Mga tip sa pag-optimize para sa mga Performance Max campaign para sa mga online na benta (hindi shopping)

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Gumagamit ang Performance Max ng Google AI para tulungan kang maparami ang mga conversion at mapataas ang halaga sa pamamagitan ng pag-bid, pag-target, mga creative, at attribution. Dinisenyo ito para gumana sa maraming iba't ibang layunin sa marketing at media channel. Dahil dito, inirerekomenda naming gamitin ang mga sumusunod na tip para makatulong na i-set up ang iyong mga Performance Max campaign para sa mga online na benta (hindi shopping) para magtagumpay.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang pinakamahuhusay na kagawian para sa mga Performance Max campaign para sa mga online na benta (hindi shopping).

Para sa karagdagang pinakamahuhusay na kagawian, tingnan ang:


Pag-set up ng campaign

  • Tagal ng campaign: Paganahin ang mga campaign nang hindi bababa sa 6 na linggo para bigyan ng panahon ang Google AI na maghanda at mag-curate ng sapat na data para mapaghambing ang performance.
  • Signal ng audience: Ang Performance Max ay pinapagana ng Google AI. Gumamit ng mga nauugnay na listahan ng audience bilang mga signal para pabilisin ang paghahanda ng Google AI at makatulong na mapahusay ang mga resulta ng iyong campaign. Gumamit ng mga listahan ng remarketing, custom intent, Customer Match, at mga katulad na segment bilang mga signal.
Tulad ng inanunsyo noong Nobyembre 1, 2022, ililipat ang Mga Katulad na Audience sa mga mas matatag na solusyon. Nagsimula ang mga pagbabago noong Mayo 1, 2023, na nakaapekto sa paraan ng paggamit sa mga katulad na segment sa Google Ads. Matuto pa tungkol sa mga pagbabago sa pag-target ng audience.
  • Mga Asset: Gumamit ng maraming asset hangga't posible. Magdagdag sa iyong ad group ng hindi bababa sa 20 asset na text (15 headline, 5 paglalarawan), hindi bababa sa 7 asset para sa imahe (3 landscape na larawan, 3 kwadradong larawan, at 1 portrait na larawan), at magdagdag ng hindi bababa sa 1 asset na video (sarili mo o video na ginawa gamit ang tool sa paggawa ng video sa panahon ng pag-set up ng campaign). Matuto pa tungkol sa kung paano Gumawa ng grupo ng asset.
  • Grupo ng Asset: Pinaghihiwalay ang mga grupo ng asset ayon sa content/kategorya/tema/wika o target na audience - puwede kang magkaroon ng maraming grupo sa iisang campaign.

Mga Creative

  • De-kalidad na creative: Ang creative ang pinakamahusay mong tool para makatulong na humimok ng performance at nagbibigay-daan ito sa iyong i-customize ang campaign para mag-promote ng mga bagong produkto o bagong alok. Para sa pinakamagagandang resulta, tumuon sa pagbibigay ng natatanging content.
  • I-refresh nang maayos ang creative: Ang creative ang pinakamahusay mong tool para humimok ng performance, at nagbibigay-daan ito sa iyong i-customize ang mga ad mo sa mga nauugnay na audience.
    • Oras ng Pagbuwelo: Bigyan ang iyong mga asset ng pagkakataong bumwelo para sa performance - maglaan ng 3-4 na linggo para ma-develop ang performance at mga insight bago i-optimize ang kumbinasyon ng mga bahagi ng iyong creative.
    • Mga Asset na Hindi Mahusay ang Performance: Isang mahusay na panuntunan ang pagtingin sa mga rating ng iyong asset isang beses kada quarter para i-refresh ang mga partikular na lumang asset o asset na “hindi mahusay" ang performance kung kinakailangan. Tandaan, puwede mong palitan ang mga asset na “Hindi mahusay” pagkatapos ng 3-4 na linggo, pero tandaan na puwedeng magresulta sa pag-iiba-iba ng performance ang madalas na pagbabago.
    • Mga weekend sale: Simulan ang campaign nang maaga nang 2-3 linggo, madalas na i-refresh ang iyong creative para lumipat mula sa mas pangkalahatang creative ng tindahan papunta sa creative na nakatuon sa pagbebenta. Gamit ang diskarteng ito, makakagawa ka ng mga promosyong may oras nang hindi nakokompromiso ang performance.
  • Visual na Imbentaryo: Gumagamit ang mga customer ng mga visual na source online para sa magkaroon ng inspirasyon sa kung ano ang bibilhin nila. Gumamit ng visual na imbentaryo para mag-target ng mga bagong customer.

Pag-uulat

  • Kalidad ng ad: Makikita ang kalidad ng ad sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Ad sa drop-down na “Campaign” mula sa kaliwang bahagi ng menung page, pagkatapos ay suriin ang column na “Kalidad ng ad.” Ang sukatan ay mula “Hindi Mahusay” hanggang “Napakahusay.” Gamitin ang indicator ng “Kalidad ng Ad” para malaman kung naka-set up para magtagumpay ang isang grupo ng asset.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
6648506350139761757
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false