Tungkol sa mga diagnostic ng produkto

Pinapaganda ng mga diagnostic ng produkto ang kalidad ng data ng produkto mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insight sa kung aling mga produkto ang puwedeng maipakita as mga ad at kung alin ang hindi, na makakatulong na mas mapadaling tukuyin kung aling mga produkto ang nangangailangan ng iyong atensyon. Available ang mga status na ito sa level ng account, campaign, asset, at ad group. Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga posibleng status ng produkto na puwedeng lumabas, ang ibig sabihin ng mga ito, at kung paano tugunan ang mga ito.

Kapag tinitingnan ang mga diagnostic ng produkto para sa isang partikular na campaign, makakakita ka lang ng impormasyon tungkol sa mga produktong kasama sa campaign na iyon. Sa level ng account, makakakita ka ng impormasyon ng produkto para sa lahat ng iyong Shopping at Performance Max campaign.

Mga Tagubilin

Para mahanap kung alin sa mga produkto mo ang puwedeng ipakita sa mga ad at kung alin ang hindi, kakailanganin mong mag-navigate sa tab na “Mga Diagnostic” para ma-assess ang lahat ng iyong produkto at ang mga status ng mga ito. Nasa ibaba ang step-by-step na mga tagubilin tungkol sa kung paano pumunta sa tab na “Mga Diagnostic.”

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Mga Produkto.
  2. I-click ang tab na Mga Diagnostic.
Tandaan: Bagama't nagbibigay ang page na “Mga Diagnostic” ng detalyadong breakdown ng mga status ng produkto, available din ang column na “Status ng produkto” sa ilalim ng subtab na “Mga Produkto.”

Tungkol sa mga status ng produkto at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito

Sa page na “Mga Diagnostic,” may makikita kang detalyadong ulat ng lahat ng status ng iyong mga produkto, kasama ang "Kwalipikado," "Kwalipikado (Limitado)," at "Hindi Kwalipikado." Available ang mga status na ito sa level ng account, campaign, asset, at ad group. Sumangguni sa impormasyon sa ibaba para malaman kung ano ang ibig sabihin ng bawat status at kung paano ito tutugunan. Para malaman kung aling mga isyu ang nagdudulot ng isang partikular na status ng produkto, tingnan ang column na “Mga Isyu” sa iyong talahanayan ng Mga Produkto.

Kwalipikado

Ang mga produktong may ganitong status ay aktibo at inihahatid gaya ng inaasahan. Wala nang pagkilos na kinakailangan.

Kwalipikado (limitado)

Nakakasunod ang mga produktong ito sa aming mga patakaran, gayunpaman, nakakaranas ang mga ito ng limitadong performance. Posibleng dahil ito sa mga nawawalang attribute ng produkto, mga setting ng campaign na puwedeng pahusayin, o pinaghihigpitang content na naglilimita kung saan at kailan maipapakita ang produkto.

Solusyon: Tingnan ang mga detalye ng produkto para malaman kung bakit nakakaranas ng limitadong performance ang iyong produkto.

Hindi kwalipikado

Puwedeng mangyari ang status na "Hindi kwalipikado" sa level ng account, campaign, asset, at ad group. Gayunpaman, posibleng iba't ibang isyu ang isinasaad ng status na ito, depende kung tinitingnan mo ang column na Status ng produkto sa level ng account o sa level ng campaign, asset, at ad group. Sumangguni sa mga talahanayan sa ibaba para matuto pa tungkol sa kung anong mga isyu ang posibleng ibig sabihin ng status na ito sa level ng account at campaign, asset, at ad group.

Mga isyung nagdudulot ng status na “Hindi kwalipikado” sa lahat ng level

Isyu

Solusyon

Lumalabag ang item sa mga patakaran sa mga Shopping ad. Dapat maaprubahan ang mga produkto bago magsimulang maihatid ang mga ito. Bisitahin ang page na “Mga Diagnostic” ng iyong Merchant Center account para malaman kung bakit hindi kwalipikado ang isang item at kung paano mo ito maaayos, at alamin ang tungkol sa mga hindi pag-apruba ng item dahil sa mga paglabag sa patakaranat data.

Naka-pause ang produkto. Matuto pa tungkol sa Pag-pause [pause] ng mga produkto.

Posibleng malutas ang mga produktong may isyung "naka-pause" sa pamamagitan ng pag-aalis ng attribute na Pause [pause] sa data ng produkto.

Wala nang stock ng produkto. Matuto pa tungkol sa Availability ng produkto.

Posibleng malutas ang mga produktong may isyung "Wala nang stock" sa pamamagitan ng:

  • Pagtatakda ng attribute na [availability] ng produkto sa may stock [in_stock] kapag available itong bilhin

Mga isyung nagdudulot ng status na “Hindi kwalipikado” sa level lang ng account

Sa level ng account, ikakategorya ang ilang isyu bilang “Walang campaign na nag-a-advertise ng produktong ito.” Sa level ng campaign, asset, at ad group, sa halip na “Walang campaign na nag-a-advertise ng produktong ito,” mas partikular na mga isyu ang makikita mo.

Mga isyung nagdudulot ng isyung “Walang campaign na nag-a-advertise ng produktong ito” sa level ng account

Isyu

Solusyon

Nakabinbin ang campaign.

Baguhin ang petsa ng pagsisimula ng campaign para magpakita ulit ng mga produkto.

Natapos na ang campaign.

Baguhin ang petsa ng pagtatapos ng campaign para magpakita ulit ng mga produkto.

Na-pause ang campaign.

I-enable ang campaign para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Na-pause ang ad group kung nasaan ang grupo ng produkto na ito.

I-enable ang ad group para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Na-pause ang grupo ng asset kung nasaan ang grupo ng produkto na ito.

I-enable ang grupo ng asset para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Ibinukod ang grupo ng produkto o listing.

Idagdag ang produkto sa isang grupo ng produkto o listing na kasama sa campaign.

Walang grupo ng produkto o listing kung saan kasama ang produktong ito.

Gumawa ng bagong ad group at grupo ng produkto para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Walang campaign kung saan kasalukuyang kasama ang produktong ito.

Gumawa ng bagong Shopping o Performance Max campaign kung saan kasama ang produktong ito o mag-edit ng kasalukuyang campaign para isama ang produktong ito.

Na-pause ang ad group kung nasaan ang grupo ng produkto na ito.

I-update ang filter ng imbentaryo ng iyong campaign para isama ang produktong ito.

Ang produktong ito ay nasa isang Demand Gen o Video campaign at naka-pause ang mga feed ng produkto.

Pumunta sa mga setting ng campaign at i-on ang mga feed ng produkto para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Mga isyung nagdudulot ng status na “Hindi kwalipikado” sa level ng campaign, asset, at ad group

Sa level ng campaign, asset, at ad group, magbibigay ang page na “Mga Diagnostic” ng mga partikular na detalye tungkol sa kung anong isyu ang nagdudulot ng status na "Hindi kwalipikado." Ibinabalangkas ng talahanayan sa ibaba ang mga posibleng paliwanag para sa status na "Hindi kwalipikado" sa level ng campaign at ad group.

Isyu Solusyon

Inalis ang campaign.

Tandaan na makikita mo lang ang paliwanag na ito para sa status na "Hindi kwalipikado" sa level ng campaign at ad group.

Gumawa ng bagong Shopping o Performance campaign para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Inalis ang ad group kung saan kasama ang produktong ito.

Tandaan na makikita mo lang ang paliwanag na ito para sa status na "Hindi kwalipikado" sa level ng campaign at ad group.

Gumawa ng bagong ad group para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Inalis ang grupo ng asset kung saan kasama ang produktong ito.

Tandaan na makikita mo lang ang paliwanag na ito para sa status na "Hindi kwalipikado" sa level ng campaign at grupo ng asset.

Gumawa ng bagong grupo ng asset para magsimulang magpakita ng mga produkto.
Na-pause ang campaign. I-enable ang campaign kung nasaan ang produkto.
Na-pause ang ad group na kung nasaan ang grupo ng produkto na ito (level ng ad group). I-enable ang ad group para magsimulang magpakita ng mga produkto.
Ibinukod ang grupo ng produkto o listing. I-enable ang grupo ng asset para magsimulang magpakita ng mga produkto.
Hindi kasama ang produkto sa anumang grupo ng produkto o listing. Isama ang produkto sa isang grupo ng produkto sa pamamagitan ng paglalagay ng manual na pag-bid o pagpili sa “Awtomatiko” sa column na “max. CPC.”
Hindi kasama ang produkto sa anumang grupo ng produkto. Gumawa ng bagong ad group at grupo ng produkto para magsimulang magpakita ng mga produkto.
Hindi kasama ang produkto sa anumang campaign. Gumawa ng bagong campaign kung saan kasama ang mga produktong ito o idagdag ang produkto sa kasalukuyang campaign.
Na-pause ang ad group kung saan kasama ang grupo ng produkto na ito (level ng campaign). I-update ang filter ng imbentaryo ng iyong campaign para isama ang produktong ito.
Ang produktong ito ay nasa isang Demand Gen o Video campaign at naka-pause ang mga feed ng produkto. Pumunta sa mga setting ng campaign at i-on ang mga feed ng produkto para magsimulang magpakita ng mga produkto.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
16903873249608813138
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false