Pickup later with product data

Nagbibigay-daan sa iyo ang i-pickup sa ibang pagkakataon na magbigay ng direktang online to offline na karanasan para sa iyong mga customer. Para sa mga item na puwedeng i-pick up sa store sa loob ng partikular na SLA anuman ang availability nito sa store, nagbibigay-daan sa iyo ang pickup later na magamit ang mga store mo bilang omnichannel na asset at differentiator. Hindi tulad ng ibang produkto sa store, hindi nire-require ng pickup later ang buong impormasyon ng imbentaryo.

Para ipatupad ang pickup later with product data, dapat mong matugunan ang mga susunod na requirement:

  • In-stock dapat ang attribute na availability [availability] ng iyong mga produkto.
  • Dapat mong matukoy kung alin sa iyong mga store location ang kwalipikadong mag-fulfill ng mga online na order.
  • Dapat mong ma-fulfill ang mga order na pag-pick up sa store kahit walang pisikal na stock ang produkto sa iyong mga store location.

Tandaan: Para makapagsumite ng impormasyon ng imbentaryo na partikular sa iba't ibang store, ipatupad ang pickup later with in-store inventory data.

Mahalaga: Available ang Pickup Later sa mga ad ng lokal na imbentaryo sa lahat ng sinusuportahang bansa. Sinusuportahan din ang feature ng mga libreng lokal na listing sa Argentina, Australia, Brazil, Canada, Chile, Colombia, India, Japan, Mexico, at United States.

Sa page na ito


Mga requirement sa website

Para maging kwalipikado para sa pickup later with product data, dapat matugunan ng iyong website ang mga sumusunod na requirement sa mga desktop at mobile device, kasama na ang mga tablet:

  • Dapat magbigay ng opsyong mag-pick up ng produkto: Dapat ipakita ng landing page o flow ng pag-check out ang opsyong i-pick up ang produkto sa ibang araw.
  • Ang SLA ng pag-pick up ay dapat: Kapag ipinapakita ang opsyong pag-pick up sa iyong website, malinaw dapat kung kailan magiging available na i-pick up ang item. Hindi kailangang ipakita ng SLA ng pag-pick up ang mga oras na bukas ang iyong store. Kung 3 araw ang SLA ng pag-pick mo pero sarado ang iyong store sa pangatlong araw, awtomatiko naming ipapakita ang susunod na available na araw ng pag-pick up sa Google. Panatilihing up-to-date ang store hours mo sa iyong naka-link na profile ng negosyo.
  • Payagan ang mga customer na piliin ang store kung saan ipapadala ang kanilang order: Dapat mapili ng customer kung sa aling store ipapadala ang isang produkto
  • Payagan ang mga customer na kumpletuhin ang kanilang order sa iyong website: Dapat makabili o makapagpareserba ng produkto ang mga customer sa pamamagitan ng website mo para sa pag-pick up.
  • Kung sinisingil ito, ipakita ang pickup fee: Kung may anumang dagdag na singil para sa pag-pick up, malinaw dapat ito. Puwede itong ipakita sa flow ng pag-check out. Para sa mas detalyadong pangkalahatang-ideya kung ano ang bumubuo ng misrepresentasyon, kumonsulta sa aming patakaran sa misrepresentasyon.
  • Dapat magbigay ng kumpirmasyon sa pag-pick up: Dapat magbigay ng notification kapag handa nang ma-pick up ang order (halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapadala ng email o SMS).
  • Dapat magpakita ng opsyon sa fulfillment bago maglagay ng anumang impormasyon sa pagbabayad: Payagan ang mga customer na tingnan ang iyong mga opsyon sa fulfillment bago mag-check out. Para sa mas detalyadong pangkalahatang-ideya kung ano ang bumubuo ng misrepresentasyon, kumonsulta sa aming patakaran sa misrepresentasyon.

Mga rekomendasyon sa website

Bukod pa sa mga requirement sa website sa itaas, inirerekomenda namin ang sumusunod:

  • Huwag hingin sa mga customer na gumawa ng account bago ipakita ang iyong mga opsyon sa fulfillment (halimbawa: magbigay ng opsyong “mag-checkout bilang bisita”).
  • Huwag i-require ang mga customer na maglagay ng impormasyon ng address bago ipakita ang iyong mga opsyon sa fulfillment.

Mga requirement sa data

Bukod pa sa mga requirement sa data source para sa mga Shopping ad, dapat mong idagdag ang mga sumusunod na attribute sa iyong pangunahing data source:

Attribute Optional o required Mga posibleng value Tandaan
SLA ng pag-pick up [pickup_sla] Nire-require

next_day

2-day

3-day

4-day

5-day

6-day

multi-week

Halimbawang text/tab delimited na multi-week

Halimbawang XML na <g:pickup_sla>multi-week</g:pickup_sla>

Huwag isumite ang mga sumusunod na value:

  • same day

Isumite ang maximum na tagal ng oras na aabutin para ma-fulfill mo ang isang online na order sa isa sa iyong mga store.

Tip: Puwede mong itakda ang SLA ng pag-pick up na [pickup_sla] sa multi-week kung gusto mong magpakita ng nakatakdang anotasyon, ire-render ng ad ang anotasyong “Pag-pick up sa store.”
Tandaan: Simula sa Setyembre 1, 2024, kailangan mo lang isumite ang SLA ng pag-pick up [pickup_sla] para sa iyong setup para sa pag-pick up. Opsyonal na ngayon ang attribute na Paraan ng pag-pick up [pickup_method]; inirerekomenda naming huwag itong isama.

Pumili ng mga kalahok na lokasyon ng Profile ng Negosyo

Bilang default, ipapakita ng Google ang mga store location mo sa naka-link na grupo ayon sa lokasyon ng Profile ng Negosyo.

Kung kwalipikado ang lahat ng iyong store location para mag-fulfill ng mga online na order, piliin ang grupo ayon sa lokasyon ng Profile ng Negosyo na naglalaman ng lahat ng store location mo sa oras ng pag-link ng account.

Kung bahagi lang ng iyong mga lokasyon ng tindahan ang kwalipikadong mag-fulfill ng mga online na order, isaayos ang mga tindahang ito sa hiwalay na grupo ayon sa lokasyon. Sa panahon ng pag-link ng account, piliin ang grupo ng lokasyon na ito.

Kung hindi mo maisaayos ang iyong mga store location ayon sa mga grupo, makipag-ugnayan sa aming team ng suporta sa pamamagitan ng pagsagot sa form na Makipag-ugnayan sa amin at pagpili sa “Gusto kong huwag isama ang ilan sa mga store ko sa paghahatid ng mga ad para sa pickup later.” Sa ilalim ng “Magbigay ng listahan ng mga code at address ng store para sa iyong mga lokasyon na hindi nag-aalok ng opsyon para sa mga user na i-pick up ang (mga) produkto nila,” tukuyin ang mga code at address ng store ng mga lokasyong hindi kwalipikadong payagan ang mga user na i-pick up ang mga produkto mo.


Mag-opt in sa pickup later with product data

Para sa pickup later with product data, kailangang na-activate mo na ang add-on na mga ad ng lokal na imbentaryo o mga libreng lokal na listing. Kapag handa na ito, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation.

Step 2 Piliin ang Mga Add-on.

Step 3 Sa card na "Mga libreng lokal na listing" o “Mga ad ng lokal na imbentaryo,” i-click ang Pumunta sa Mga libreng lokal na listing o Pumunta sa Mga ad ng lokal na imbentaryo.

Step 4 I-click ang Ipakita sa akin sa tabi ng bansa kung saan mo gustong i-set up ang pickup later with product data.

Step 5 Idagdag ang iyong mga store.

Piliin ang "Iyong availability ng produkto sa store."

Piliin ang "Ipaalam sa mga customer na puwede akong magpadala ng mga produkto sa mga store.”

Magdagdag ng URL na nagpapakita ng page ng produkto na may impormasyon ng pickup later.

Kung hindi ka pa nakakapagsimula sa onboarding, sundin ang gabay sa pagpapatupad.

Status ng pagsusuri ng pickup later with product data

Pagkatapos ibigay ang halimbawang URL ng produkto, susuriin ng Google ang landing page para masigurado na nandito ang lahat ng requirement. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para makita ang status:

 Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation.

Step 2 Piliin ang Mga Add-on.

Step 3 Sa card na "Mga libreng lokal na listing" o “Mga ad ng lokal na imbentaryo,” i-click ang Pumunta sa Mga libreng lokal na listing o Pumunta sa Mga ad ng lokal na imbentaryo.
Step 4 I-click ang Ipakita sa akin sa tabi ng bansa kung saan mo gustong tingnan ang status.
Step 5 Piliin ang "Iyong experience sa pag-pick up (Opsyonal)."
Lagyan ng check ang icon sa tabi ng “Puwede itong i-pick up ng mga customer sa ibang pagkakataon sa isang store.”

Puwedeng ipakita ng iyong status ng pickup later ang mga sumusunod:

  • Na-verify: Wala nang kailangang gawin.
  • Sinusuri: Bumalik sa lalong madaling panahon. Sinusuri ang URL para sa iyong web page. Puwedeng abutin nang hanggang isang linggo ang prosesong ito.
  • Mag-request ng pagsusuri: Sinuri at tinanggihian ng Google ang iyong URL. Siguraduhing nakakatugon ang iyong URL at negosyo sa mga requirement para sa pickup later at gumawa ng anumang kinakailangang update. Pagkatapos, isumite ulit ang halimbawang URL ng produkto mo.
  • Kailangan ng aksyon: Invalid na URL ang isinumite. Suriin at i-update ang ibinigay na link at i-click ang I-save.

Lumipat sa experience sa landing page papunta sa at mula sa pickup later with product data

Kung nasuri na ang iyong experience sa page ng produkto o kasalukuyan itong sinusuri at gusto mo itong gawing pickup later with product data, o kung nakapag-onboard ka na sa pickup later with product data at gusto mong gawing pickup later with in-store inventory data ang experience sa page ng produkto mo, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

Lumipat sa pickup later with product data

Tandaan: Inirerekomenda ang aksyong ito kung hindi nakakatugon ang iyong website sa store-specific product pages with in-store availability and price o sa product pages with in-store availability, pero natutugunan nito ang mga requirement para sa pickup later. Mangangailangan ng karagdagang pag-verify bago mag-redirect ang iyong mga ad sa mga page ng produkto mo para sa pickup later.

Alisin ang kasalukuyan mong setup ng mga ad ng lokal na imbentaryo at mga libreng lokal na listing

 Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation.

Step 2 Piliin ang Mga Add-on.

Step 3 Sa card na "Libreng lokal na imbentaryo" at “Mga ad ng lokal na imbentaryo,” i-click ang Pumunta sa Libreng lokal na imbentaryo o Pumunta sa Mga ad ng lokal na imbentaryo.

Step 4 Sa tabi ng bansang gusto mong alisin, i-click ang I-delete at kumpirmahin ang napiling ito.

  • Tandaan: Kung ito ang huling bansa sa iyong set up, aalisin ang add-on para sa Mga Ad ng Lokal na Imbentaryo o Mga libreng lokal na listing at kakailanganin itong i-enable ulit.

Simulan ang iyong proseso ng onboarding sa pickup later with product data

  Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation at piliin ang Mga Add-on.

Step 2 Kung na-delete mo ang lahat ng bansa sa nakaraang hakbang, i-click ang tab na Tumuklas at i-enable ang add-on na "Mga libreng lokal na listing" o “Mga ad ng lokal na imbentaryo.” Kung mayroon ka pa ring mga naka-enable na bansa, piliin ang Iyong mga add-on.

Step 3 Sa card na "Mga libreng lokal na listing" o “Mga ad ng lokal na imbentaryo,” i-click ang Pumunta sa Mga libreng lokal na listing o Pumunta sa Mga ad ng lokal na imbentaryo, sa tabi ng bansa kung saan mo gustong i-set up ang pickup later with product data.

Step 4 Idagdag ang iyong mga store.

Step 5 Piliin ang "Iyong availability ng produkto sa store."

Piliin ang "Ipaalam sa mga customer na puwede akong magpadala ng mga produkto sa mga store."

Magdagdag ng URL na nagpapakita ng page ng produkto na may impormasyon ng pickup later.

Idagdag ang required na attribute na: SLA ng pag-pick up [pickup_SLA] at paraan ng pag-pick up [pickup_method] kung kailangan, sa iyong pangunahing data source o data source ng imbentaryo.

Lumipat sa pickup later with in-store inventory data

Tandaan: Inirerekomenda ang aksyong ito para sa mga advertiser na handang i-promote ang imbentaryo nila sa store. Mangangailangan ng karagdagang pag-verify bago mag-redirect ang iyong mga ad sa mga page ng produkto mo para sa pickup later.

Alisin ang kasalukuyan mong setup ng mga ad ng lokal na imbentaryo at mga libreng lokal na listing

 Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation.

Step 2 Piliin ang Mga Add-on.

Step 3 Sa card na "Mga libreng lokal na listing" o “Mga ad ng lokal na imbentaryo,” i-click ang Pumunta sa Mga libreng lokal na listing o Pumunta sa Mga ad ng lokal na imbentaryo.

Step 4 Sa tabi ng bansang gusto mong alisin, i-click ang I-delete para kumpirmahin ang napiling ito.

Step 5 Kung ito ang huling bansa sa iyong set up, aalisin ang add-on para sa Mga libreng lokal na listing o Mga Ad ng Lokal na Imbentaryo at kakailanganin itong i-enable ulit.

Simulan ang iyong proseso ng onboarding sa pickup later with in-store inventory data

Kung wala kang aktibong bansa sa iyong account, i-enable muna ang add-on na Mga libreng lokal na listing o Mga ad ng lokal na imbentaryo. Sundin ang gabay sa pagpapatupad para sa mga ad ng lokal na imbentaryo at sa hakbang 6, piliin ang Puwede itong i-pick up ng mga customer sa ibang pagkakataon sa isang store. Kung may opsyon ding pickup today ang iyong website, puwede mo ring piliin ang Puwede itong i-pick up ng mga customer sa pareho o susunod na araw bilang panterno sa pickup later.


Mga madalas itanong

Paano gumagana ang pickup later with product data?

Gagawa ang Google ng mga entry ng imbentaryo para sa bawat produkto para sa bawat isa sa mga store sa naka-link mong grupo ng lokasyon. Dahil maipapadala mo sa bawat isa sa mga store mo ang iyong mga produktong nakasaad sa pangunahing data source mo, papayagan ka ng Google na i-advertise ang mga produktong iyon para sa bawat isa sa mga store, kasama na ang isang SLA tungkol sa kung gaano katagal ang aabutin bago mo maipadala ang produkto sa store.

Puwede ba akong mag-advertise ng mga produktong namarkahang "out of stock" sa pangunahin kong data source para sa pickup later with product data?

Hindi. Hindi kwalipikado para sa pickup later with product data ang mga produktong may availability na “out of stock” sa iyong pangunahing data source.

Sa pickup later with product data, makakagawa ka ng mga ad, na nagpapakita ng iyong mga lokal na produkto para sa mga item mong available online. Dahil puwedeng ipadala ang iyong mga produktong available online sa mga store mo, puwede mong i-advertise ang mga produkto kasama ang SLA tungkol sa kung gaano katagal ang aabutin bago maipadala ang mga produktong ito sa lahat ng iyong store. Para gumana ang feature na ito, kailangang mafu-fulfill ang produkto online. Sa pamamagitan nito, magagarantiyahan ng Google na puwedeng magsagawa ng transaksyon sa produkto.

Gamit ang pickup later with product data sa Merchant Center account ko, makakapag-advertise din ba ako ng imbentaryong may stock?

Sa pamamagitan ng mga produktong na-enable sa pamamagitan ng pickup later with product data, puwede ka lang magpakita ng mga produktong puwedeng i-pick up sa iyong mga store, nasa store man ang item o wala sa oras na ginawa ang order. Sa pickup later para sa mga Shopping ad, hindi ka puwedeng mag-advertise ng aktwal na imbentaryo sa iyong mga store. Para makapag-advertise sa pamamagitan ng i-pick up sa ibang pagkakataon para sa mga Shopping ad, kakailanganin mong i-enable ang card ng programa ng mga ad ng lokal na imbentaryo sa iyong Merchant Center account. Para makapag-advertise ng anumang may stock sa iyong mga tindahan, kailangan mong mag-set up ng mga ad ng lokal na imbentaryo gaya ng nakasaad sa aming gabay sa pagpapatupad.

Ano ang dapat kong gawin kung may ilang produkto na hindi maipapadala sa lahat ng store ko?

Hindi kwalipikado para pickup later para sa mga Shopping ad ang mga produktong hindi maipapadala sa lahat ng lokasyon sa naka-link mong grupo ng lokasyon. Itakda ang paraan ng pag-pick up sa “not supported” para sa mga produktong ito. Para magsumite ng mga partikular na attribute ng store para sa SLA ng pag-pick up [pickup_SLA] at paraan ng pag-pick up [pickup_method], sumangguni sa paano ipatupad ang pickup later gamit ang mga ad ng lokal na imbentaryo.

Puwede ba akong magsumite ng mga partikular na SLA para sa iba't ibang store gamit ang pickup later with product data?

Hindi, sa pickup later with product data, puwede mo lang itakda ang maximum na SLA para sa lahat ng iyong store. Ibig sabihin nito, kung puwedeng ipadala ang isang produkto sa karamihan ng iyong mga store sa loob ng 3 araw, pero posible itong abutin nang 4 na araw para sa ilang store, kailangan mong isumite ang SLA para sa produktong ito bilang “4-day.” Para magsumite ng mga attribute para sa SLA ng pag-pick up [pickup_SLA] at paraan ng pag-pick up [pickup_method] na partikular sa store, tingnan kung paano ipatupad ang pickup later gamit ang mga ad ng lokal na imbentaryo.

Paano ko makikilala ang mga alok ko na pickup later Google Ads?

Lalabas ang pickup later with product data bilang Segment na Uri ng pag-click na “Shopping - Produkto - Lokal.” Ipapakita sa Google Ads ang mga ad na na-enable sa pamamagitan ng pickup later with product data nang kaparehong-kapareho ng mga ad ng lokal na imbentaryo. Matuto pa tungkol sa kung paano magsama ng lokal na imbentaryo sa isang Google Shopping campaign.

Puwede ko bang gamitin ang pickup later with product data kasama ng mga ad ng lokal na imbentaryo habang nagbibigay rin ng impormasyon tungkol sa imbentaryo at pickup_sla sa pamamagitan ng data source ng imbentaryo?

Oo. Para magamit ang pickup later para sa mga Shopping ad kasabay ng data source ng imbentaryo, dapat mong iwasang magbigay ng hindi magkatugmang impormasyon sa pangunahing data source at data source ng imbentaryo: Halimbawa, kung nakatakdang "in_stock" ang isang produkto sa pangunahing data source at mayroon din itong mga value ng pickup later (hal., nakatakda ang pickup_method sa “ship to store” at nakatakda ang pickup_SLA sa “3-day”), mangingibabaw ang impormasyon mula sa data source ng imbentaryo. Samakatuwid, ang mga produktong nasa data source ng lokal na imbentaryo ay babalewalain sa pickup later mula sa pangunahing data source.

Puwede ko bang isumite ang mga kinakailangang attribute para sa pickup later para sa mga Shopping ad sa pamamagitan ng content API for shopping ng Google?

Oo, puwede kang magsumite ng impormasyon ng produkto para sa pickup later sa mga Shopping ad. Gayunpaman, kakailanganin mong isumite ulit ang lahat ng nire-require na impormasyon ng produkto, kasama ang ID [id], title [title], image link [image_link], at iba pa, sa pamamagitan ng method na product.insert nang nakatakda ang channel sa "local."

Sa pamamagitan ng paggamit sa local inventory insert API, puwede mo ring isumite ang mga attribute ng pickup later, SLA ng pag-pick up [pickup_sla], at paraan ng pag-pick up [pickup_method]. Tandaan na required ang field na “storeCode”. Puwede mong idagdag ang mga kaugnay na code ng tindahan sa iyong account ng Profile ng Negosyo o idagdag ito mula mismo sa Google Search. Matuto pa tungkol sa kung paano magsumite ng impormasyon ng produkto sa pamamagitan ng Content API for Shopping.

Tandaan na ang mga attribute na nire-require para sa pickup later para sa mga Shopping ad ay hindi sinusuportahan kapag nakatakda ang channel sa "online."

Mahalaga: Nakatakda dapat ang availability ng mga alok bilang “out of stock”.

Paano ako makakapag-migrate sa pickup later with in-store inventory data mula sa pickup later with shopping data?

Puwede ka naming tulungan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang form na ito. Tandaan na pareho naming nire-require ang impormasyon ng ‘quantity’ at ‘availability’ sa data source ng imbentaryo.
May limitasyon ba sa bilang ng mga alok o store na puwede kong isumite para sa pickup later with product data?

Kung lampas sa aming mga quota ang imbentaryo para sa pag-pick up sa ibang pagkakataon na awtomatikong ginawa mula sa produkto mo, makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team ng suporta para talakayin ang mga susunod na hakbang.

Itinakda ang mga quota para maging sapat para sa karamihan ng mga retailer at inaasahan namin na sa mga bihirang sitwasyon lang malalampasan ang quota.

Ano ang mangyayari kung lalampas ako sa limitasyon ko?

Kahit na naisumite na ang mga attribute ng pag-pick up, hindi lahat ng iyong produkto ay awtomatikong makakagawa ng imbentaryo para sa pag-pick up sa ibang pagkakataon kapag nalampasan na ang limitasyon sa quota.

Tutukuyin ang mga produktong ito sa pamamagitan ng isyung nawawalang imbentaryo sa page na “Diagnostics” ng mga ad ng lokal na imbentaryo.

Ano ang dapat kong gawin kung sa hinala ko ay nalampasan na ang limitasyon ko?

Kung lumampas na ang iyong account sa limitasyon para sa awtomatikong nabuong imbentaryo para sa pag-pick up sa ibang pagkakataon, direktang makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team ng suporta o ang kinatawan mo ng Google.

Kung nalampasan na ang iyong limitasyon, gagabayan ka ng aming team ng suporta sa mga susunod na hakbang. Posibleng kasama rito ang pag-aalis sa attribute na pag-pick up sa ilang produkto o paglimita sa bilang ng mga tindahan kung saan puwedeng awtomatikong bumuo ng imbentaryo. Kung hindi mababawasan ang quota sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, baka kailanganin naming i-pause ang awtomatikong pagbuo ng imbentaryo para sa lahat ng produkto, na hahantong sa pag-aalis ng lahat ng awtomatikong ginawang imbentaryo.

Puwede ba akong gumamit ng pickup later with product data bukod pa sa Regional availability and pricing?

Oo. Baka gumagamit ka ng Regional availability and pricing para matukoy ang mga rehiyon kung saan available ang iyong mga produkto at makontrol ang pricing ayon sa rehiyon.

I-enable ang pag-pick up

Para i-enable ang pag-pick up sa iyong Merchant Center, kakailanganin mong sundin ang mga hakbang na ito:

Mahalaga: I-activate ang lokal na add-on at ang add-on na Advanced na pamamahala ng data source.

  Step 1 Sa iyong Merchant Center account, i-click ang Mga Setting Tools and setting menu icon [Gear] sa kaliwang menu ng navigation.

Step 2 Piliin ang Mga data source.

Step 3 I-click ang pangalan ng iyong pangunahing data source, pagkatapos ay i-click ang Pag-set up ng data source.

Step 3 Sa ilalim ng "Mga paraan ng marketing," i-unselect ang mga sumusunod na checkbox:

  • Lahat para sa mga pisikal na tindahan
  • Mga libreng lokal na listing
  • Mga ad ng lokal na imbentaryo

Step 4 Gumawa ng kopya ng iyong kasalukuyang pangunahing data ng produkto sa pamamagitan ng pagsusumite ng parehong data pero may ibang Feed label.

Step 5 Sa kopyang ito, baguhin ang attribute na "Availability" para maitakda ito sa "in stock" para sa lahat ng iyong produkto na puwede mong ipadala sa iyong mga store. Para baguhin ang mga value ng availability, alamin kung paano I-set up ang iyong mga panuntunan sa attribute.

Sa iyong kopya ng data ng produkto mo na may bagong Feed label, siguraduhing mga ad ng lokal na imbentaryo lang ang napili bilang "Paraan ng marketing" sa pamamagitan ng pag-click sa Pag-set up ng data source. Kapag na-deselect ang "Lahat para sa online store," awtomatikong madi-disable ang mga sumusunod na program:

  • Mga libreng listing
  • Mga Shopping ad
  • Mga Display ad
Tandaan:
  • Available lang ang mga feed label habang gumagawa ng bagong data source kung na-enable mo ang "Advanced na pamamahala ng data source" sa ilalim ng "Mga Add-on."
  • Kapag gumagawa ka ng bagong product data source, mapipili mo ang bansa, wika, mga paraan ng marketing, at feed label. Gayunpaman, kapag nagawa na ang isang product data source, hindi mo mababago ang wika o feed label.

Sa setup na ito, matatapos mo ang iyong onboarding sa pickup later with product data. Puwedeng abutin nang 24-48 oras sa average bago lumabas bilang mga ad ng lokal na imbentaryo ang mga alok na napili mo para sa pickup later. Siguraduhing kasama sa iyong mga campaign sa Google Ads ang mga bagong produkto mula sa kopya ng data ng produkto mo.

Mga produktong may regional availability and pricing

Kung balak mong i-target ang iyong mga produktong may regional availability and pricing at mga ad ng lokal na imbentaryo gamit ang parehong campaign, suriin ang mga sumusunod na hakbang:

Step 1 Suriin ang Mga setting ng campaign mo para sa lahat ng iyong campaign para masigurado na hindi ka nagta-target ng partikular na feed label.

Step 2 Kung gumagamit ka ng mga regular Shopping campaign, siguraduhing naka-enable para sa lokal ang iyong mga campaign. Awtomatikong isinasama ng mga Performance Max campaign ang mga produkto sa lokal na imbentaryo kapag ginagamit ang lahat ng Feed label.

Hiwalay na campaign para sa mga ad ng lokal na imbentaryo

Kung balak mong gumamit ng hiwalay na campaign para sa mga ad ng lokal na imbentaryo, ang mga sumusunod na hakbang ang gamitin:

Step 1 Para sa iyong mga kasalukuyang campaign ng Regional availability and pricing, siguraduhin na ang gagamitin mo lang ay ang feed label ng iyong orihinal na data ng produkto sa ilalim ng Mga setting ng campaign.

Step 2 Gumawa ng bagong campaign para sa iyong mga produktong may mga ad ng lokal na imbentaryo sa pamamagitan ng pagpili sa feed label para sa kopya ng data ng produkto mo.

Maraming naka-activate na bansa para sa pag-pick up ang Merchant Center account ko. Paano ko masisigurado na sa mga nilalayong bansa lang gagamitin ang mga alok?

Kapag maraming bansa ang na-enable para sa pag-pick up sa pamamagitan ng isang Merchant Center account, puwedeng may hindi kinakailangang imbentaryo na magawa kung may magkakaibang data source ng produkto para sa iba't ibang bansa ang Merchant Center.

Mula sa pananaw ng paghahatid, ipapakita lang ang mga ad ng lokal na imbentaryo kapag may lokal na intent o kapag ang isang tao ay malapit sa isang store para masigurado na ang mga pinakakaugnay na ad lang ang makikita ng mga mamimili. Dahil dito, bihirang naipapakita sa mga mamimili ang mga alok na mula sa mga hindi kinakailangang imbentaryo.

Para mas masigurado pa na hinding-hindi magagamit ang mga alok na ito, puwede mong sundin ang mga susunod na hakbang:

Tandaan: Kung nagpapatakbo ka sa maraming bansa, inirerekomenda naming gumamit ng setup ng MCA at magkaroon ng sub-account para sa bawat bansa.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10174043851714733888
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false