Tungkol sa mga pinahusay na conversion sa level ng account sa Google Ads

Ang mga pinahusay na conversion ay isang feature na puwedeng magpahusay sa katumpakan ng iyong pagsukat ng conversion at mag-unlock ng mas mahuhusay na pag-bid. Matuto pa Tungkol sa mga pinahusay na conversion.
Puwede kang mag-set up ng mga pinahusay na conversion sa level ng account sa iyong Google Ads account. Ang ibig sabihin nito, magagawa mong i-on ang mga pinahusay na conversion para sa iyong buong account at bawasan ang dami ng mga kailangang hakbang para mag-set up ng mga pinahusay na conversion.

Sa page na ito

Bago ka magsimula

Available ang mga pinahusay na conversion bilang setting sa level ng account. Mae-enable mo ang mga pinahusay na conversion sa iyong account kung:

  • Nakapag-set up ka na dati ng mga pinahusay na conversion sa level ng pagkilos na conversion.
  • Mayroon ka lang isang paraan ng pagpapatupad (sa iyong mga kasalukuyang pagkilos na conversion) kung saan naka-enable ang mga pinahusay na conversion. Halimbawa, kung ang Google tag o Google Ads API lang ang ginagamit mo bilang paraan ng pagpapatupad.
  • Naka-enable ang mga pinahusay na conversion sa parehong paraan ng pagpapatupad ng tag (sa mga kasalukuyan mong aksyon na conversion) na mayroon ka. Partikular dito, kung ginagamit mo ang mga paraan ng pagpapatupad ng Google tag at Google Tag Manager.
Kung hindi ka pa nakakapag-set up ng mga pinahusay na conversion, suriin ang Tungkol sa mga pinahusay na conversion para matuto pa tungkol sa kung paano mag-set up ng mga pinahusay na conversion para sa web o para sa mga lead.

Paano makakaapekto ang pagbabagong ito sa iyong mga pagkilos na conversion

Sa mga pinahusay na conversion sa level ng account, posibleng magpakita ang iyong mga pagkilos na conversion ng iba't ibang gawi batay sa paraan ng pagkaka-set up ng mga ito sa Google Ads. Suriin ang mga detalye sa ibaba para matuto pa tungkol sa kung paano makakaapekto sa iyo ang mga pinahusay na conversion sa level ng account.

Mga kasalukuyang pagkilos na conversion

Patuloy na makikinabang ang mga kasalukuyang pagkilos na conversion na nakapag-on na ng mga pinahusay na conversion sa mga pinahusay na conversion sa level ng account.

Ang mga kasalukuyang pinahusay na conversion na hindi nag-on ng mga pinahusay na conversion ay mag-e-enable nito gamit ang mga pinahusay na conversion sa level ng account, maliban na lang kung tahasang na-opt out ang pagkilos na conversion sa mga pinahusay na conversion.

Tandaang puwede ka ring gumawa ng mga karagdagang hakbang para matiyak na naibibigay sa angkop na paraan ang data ng mga pinahusay na conversion sa pamamagitan ng setup ng tag o setup ng API. Depende sa pagpapatupad, puwede mong suriin ang mga tagubiling ito para sa Google tag, Google Tag Manager o Google Ads API.

Mga bagong pagkilos na conversion

Ini-inherit ng mga bagong pagkilos na conversion ang mga setting sa level ng account para sa mga pinahusay na conversion. Halimbawa, kung naka-on ang mga pinahusay na conversion sa level ng account at ginagamit ang awtomatikong pangongolekta, naka-on din ang mga pinahusay na conversion ng mga bagong pagkilos na conversion na may awtomatikong pangongolekta bilang default.


Paano makakaapekto ang pagbabagong ito sa iyong mga setting ng Google tag

Gamit ang mga pinahusay na conversion sa level ng account, available sa buong mundo ang mga setting ng Google tag para sa mga pinahusay na conversion sa lahat ng pagkilos na conversion, sa halip na paisa-isa para sa bawat pagkilos na conversion. Ibig sabihin, ang mga pinahusay na conversion ay may mga setting sa lahat ng tag na kapareho ng sa lahat ng iba pang feature ng Google Ads at destinasyon ng tag, tulad ngmga pinahusay na conversion para sa mga lead at Google Analytics 4.

Mga bagong setting ng Google tag

Kung hindi ka pa nag-configure ng anumang setting ng Google tag para sa mga produkto o feature sa labas ng mga pinahusay na conversion, awtomatikong gagawa ng mga bagong pangkalahatang setting para sa iyong tag sa pamamagitan ng pagsasama sa kasalukuyan mong mga setting ng tag ng pinahusay na conversion sa level ng pagkilos na conversion. Ilalapat ang mga setting ng Google tag na ito sa lahat ng pagkilos na conversion na gumagamit ng mga pinahusay na conversion, at ibabahagi rin sa anumang produkto o feature ng Google na gagamit ng iyong tag sa hinaharap.

Kasalukuyang mga setting ng Google tag

Kung na-configure mo na ang mga setting ng Google para sa iba pang produkto o feature, tulad ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead o Google Analytics, awtomatikong isasama at ime-merge ang iyong mga setting ng Google tag mula sa mga pinahusay na conversion sa level ng pagkilos na conversion sa iyong mga kasalukuyang setting sa level ng tag:

Pamahalaan ang iyong mga setting ng Google tag

Puwede mong pamahalaan ang lahat ng iyong setting at destinasyon ng Google tag anumang oras mula sa Data Manager ng Google Ads. Puwede mo ring i-access ang iyong mga setting ng Google tag mula sa mga setting ng mga pinahusay na conversion sa level ng account.


Piliin ang iyong paraan ng pagpapatupad sa level ng account

Kailangan ng ilang kasalukuyang customer ng mga pinahusay na conversion na pumili ng paraan para sa pangongolekta ng data na ibinigay ng user para i-ugprade ang kanilang account sa mga pinahusay na conversion sa level ng account. Ang paraang pipiliin mo para sa mga pinahusay na conversion sa level ng account ay ilalapat sa lahat ng bago at kasalukuyang pagkilos na conversion. Bilang resulta, hindi na mangongolekta ng data na ibinigay ng user para sa mga pinahusay na conversion ang lahat ng iba pang paraan, kaya inirerekomenda naming piliin ang paraang pinakaginagamit mo ngayon para sa mga pinahusay na conversion para maiwasan ang anumang pagbabago sa performance ng iyong mga pinahusay na conversion.

May 3 available na paraan na mapagpipilian: Google tag, Google Tag Manager, o Google Ads API. Kung kasalukuyang gumagamit ang iyong account ng Google tag at Google Tag Manager para sa mga pinahusay na conversion sa iyong mga pagkilos na conversion, subukang sundin ang mga tagubiling ito para i-set up ang iyong Google tag sa Google Tag Manager. Pagkatapos, puwede mong gamitin ang Google Tag Manager para mangolekta ng data na ibinigay ng user para sa lahat ng iyong pagkilos na conversion.

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para i-upgrade ang iyong account sa mga pinahusay na conversion sa level ng account sa Google Ads:

  1. Pumunta sa Mga Setting sa menu na Mga Layunin Icon ng Mga Layunin.
  2. I-expand ang seksyong “Mga pinahusay na conversion.”
  3. Pumili ng paraan ng pag-set up at pamamahala ng data na ibinigay ng user.

Kung wala kang gagawin bago ang Agosto 2025, awtomatikong pipili ang Google ng paraan batay sa iyong kasalukuyang setup ng mga pinahusay na conversion at ia-upgrade nito ang account mo para gamitin ang mga pinahusay na conversion sa level ng account.


Mag-opt in o mag-opt out sa mga pinahusay na conversion sa level ng account

Kung mayroon kang mga pagkilos na conversion na hindi inilipat sa mga pinahusay na conversion sa level ng account, puwede mong i-opt in ang mga iyon mula sa iyong Google Ads account. Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-opt in sa mga pinahusay na conversion sa level ng account sa Google Ads.

Kung magpapasya kang hindi para sa iyo ang mga pinahusay na conversion sa level ng account, puwede kang mag-opt out sa mga partikular na pagkilos na conversion. Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-opt out sa mga pinahusay na conversion sa level ng account sa Google Ads.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
9345630196846816769
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false