Tungkol sa mga insight sa kategorya ng produkto

Ang mga insight sa kategorya ng produkto ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga trend sa paghahanap at sa performance ng iyong mga ad kumpara sa mga kakumpitensya. Nagbibigay ang mga insight na ito ng mga rekomendasyong makakapagpahusay sa performance ng mga kategorya ng produkto mo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga benepisyo ng paggamit ng mga insight sa kategorya ng retail, ang mga uri ng mga insight na available, at kung saan makikita ang mga ito.


Mga Benepisyo

Makakatulong sa iyo ang mga insight sa kategorya ng produkto na:

  • Tumukoy ng mga pagkakataon sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa demand at kumpetisyon para makasabay ka sa mga pagbabago sa market at mapalago mo ang iyong negosyo
  • Mag-troubleshoot ng mga isyung nauugnay sa setup ng campaign at produkto
  • I-optimize ang performance sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rekomendasyong ipapatupad sa Google Ads at Merchant Center

Mga Tagubilin

Available ang mga insight sa kategorya ng produkto sa level ng account at level ng campaign

Page na Mga Produkto

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. Opsyonal:
    1. Kung gusto mong tingnan ang mga insight sa level ng campaign, i-click ang filter na Workspace sa itaas ng page, pagkatapos ay piliin ang Mga Shopping campaign o Mga Performance Max campaign.
    2. I-click ang filter na Mga Campaign at pumili ng campaign.
  3. I-click ang Mga Produkto.
  4. Available ang mga insight sa kategorya ng retail sa dalawang lugar:
    • May lalabas na talahanayan ng Mga Insight sa itaas ng talahanayan ng Mga Produkto. I-click ang pakaliwa at pakanang arrow para tingnan ang bawat insight, o i-click ang Tingnan ang mga detalye para matuto pa. Sa lalabas na panel, i-click ang bawat dropdown para tumingin ng mga nauugnay na isyu at rekomendasyon. Ilapat ang mga rekomendasyong epektibo para sa iyong campaign at badyet.
    • Pumunta sa tab na Mga Kategorya ng talahanayan ng Mga Produkto. Dito, puwede kang mag-click ng kategorya kung saan ka interesado at makikita mo ang page ng mga detalye ng kategorya.

Mga uri ng mga insight

Bawat insight ay naglalarawan ng pagbabago sa loob ng nakaraang 7 o 28 araw at may kasama itong mga paliwanag at naaaksyunang rekomendasyon. Itinatampok ang mga nangungunang insight sa itaas ng talahanayan ng Mga Produkto.

Sa pamamagitan ng pag-click sa button na “tingnan ang mga detalye” sa bawat insight, makikita mo ang view ng mga detalye ng insight. Sa view na ito, may makikita kang chart na nagpapakita ng trend sa paghahanap kasama ng performance mo sa loob ng panahon at anumang kaugnay na sukatan. Sa pamamagitan ng pag-expand ng bawat seksyon, makakakuha ka ng higit pang impormasyon tungkol sa isyu at makakakita ka ng mga suhestyon para sa mga aksyong magagawa mo para mapahusay ang iyong performance sa kategoryang ito.

Tumaas ang interes sa paghahanap at bumaba ang performance

Ipinapakita ng ganitong uri ng insight kapag tumaas ang interes sa paghahanap sa isang kategorya ng produkto pero bumaba ang performance ng iyong mga produkto sa kategoryang iyon. Gamitin ang mga insight na ito para matukoy ang mga napalampas na pagkakataon at malutas ang mga isyu habang nadaragdagan ang interes sa paghahanap. Masusuri mo kung nalilimitahan ng strategy sa pag-bid o badyet ang mga campaign na nag-a-advertise ng mga produkto mula sa kategoryang ito o ang anupamang rekomendasyon kung paano mo mapapahusay ang performance ng mga produktong ito.

Bumaba ang performance

Ipinapakita ng ganitong uri ng insight kung nakakaranas ng pagbaba sa performance ang iyong mga produkto sa isang partikular na kategorya. May makikita kang breakdown ng mga pagbabagong nangyari sa mga produkto mo sa parehong panahon ng insight at posibleng nagdulot ng pagbabago sa performance. Gamitin ang mga insight na ito para siyasatin kung bakit posibleng hindi mahusay ang performance ng mga produktong ito hindi tulad noon at tumukoy ng mga adjustment at pag-optimize na puwedeng mag-reverse ng pagbaba ng performance.

Tumaas ang interes sa paghahanap

Ipinapakita ng ganitong uri ng insight kapag tumaas ang interes sa paghahanap para sa isa sa iyong mga kategorya ng produkto. Makikita mo ang mga isyung nakakaapekto sa iyong mga produkto ngayon para mabigyan mo ng priyoridad ang mga pag-aayos para masulit ang pagtaas ng interes sa paghahanap. O kaya, makikita mo kung puwede bang taasan ang iyong bid o badyet para matiyak na nakukuha mo ang demand. Gamitin ang mga insight na ito para mabigyan ng priyoridad ang mga aksyong magagawa mo para mapahusay ang performance ng mga produkto sa kategoryang ito at makinabang sa tumaas na demand. Matuto pa tungkol sa Interes sa paghahanap.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12070085032709551789
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
true
true
false