Ang pag-bid na batay sa halaga ay isang subset ng Smart Bidding ng Google na nagbibigay-daan sa mga customer na mag-optimize ng mga campaign batay sa halagang ibinibigay sa kanilang negosyo, na nagma-maximize ng halaga ng conversion sa isang partikular na badyet at Target na ROAS, na opsyonal. Naiiba ito sa pag-bid na batay sa conversion (Pag-maximize ng mga conversion na may opsyonal na Target na CPA), na naglalayong i-maximize ang dami ng conversion.
Kasama sa pag-bid na batay sa halaga ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na mayroon o walang Target na ROAS
- Gamitin ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na walang target na ROAS kung gusto mong makabuo ng mas mataas na halaga hangga't posible na pasok sa iyong pang-araw-araw na badyet. Pinakamainam ito para sa mga campaign na consistent na nakakaubos ng pang-araw-araw na badyet.
- Gamitin ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na may target na ROAS kung gusto mong I-maximize ang halaga ng conversion nang pasok sa mga nakatakdang limitasyon sa efficiency. Pinakamahusay ito sa mga walang cap na badyet.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Sa page na ito
- Ano ang kailangan mo para magamit ang pagpapatupad ng pag-bid na batay sa halaga
- Pinakamahuhusay na Kagawian para sa pag-bid na batay sa halaga
- Pag-activate sa pag-bid na batay sa halaga
- Pamamahala ng performance ng pag-bid na batay sa halaga
Ano ang kailangan mo para magamit ang pag-bid na batay sa halaga
Pag-isipan ang mga sumusunod na pamantayan para malaman kung bagay sa iyo ang pag-bid na batay sa halaga
- Layunin: Siguraduhing naaangkop sa iyong mga layunin sa marketing ang strategy sa pag-bid na batay sa halaga. Gusto mo bang paghiwa-hiwalayin ang performance ng campaign para sa mga customer, produkto, o serbisyo batay sa mga halagang ibinibigay ng mga ito sa iyong negosyo? Kung mas mahalaga sa iyo ang pag-drive ng dami ng conversion, pag-isipang pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion na may opsyonal na target na CPA na lang ang gamitin.
- Mga natatanging halaga: Siguraduhing nag-uulat ka ng dalawa o higit pang natatanging halaga para sa iyong mga layunin sa conversion
- Magtakda ng mga aasahan: Ima-maximize ng pag-bid na batay sa halaga ang halaga ng conversion nang pasok sa mga limitasyon ng isang partikular na campaign (target na badyet at ROAS kapag naaangkop). Ibig sabihin, batay sa mga salik na iyon, bibigyan ng priyoridad ang mga customer na may mataas na halaga. Tandaan ito kapag naghahambing ng performance ng tCPA, na nag-o-optimize para sa dami ng conversion anuman ang halaga. Kapag gumagamit ng pag-bid na batay sa halaga, suriin ang performance batay sa halaga ng conversion na nabubuo ng iyong campaign kaugnay ng mga halaga ng conversion na sinusukat at iniuulat mo.
Pinakamahuhusay na Kagawian para sa pag-bid na batay sa halaga
Tinatalakay ng seksyong ito ang pinakamahuhusay na kagawiang partikular na nauugnay sa mga layunin ng conversion para sa pag-bid na batay sa halaga. Inirerekomenda na pumili ka ng isang stage sa iyong journey na lead-to-sale na gagamitin para sa pag-optimize ng bid.
- Pagkaantala ng conversion: Kapag pinipili ang iyong layunin sa conversion, parehong isaalang-alang ang katumpakan at pagkaantala. Halimbawa, posibleng nasa huling pagbili mo ang mga pinakatumpak na halaga. Kung masyadong matagal ang pagkaantala para mapamahalaan mo ito, pag-isipang pumili ng layuning mas maaga sa journey ng consumer, tulad ng kwalipikadong lead.
- Dami: Ang iyong layunin sa conversion ay dapat may kahit man lang 15 conversion sa loob ng nakalipas na 30 araw sa level ng account. Kapag mas kaunti ang dami ng conversion, posibleng mas marami ang noise sa data kapag sinusuri ang performance.
- Pag-uulat ng Halaga:
- Dapat kang mag-ulat ng dalawa o higit pang magkaibang halaga sa iyong mga layunin sa conversion. Puwedeng mga tunay na economic na halaga ang mga ito, tulad ng kita o mga proxy na halaga, tulad ng score ng lead. Puwede kang magsukat ng maraming halaga para sa iisang layunin sa conversion (mga dynamic na halaga) o parehong halaga ng conversion para sa dalawa o higit pang layunin sa natatanging conversion (mga static na halaga).
- Ibigay sa Google ang data ng conversion sa sandaling maging available ito. Ang regular na pagpapadala ng mga conversion ay nagbibigay sa bidder ng tuloy-tuloy na impormasyong mapag-aaralan at magagamit sa pag-optimize kaysa sa malalaking batch na isang beses lang.
- Inirerekomenda ang mas maiikling pagkaantala ng conversion (wala pang 7 araw). Ang pagkaantala ng conversion ay ang oras sa pagitan ng pag-click ng user at oras na iniulat sa Google ang conversion. Matuto pa tungkol sa kung paano Malaman kung gaano katagal mag-convert ang iyong mga customer.
- Tandaan na para sa mga offline na conversion, pinakamainam ang mga araw-araw na offline na pag-upload. Mag-ingat sa pag-backfill ng iyong data ng halaga sa pamamagitan ng mga offline na pag-upload kung naantala ang mga ito dahil maaapektuhan ang performance ng Smart Bidding ng anumang pagkaantala sa pag-upload ng mga conversion. Basahin ang Mga FAQ sa mga offline conversion import para sa higit pang detalye.
- Depende sa configuration ng pagsukat, pag-isipan ang mga sitwasyon sa ibaba:
- Kung mayroon kang porsyento ng data ng conversion na available bago ang 7 araw pagkatapos ng pag-click, katanggap-tanggap ito kung ang average na pagkaantala ng conversion mo ay mas mahaba sa 7 araw. Nagbibigay-daan sa efficient na pag-ramp up ang regular na pagpasok ng data.
- Kung walang na-upload na data ng conversion sa loob ng 7 araw, o kung aabutin nang 7+ araw bago ma-upload sa Ads ang 100% ng mga conversion, ang paunang ramp-up period para sa pag-bid na batay sa halaga ay posibleng abutin nang ilang buwan.
- Dapat kang mag-ulat ng dalawa o higit pang magkaibang halaga sa iyong mga layunin sa conversion. Puwedeng mga tunay na economic na halaga ang mga ito, tulad ng kita o mga proxy na halaga, tulad ng score ng lead. Puwede kang magsukat ng maraming halaga para sa iisang layunin sa conversion (mga dynamic na halaga) o parehong halaga ng conversion para sa dalawa o higit pang layunin sa natatanging conversion (mga static na halaga).
Posibleng makapansin ka ng mga conversion na nangyayari nang may magkakaibang pagkaantala na hanggang 7 araw pagkatapos mag-click ng mga user sa isang ad. Sa halip na maghintay nang 7araw pagkatapos ng pag-click para iulat ang lahat ng conversion sa Google, iulat ang mga ito kung mangyari ang mga ito online o araw-araw kung gumagamit ng offline na feed. Consistent na ituloy ang pattern na ito para masigurado ang pagkakaroon ng magandang performance.
I-activate ang pag-bid na batay sa halaga
Bago mo i-enable ang pag-bid na batay sa halaga para sa iyong mga campaign, siguraduhing nasuri mo na ang mga layunin mo.
- Alamin ang iyong layunin: Kailangan bang magbago ng iyong layunin sa conversion? Kung oo, magsimulang mag-optimize sa bagong layunin sa conversion bago mag-bid sa halaga. Halimbawa, kung nagbi-bid ka sa Mga Pagsusumite ng Form ng Lead sa target na CPA at gusto mong mag-bid sa Mga Kwalipikadong Lead sa Target na ROAS, lumipat muna sa Mga Kwalipikadong Lead sa CPA. Puwede kang magsimulang magpasa ng mga halaga habang nagbi-bid sa CPA bago i-enable ang pag-bid na batay sa halaga. Matuto pa tungkol sa Pagbabago ng mga layunin sa conversion at aksyong conversion na ginagamit para sa Smart Bidding para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-transition nang maayos.
- Mag-upload ng mga halaga sa sandaling nagbi-bid ka sa gusto mong layunin sa conversion, mag-upload ng mga halaga para sa 4 na linggo o 3 cycle ng conversion, alinman ang mas mahaba, bago i-activate ang pag-bid na batay sa halaga. Iwasang mag-backfill ng dating data ng halaga.
- Magtakda ng mga makatuwirang target: Kung mayroon kang limitadong badyet, pinakamainam na gumamit ng pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion na walang Target na ROAS. Kung hindi limitado ang badyet mo at gusto mong magtakda ng target, suriin ang iyong dating data ng performance ng ROAS para sa 30 araw, at gamitin ito bilang benchmark para magtakda ng konserbatibong target.
- I-adjust ang Mga Target: Kapag gumagamit ka ng pag-bid na batay sa halaga, baguhin ang target na ROAS ayon sa pangangailangan ng negosyo nang palaging isinasaalang-alang ang mga sumusunod:
- Kung gusto mong mapataas ang kabuuang halaga ng conversion, pag-isipang unti-unting bawasan ang target na ROAS (halimbawa, mula 300% papuntang 200%). Magbibigay-daan ang pagbawas ng target na ROAS sa strategy sa pag-bid na maging mas mapagkumpitensya sa mga auction at malamang na makabuo ng mas maraming conversion at mas mataas na halaga ng conversion.
- Kung gusto mo namang mapataas ang iyong efficiency (tulad ng makakamit ng mas mataas na ROAS), puwede mong taasan ang target na ROAS (halimbawa, 200% papuntang 300%). Tandaan: Puwede nitong malimitahan ang bilang ng mga auction na puwede mong salihan at posibleng magresulta ito sa mababang kabuuang halaga ng conversion.
- Bid Simulator: Para maunawaan kung paano maaapektuhan ng iba't ibang ROAS target ang iyong performance, gamitin ang Bid Simulator. Halimbawa, kung gumagamit ka ng pag-bid na target na ROAS at gusto mo ng mas maraming conversion at mas mataas na kabuuang halaga ng conversion, gamitin ang Bid Simulator para malaman kung puwede mong pababain ang iyong ROAS target para makuha ang mga gustong resulta. Alamin kung paano gumamit ng mga bid simulator.
Tandaan: Bagama't hinihikayat ka naming baguhin ang mga target ayon sa mga pangangailangan ng iyong negosyo, tandaan na kapag gumawa ka ng mga pagbabago sa loob ng isang cycle ng conversion, posibleng maging mas mahirap i-assess ang performance ng pag-bid. Inirerekomendang maghintay ka ng 1-2 buong cycle ng conversion bago ikumpara ang average na target na ROAS sa aktwal na performance ng ROAS gamit ang Ulat sa Strategy sa Pag-bid. Matuto pa tungkol sa kung Paano gumawa ng mga adjustment sa target sa Smart Bidding sa Search.
Maliban kung may totoong pangangailangan sa negosyo, iwasang gumawa ng maraming pagbabago sa ROAS target sa isang cycle ng conversion. Kapag binago mo ang target bago maiulat ang 100% ng mga conversion, posibleng maging mas mahirap sundin ang pinakamahuhusay na kagawian para sa tumpak na assessment ng performance. Dagdag pa rito, kapag madalas mong binago ang target sa kalagitnaan ng cycle ng conversion, puwede nitong mapigilan ang performance. Dahil ito sa nakatanggap ang bidder ng maraming gustong resulta (mga target) na posibleng maging dahilan para mas matagal mong maabot ang iyong aktwal na layunin.
Kung gusto mong mag-test ng pag-bid sa halaga gamit ang isang eksperimento sa campaign, sumangguni sa artikulong Tungkol sa mga eksperimento sa campaign na Pag-bid na batay sa halaga para sa listahan ng mga hakbang at pinakamahuhusay na kagawian. Mahalagang i-set up para sa tagumpay ang trial campaign at sundin ang mahihigpit na timeline sa pag-ramp up.
- Siguraduhing ang mga target at pagbabago sa ROAS ay naaayon sa mga target at pagbabago sa CPA sa control campaign. Kapag hindi ito nagawa, posibleng maging hindi patas ang test.
- Kung mabagal mag-ramp up ang grupo sa eksperimento, kailangan ng mas mababang target na ROAS para mapataas ang pagiging kwalipikado sa auction.
Pamamahala ng performance ng pag-bid na batay sa halaga
Kapag na-activate mo na ang pag-bid na batay sa halaga, may ilang tool at pinakamahuhusay na kagawiang dapat tandaan para masiguradong hindi lilihis ang performance ng campaign mo. Basahin ang mga tip na ito sa pagsusukat ng performance ng Target na ROAS para sa mga detalye tungkol sa mga sumusunod:
- Ulat sa strategy sa pag-bid para sa mga naka-automate na strategy sa pag-bid
- Tantyahin ang iyong mga resulta gamit ang mga simulator ng bid, badyet, at target
- Tungkol sa mga seasonality adjustment
- Tungkol sa mga adjustment ng bid
- Tungkol sa mga pagbubukod ng data
- Tungkol sa mga modelo ng attribution