Ang pag-customize ng text ay isang setting sa level ng campaign na available sa pamamagitan ng AI Max para sa mga Search campaign. Makakatulong sa iyo ang pag-enable sa setting para makabuo ka ng mga karagdagang asset (mga headline at paglalarawan) na gagamitin kasama ng mga asset na ilalagay mo para sa iyong mga responsive na search ad. Binubuo ang mga bagong asset na ito batay sa natatanging konteksto ng ad mo, kung saan kasama ang iyong domain, landing page, mga kasalukuyang ad, at mga keyword sa ad group mo. Gumagamit ang pag-customize ng text ng kumbinasyon ng mga technique sa pag-extract at generative AI para bumuo ng mga asset na mas nauugnay sa mga query sa paghahanap ng mga tao.
Tiyaking tumpak ang content ng iyong website, hindi mapanlinlang, at hindi lumalabag sa mga patakaran sa Google Ads o mga naaangkop na batas. Pagkatapos mong i-on ang pag-customize ng text, puwede mong subaybayan ang content ng ad mo para sa katumpakan sa ulat ng mga detalye ng asset.
Sa page na ito
- Mga benepisyo ng pag-customize ng text
- Paano gumagana ang pag-customize ng text
- Pinakamahuhusay na kagawian kapag gumagamit ng pag-customize ng text
- Magsimula sa pag-customize ng text
Mga benepisyo ng pag-customize ng text
- Performance: Pataasin ang performance ng mga responsive na search ad sa pamamagitan ng awtomatikong paggawa ng mas maraming headline at paglalarawan.
- Kaugnayan: Magbigay ng consistent na experience ng user sa lahat ng query, copy ng ad, at landing page.
- Pagiging produktibo: Bawasan ang dami ng manual na trabaho para gumawa ng may kaugnayang copy ng ad.
Paano gumagana ang pag-customize ng text
Bumubuo ang pag-customize ng text mula sa iyong mga kasalukuyang input para masigurado ang kaugnayan. Gumagamit ito ng kumbinasyon ng mga "light-touch" na technique sa pag-extract (halimbawa, pagkuha ng mga snippet mula sa mga pamagat, paglalarawan, at meta tag ng landing page) at teknolohiya ng generative AI na nakabatay sa content ng iyong landing page para masigurado na mananatiling tumpak at nauugnay ang mga ad mo. Puwedeng i-synthesize ng mga generative model ng Google ang libo-libong signal ng query, content ng landing page na maraming impormasyon, at sarili mong mga asset para gumawa ng mga bago at nauugnay na asset para sa mga query na hindi mo sana inasahan.
Garantisadong nauugnay sa iyong mga produkto at alok ang copy ng ad na binuo. Gumagamit kami ng mga advanced na modelo ng kalidad para suriin kung tumpak ang mga asset, na sumisigurado na nakabatay ang mga ito sa iyong mga natatanging offering ng produkto at content ng landing page, habang sinisigurado na mukhang propesyonal at nakakaengganyo ang mga ito. Halimbawa, hindi gagawa ang pag-customize ng text ng mga headline tungkol sa makeup, kung tungkol lang sa mga shampoo ang landing page.
Pana-panahong bumubuo ng mga asset para ipakita ang nagbabagong gawi ng user. Sinusuri ang mga asset - at nire-refresh ang mga ito kung kinakailangan - nang kahit bawat 48 oras para masigurado na patuloy na magiging tumpay ang mga ito. Halimbawa, kung magbabago ang iyong landing page, mare-refresh ang mga asset sa loob ng 48 oras. Bukod pa rito, ihahatid lang ang mga na-customize na asset na text ng Google kung na-predict na magiging mas mahusay ang performance ng mga ito kaysa sa mga headline at linya para sa paglalarawan na na-upload mo.
Para sa mga responsive na search ad sa loob ng mga campaign kung saan mo na-on ang pag-customize ng text, inuutusan mo ang Google na tulungan kang bumuo ng mga asset mula sa mga kwalipikadong source batay sa kaugnayan at tinantyang performance. Kapag kwalipikadong maihatid ang iyong ad para sa isang query, gagamitin ng mga responsive na search ad ang pool ng mga kwalipikadong asset na gawa ng advertiser at mga na-customize na asset na text ng Google, at ihahatid ang kumbinasyong inaasahang pinakamahusay na magpe-perform. Makikita ang mga na-customize na asset na text ng Google sa iyong rating ng Kalidad ng Ad ng mga responsive na search ad.
Sinusuportahan ng pag-customize ng text ang lahat ng wika sa Google Ads. Matuto pa Tungkol sa mga available na wika sa interface ng Google Ads.
Narito ang mga halimbawa ng kung paano gumagana ang iyong ad kapag naka-enable ang pag-customize ng text:
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Pinakamahuhusay na kagawian kapag gumagamit ng pag-customize ng text
- Siguraduhing tumpak ang content ng iyong website. Lubos na umaasa ang Google AI sa content na ito bilang source material nito. Siguraduhing up to date ang iyong mga landing page (mga pamagat, paglalarawan, at meta tag) at tumpak na kasama sa mga ito ang iyong mga natatanging selling point at offering na produkto. Tandaan ang mga patakaran sa Google Ads o mga naaangkop na batas at subaybayan ang content ng ad para sa katumpakan sa mga ulat ng detalye ng asset. Matuto pa tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian sa landing page.
- Panatilihin ang iyong mga headline at paglalarawang binuo ng advertiser. Ang mga gagawin mong headline at paglalarawan ng mga responsive na search ad ay ihahatid kasama ng mga na-customize na asset na text ng Google para makagawa ng mga responsive na search ad na na-predict na magbibigay ng pinakamahusay ng performance.
- Punan ang mga pagkukulang para maabot ang Kalidad ng Ad na Maganda+. Kayang pahusayin ng pag-customize ng text ang iyong pangkalahatang Rating ng kalidad ng ad para sa mga responsive na search ad, pero siguraduhing mananatili kang nakatuon sa pagpuno sa anumang natitirang pagkukulang.
- Gumamit ng pag-customize ng text kasama ng lahat ng pangunahing feature ng AI Max: Gumagana ang pag-customize ng text na parang "power duo" kasama ng Pagpapalawak ng Final URL (Final URL Expansion o FUE) para tulungan kang gumawa ng mga kaugnay na experience sa ad, at pinakamahusay ang mga ito kapag isinama sa pagtutugma ng termino para sa paghahanap (search term matching o STM). Nire-require ng FUE na naka-on ang pag-customize ng text, dahil posibleng maging hindi nauugnay ang mga asset na ibinigay ng advertiser dahil sa isang bagong napiling URL.
Magsimula sa pag-customize ng text
Puwede mong suriin ang mga resource sa ibaba para masulit ang pag-customize ng text sa iyong mga Search campaign.
Paano i-on o i-off ang pag-customize ng text
Puwede mong i-on o i-off ang pag-customize ng text habang gumagawa ng campaign, o kapag nagawa na ang isang campaign sa Google Ads.
Alamin kung paano i-on o i-off ang pag-customize ng text
Tingnan ang pag-uulat para sa pag-customize ng text
Puwede mong suriin ang mga sukatan sa level ng ad at campaign para matukoy ang epekto ng iyong mga nabuong asset mula sa column na “Idinagdag ng” sa Google Ads.
Alamin kung paano tingnan ang pag-uulat para sa pag-customize ng text
Mga madalas itanong tungkol sa pag-customize ng text
I-explore ang mga madalas itanong para sa detalyadong impormasyon at mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa pag-customize ng text.
Matuto pa tungkol sa mga madalas itanong tungkol sa pag-customize ng text