Mag-set up ng mga eksperimento sa Pagtaas para sa Performance Max

Puwede kang gumamit ng mga eksperimento sa Pagtaas ng Performance para sukatin ang pagtaas o incremental na pakinabang ng paggamit ng Performance Max sa iyong mga kasalukuyang Search, Video, at Display campaign. Para mag-set up ng mga eksperimento sa Pagtaas para sa Performance Max:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Eksperimento.
  4. I-click ang Mga eksperimento sa Performance Max campaign.
  5. Para gumawa ng bagong eksperimento, i-click ang plus button , at pagkatapos ay i-click ang + Subukan ang pagtaas mula sa Performance Max.
  6. I-click ang Pumili ng campaign para pumili ng kasalukuyang Performance Max campaign para sa eksperimento. Tandaang mga aktibong campaign lang ang puwede mong piliin para sa mga eksperimento sa Pagtaas. Kung gusto mong gumawa ng bagong campaign para sa iyong eksperimento, i-click ang Gumawa ng bago.
  7. I-click ang Kumpirmahin.
    • Sa seksyong “Performance Max (treatment),” susubukan ang pinili mong campaign sa isang awtomatikong piniling listahan ng mga naihahambing na campaign. Puwede mong i-update ang listahang ito sa hinaharap.
  8. Mula sa seksyong “Paghahati ng trapiko,” piliin ang porsyento ng paghahati ng trapiko bilang “Treatment group” at “Control group.”
    • Tandaan: 50% ang paghahati ng trapiko bilang default.
  9. I-click ang Susunod.
  10. Tingnan kung aling mga campaign ang nasa bawat grupo sa eksperimento sa seksyong “Mga test group.”
  11. Para i-rename ang iyong campaign, mag-click sa field na “Pangalan ng eksperimento.”
  12. I-click ang drop-down na “Petsa ng pagsisimula” para piliin ang petsa ng pagsisimula.
  13. I-click ang Iiskedyul.

Magsuri o mag-edit ng campaign na maihahambing sa isang dati nang Performance Max campaign

Bilang default, ibinubukod ang mga maihahambing na campaign sa pag-uulat. Ang iyong page ng Pag-uulat ay hindi magpapakita ng mga maihahambing na Performance Max campaign maliban na lang kung ie-enable mo ang pag-uulat ng maihahambing na campaign sa Google Ads.

Habang isinasagawa ang eksperimento, kailangan mong manual na i-edit ang mga maihahambing na campaign, dahil kung hindi, Google ang pipili ng mga maihahambing na campaign para sa iyo. Kapag tapos na ang eksperimento, hindi mo na madaragdagan o maaalis ang iyong mga maihahambing na campaign.

  • Tingnan ang mga resulta katabi ng mga maihahambing na campaign: Para malaman ang performance ng iyong eksperimento kung ihahambing sa mga katulad na campaign, i-enable ang toggle na "Tingnan ang Mga Resulta na may Mga Maihahambing na Campaign" sa pag-uulat sa Google Ads.
  • I-edit ang mga maihahambing na campaign (hanggang matapos ang eksperimento): May ganap kang kontrol sa kung aling mga campaign ang itinuturing na "maihahambing" sa buong eksperimento. I-edit lang ang mga pinili mo sa iyong mga eksperimento sa Performance Max. Kung hindi ka manual na mamimili ng mga maihahambing na campaign, awtomatikong pipili ang Google para sa iyo. Kapag tapos na ang eksperimento, hindi ka na makapagdaragdag o makakapag-alis ng mga maihahambing na campaign sa mga resulta.
Mahalaga: Aabutin ito nang isang araw pagkatapos simulang i-populate ng eksperimento ang listahan ng mga maihahambing na campaign na awtomatikong pinili para sa eksperimento. Kapag na-populate na ang listahan, makakakuha ka ng opsyong i-edit ang listahan ng maihahambing na campaign, at magdagdag o mag-alis ng anumang campaign sa iyong eksperimento. Magagawa mo ang mga pagbabagong ito hanggang matapos ang eksperimento. Matuto pa tungkol sa mga maihahambing na campaign.

 

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11960262292847318294
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false