Pinoprotektahan ng pag-encrypt ang iyong data laban sa pag-access o pagnanakaw ng mga hindi awtorisadong user. Kasama sa proseso ang gawing random at hindi nababasang string ang iyong plain at madaling maunawaang data. Puwede mong isipin ang proseso bilang paglalagay ng iyong data sa loob ng isang naka-lock na kahon at mayroon lang itong isang key. Kung wala ang key na ginamit para i-lock o “i-encrypt” ang data, magiging mahirap sa mga hindi awtorisadong user na ma-access ang data at maunawaan ito.
Sa Google, gumagamit kami ng maraming layer ng pag-encrypt, kasama na ang envelope na pag-encrypt para makatulong na protektahan ang data ng customer. Ang key na ginagamit para i-encrypt ang iyong data ay tinatawag na data encryption key (DEK) na puwede mo pang i-encrypt o “i-wrap” sa pamamagitan ng paggamit ng key encryption key (KEK). Ang proseso ng pag-encrypt ng key na ito gamit ang isa pang key ay tinatawag na envelope na pag-encrypt.
