaign mo.


Paano gumagana ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign

Palaging may petsa ng pagsisimula at pagtatapos ang mga campaign ng pagpapareserba ng Google Ads, na puwede mong itakda habang ginagawa ang campaign. Ang default na oras ng pagsisimula ay 12 AM sa petsa ng pagsisimula ng campaign at ang default na oras ng pagtatapos ay 11:59 PM sa petsa ng pagtatapos ng campaign. Nakabatay ang mga oras na ito ng pagsisimula at pagtatapos sa time zone ng iyong account. Kung pipiliin mong huwag gamitin ang default na oras, magsisimula at matatapos ang iyong campaign sa itinakda mong oras at petsa batay sa time zone ng iyong account.

Kung iseskedyul mong magsimula ngayong araw ang isang campaign, ang oras ng pagsisimula ay ang mas huli sa:

  • Oras na na-save mo ang iyong campaign, o ang
  • Gusto mong oras ng pagsisimula ng campaign.

Ibig sabihin nito, kung ang gusto mong oras ng pagsisimula ng campaign ay mas maaga kaysa sa oras na na-save mo ang iyong campaign, magsisimula ang campaign mo batay sa oras na na-save mo ang iyong campaign.

Tandaan na ang minimum na tagal ng paggana ng isang campaign ay 24 na oras, maliban sa mga Cost-per-hour (CPH) campaign na minimum na 60 minuto lang ang nire-require.

Halimbawa

Gusto mong iiskedyul na gumana ang isang campaign mula 9 AM sa Pebrero 2 hanggang 11 AM sa Pebrero 3. Pagkatapos mong gawin ang campaign at tanggapin ang quote para ipareserba ang iyong campaign, 9:30 AM na. Magiging 9:30 AM ang oras ng pagsisimula ng iyong campaign sa halip na 9 AM sa Pebrero 2.


Tandaan

Kapag nagtakda ka ng petsa ng pagsisimula at oras ng pagsisimula, puwede mong i-edit ang petsa at oras na iyon sa anumang punto hangga't hindi pa nagsisimula ang iyong campaign. Pagkalipas ng oras ng pagsisimula, hindi ka na makakagawa ng mga pag-edit sa mga oras ng campaign. Gayunpaman, magagawa mo pa ring i-pause, ipagpatuloy, o alisin ang iyong campaign.

Tandaan na puwede mo pa ring i-edit ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos ng iyong campaign pagkatapos magawa ang campaign. Kung gagawin mo iyon, posibleng magresulta ito sa bagong quote, depende sa availability ng imbentaryo para sa bagong tagal ng oras na itinakda mo.

Halimbawa

Kung ang oras at petsa ng pagsisimula ng iyong campaign ay 4 AM sa Pebrero 1, hindi mo mae-edit ang iyong oras at petsa ng pagsisimula simula 4 AM sa Pebrero 1. Gayunpaman, puwede mo pa ring i-pause, ipagpatuloy, o alisin ang iyong campaign.

Daylight saving time

Hindi mo na kailangang gumawa ng mga manual na kalkulasyon para sa Daylight Saving Time (DST) kapag itinakda mo ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos ng iyong campaign. Awtomatiko itong ia-adjust batay sa time zone ng iyong account.

Halimbawa

Ngayon ay Pebrero 2 at Central European Time (CET) ang time zone ng iyong account. Gusto mong iiskedyul na gumana ang iyong campaign mula 10 AM hanggang 11 AM sa Mayo 5 sa Central European Summer Time (CEST), na siyang magiging aktibong time zone dahil sa daylight saving time sa Mayo. Sa ganitong sitwasyon, dapat mong itakda ang petsa ng pagsisimula bilang Mayo 5, at ang 10 AM at 11 AM bilang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos, ayon sa pagkakasunod-sunod. Awtomatikong mag-a-adjust ang system para sa daylight saving time para paganahin ang campaign sa nakatakdang petsa at oras sa CEST.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
8974147903179039945
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false