Nagbibigay ang Google Ads ng mahuhusay na solusyon sa pag-advertise para sa mga negosyo sa bawat industriya, at nagbibigay-daan sa iyo ang iba't ibang uri ng campaign na makapaghatid ng mga ad na tumutugma sa paraan ng paggamit ng mga tao ng content sa market mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang advanced na pag-target na maabot ang mga taong interesado sa maiaalok ng negosyo mo.
Nakabatay ang artikulong ito sa payo ng mga nangungunang advertiser na gumagamit ng Google Ads para hikayatin ang mga customer sa kanilang industriya. Hindi ito isang komprehensibong gabay, pero magandang magsimula rito ng pag-iisip ng strategy sa pag-advertise para sa iyong natatanging negosyo.
Retail
Mga uri ng campaign para sa mga retailer
Shopping: I-market ang iyong mga produkto gamit ang mga interactive na ad ng listing ng produkto sa Mga resulta ng paghahanap sa tab na Shopping ng Google.
|
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, gamit ang Web to App Connect, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Bago ka makagawa ng shopping campaign, kakailanganin mong gumawa ng Merchant Account at i-upload ang data ng iyong produkto gamit ang isang feed ng produkto.
Paano mag-set up ng feed ng produkto sa Merchant Center
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga feed ng produkto sa Merchant Center na i-upload ang impormasyon ng produkto mo at i-convert ang mga ito sa mga ad para sa iyong mga Shopping campaign. Nakabatay rin sa impormasyon ng iyong produkto ang pag-target, kaya lalabas ang mga ad mo para sa mga taong may ganoong mga partikular na interes sa produkto, sa mismong oras na hinahanap nila ang impormasyong iyon.
Pampinansyal, real estate, at iba pang propesyonal na serbisyo
Mga uri ng campaign para sa pampinansyal, real estate, at propesyonal na serbisyo
Nagbibigay ang mga Search campaign ng napakataas na antas ng pag-target, dahil maaabot mo ang mga taong aktibong naghahanap ng iyong mga serbisyo sa mga search engine at nauugnay na website. Angkop na angkop ang diskarteng ito sa pagiging partikular ng mga alok sa mga propesyonal na serbisyo. |
|
Nagpapakita ang mga Display campaign ng mga ad sa Google Display Network, para maabot mo ang mga tao habang nagba-browse sila ng kanilang paboritong website, tumitingin ng kanilang Gmail account, gumagamit ng kanilang mga mobile device at app, o tumitingin at nagbabahagi ng mga YouTube video. |
|
Magandang opsyon ang mga ad ng Local Services kung nag-aalok ka ng mga serbisyong batay sa lokasyon, kabilang ang mga serbisyo para sa pampinansyal na pagpaplano, legal na konsultasyon, pagkukumpuni ng bahay at nauugnay na maintenance, real estate, at event. Lumalabas ang mga ad na ito sa itaas ng Google Search at nagbibigay ng mga direktang lead sa anyong mga tawag o mensahe sa telepono. (Available lang sa U.S. ang ganitong uri ng ad) |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Performance Max campaign na madaling i-access ang lahat ng imbentaryo ng Google Ads mula sa isang campaign sa YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Sa tulong ng Google AI at Smart Bidding, nakakatulong ito sa iyong ma-maximize ang performance at makapaghatid ng mga resulta ayon sa mga layuning pinakamahalaga sa iyo sa buong hanay ng mga channel, imbentaryo, at format ng Google. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, gamit ang Web to App Connect, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Pag-target
Gamit ang pag-target ng audience, naipapakita ang iyong mga ad sa mga partikular na segment, halimbawa, sa mga taong tumutugma sa mga kategoryang “Banking at Finance,” “Mga Investor,” “Bahay at Hardin,” “Kagandahan at Wellness,” “Mga Lifestyle at Hilig.” | |
Gamitin ang mga feed ng data ng negosyo sa mga Display campaign para gumawa ng mga dynamic na remarketing ad— kung saan kasama ang mga produkto o serbisyong tiningnan ng mga tao sa iyong website o app—na na-customize para maging pinakanauugnay. Halimbawa, kung nasa real estate ka, puwede kang gumawa ng feed gamit ang template ng data ng negosyo sa Real Estate para magpakita ng mga ad na may mga larawan at presyo ng real estate. |
Media at Entertainment
Mga uri ng mga campaign para sa media at entertainment
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga video campaign na magpakita ng mga video ad nang mag-isa o sa loob ng iba pang content ng streaming video sa YouTube at sa buong Google Display Network. Magandang opsyon ang mga ito para sa mga media at entertainment company dahil binuo ang mga ito gamit ang mga video ad na batay sa engagement na lumalabas sa YouTube at sa mga website at app ng partner sa Video ng Google. |
|
Pinapadali ng mga App campaign ang pag-promote ng iyong mga app sa Google Search, Google Play, YouTube, Discover sa Google Search, at Google Display Network. Hindi mo kailangang magdisenyo ng mga indibidwal na ad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang linya ng text, isang bid, at ilang asset, lalabas ang mga ad na idinisenyo ng AI sa ilang network sa iba't ibang format. Maganda ang mga App campaign para sa mga gaming company at iba pang uri ng mga negosyong gustong mag-promote ng kanilang video game at iba pang app, na may layuning humimok ng mga pag-install, in-app na aktibidad, o pre-registration. |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Performance Max campaign na madaling i-access ang lahat ng imbentaryo ng Google Ads mula sa isang campaign sa YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Sa tulong ng Google AI at Smart Bidding, nakakatulong ito sa iyong i-maximize ang performance at maghatid ng mga resulta laban sa mga layuning pinakamahalaga sa iyo sa buong hanay ng mga channel, imbentaryo, at format ng Google. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Pag-target
Gumamit ng pag-target ng audience para ipakita ang iyong mga ad sa mga partikular na audience, halimbawa, sa mga taong tumutugma sa mga kategoryang “Mahihilig sa Action Game,” “Media at Entertainment,” “Mga Gamer,” “Balita at Pulitika,” “Mahihilig sa Pusa,” at “Mahihilig sa Aso.” Gamit ang mga video ad, baka gusto mong gumamit ng malawak na pag-target, halimbawa, mga campaign na Cost-per-thousand impression (CPM) na pag-bid at TrueView para sa Abot at mga Masthead ad sa YouTube para makakuha ng maraming panonood hangga't posible at magbigay ng kaalaman tungkol sa isang paparating na palabas, feature film, atbp. Para makahikayat ng mas maraming niche na audience, gumamit ng pag-target ng audience tulad ng binanggit sa talatang nasa itaas o gumamit ng pag-target ng content. |
|
Gamitin ang mga feed ng data ng negosyo sa mga Display campaign para gumawa ng mga dynamic na remarketing ad— kung saan kasama ang mga produkto o serbisyong tiningnan ng mga tao sa iyong website o app—na na-customize para maging pinakanauugnay. Halimbawa, kung isa kang media company, puwede kang gumawa ng Custom na feed na nagpapakita ng mga iniangkop na ad sa mga taong pinakamalamang na maging interesado sa iyong programming. |
Edukasyon
Mga uri ng ad na posibleng kapaki-pakinabang
Pagkakasunod-sunod ng video: Gamit ang mga ad ng pagkakasunod-sunod ng video ad sa mga Video campaign, puwede kang magpakita ng isang serye ng mga video para magkuwento tungkol sa iyong pang-edukasyong institusyon o serbisyo. Puwede mo ring pag-isipang gumawa ng Channel sa Youtube na may ilang pang-edukasyong content. Magandang ipares ito sa content ng ad na humihimok sa mga potensyal na customer at dati nang customer na magpunta sa channel ito para sa higit pang engagement sa iyong brand. |
|
Mga Dynamic na Search ad: Gamit ang mga Dynamic na Search ad, puwede mong ipakita ang ilan sa iyong mga kurso sa isang simple at madaling maintindihang ad sa mga taong naghahanap sa Google at gumagamit ng mga parirala sa paghahanap na nauugnay sa mga pamagat at madalas na gamiting parirala sa website mo. |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Performance Max campaign na madaling i-access ang lahat ng imbentaryo ng Google Ads mula sa isang campaign sa YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Sa tulong ng Google AI at Smart Bidding, nakakatulong ito sa iyong i-maximize ang performance at maghatid ng mga resulta laban sa mga layuning pinakamahalaga sa iyo sa buong hanay ng mga channel, imbentaryo, at format ng Google. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Pag-target
Gumamit ng pag-target ng audience para ipakita ang iyong mga ad sa mga partikular na audience, halimbawa, sa mga taong tumutugma sa mga kategoryang “Edukasyon,” “Teknolohiya at Edukasyon,” “Mga Paaralang Elementarya at Sekondarya,” “Edukasyong Pang-negosyo,” “Post-Secondary na Edukasyon,” “Early Childhood Education,” “Edukasyon sa Sining at Disenyo,” at “Edukasyon at Pagsasanay sa Cosmetology.” | |
Gamitin ang mga feed ng data ng negosyo sa mga Display campaign para gumawa ng mga dynamic na remarketing ad— kung saan kasama ang mga produkto o serbisyong tiningnan ng mga tao sa iyong website o app—na na-customize para maging pinakanauugnay. Halimbawa, kung nasa larangan ka ng edukasyon, puwede mong gamitin ang template ng data ng negosyo sa Edukasyon para gumawa ng feed na tutulong sa iyong magpakita ng mga iniangkop na ad sa mga taong malamang na maging interesado sa mga kurso mo. |
Pangangalagang Pangkalusugan at Life Sciences
Mga uri ng mga campaign para sa pangangalagang pangkalusugan at life sciences
Dinisenyo ang mga Local campaign para hikayatin ang mga customer na pumunta sa iyong brick-and-mortar na lokasyon—isa man itong opisina para sa serbisyong medikal o dental, opisina para sa health insurance, o iba pang uri ng negosyo para sa pangangalagang pangkalusugan. |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Performance Max campaign na madaling i-access ang lahat ng imbentaryo ng Google Ads mula sa isang campaign sa YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Sa tulong ng Google AI at Smart Bidding, nakakatulong ito sa iyong i-maximize ang performance at maghatid ng mga resulta laban sa mga layuning pinakamahalaga sa iyo sa buong hanay ng mga channel, imbentaryo, at format ng Google. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Pag-target
Gumamit ng pag-target ng audience para ipakita ang iyong mga ad sa mga partikular na audience, halimbawa, sa mga taong tumutugma sa mga kategoryang “Health Insurance” at “Mga Plan sa Health Insurance.” | |
Gamitin ang mga feed ng data ng negosyo sa mga Display campaign para gumawa ng mga dynamic na remarketing ad— kung saan kasama ang mga produkto o serbisyong tiningnan ng mga tao sa iyong website o app—na na-customize para maging pinakanauugnay. Halimbawa, kung nasa larangan ka ng pangangalagang pangkalusugan o life sciences, magagamit mo ang Custom na template ng data ng negosyo para gumawa ng feed na tutulong sa iyong magpakita ng mga iniangkop na ad sa mga taong posibleng interesado sa mga serbisyo o produkto mo. |
Paglalakbay, Matutuluyan, at Kainan
Gumagawa ang mga Hotel campaign ng mga dynamic na ad na lumalabas kapag may biyaherong naghahanap ng hotel sa Google Search, Google Maps, o Google Assistant. Lumalabas ang mga ad na ito sa isang module sa pag-book ng hotel na puwedeng magsama ng mga larawan at detalye, tulad ng pagpepresyo, mga amenity, at mga link para sa pag-book ng hotel. |
|
Nagpapakita ang mga Display campaign ng mga ad sa Google Display Network, para maabot mo ang mga tao habang nagba-browse sila ng kanilang paboritong website, tumitingin ng kanilang Gmail account, gumagamit ng kanilang mga mobile device at app, o tumitingin at nagbabahagi ng mga YouTube video. Para maiwasan ang matinding kumpetisyon kapag nagpo-promote ng mga serbisyo o produktong nauugnay sa paglalakbay, gamitin ang Display Network para mag-publish ng mga banner sa milyon-milyong website sa buong mundo na may partikular na pag-target para sa mga taong interesado sa mga partikular na lungsod o lugar. |
|
Ginagamit ng mga Demand Gen campaign ang audience ng Google at mga signal ng customer para magpakita ng mga naka-personalize at lubos na visual na ad sa mga taong handang makipag-ugnayan sa iyong brand. Nakasalalay ang mga format ng ad sa Google AI para mabuo at maipakita nang maganda ang iyong mga asset sa lahat ng device, habang bina-browse ng mga tao ang kanilang paboritong content at mga experience na nakabatay sa feed. |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga video campaign na magpakita ng mga video ad nang mag-isa o sa loob ng iba pang content ng streaming video sa YouTube at sa buong Google Display Network. Magandang opsyon ang mga video ad para sa pag-advertise ng paglalakbay at matutuluyan na nilayon para magpakita ng magagandang tanawin at atraksyon, mga perk at amenity na mas detalyado at mas kaaakit-akit sa paningin. |
|
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Performance Max campaign na madaling i-access ang lahat ng imbentaryo ng Google Ads mula sa isang campaign sa YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Sa tulong ng Google AI at Smart Bidding, nakakatulong ito sa iyong i-maximize ang performance at maghatid ng mga resulta laban sa mga layuning pinakamahalaga sa iyo sa buong hanay ng mga channel, imbentaryo, at format ng Google. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
Pag-target
Gumamit ng pag-target ng audience para ipakita ang iyong mga ad sa mga partikular na audience, halimbawa, sa mga taong tumutugma sa mga kategoryang “Paglalakbay,” “Mga Pamilyang Bakasyonista,” “Mahihilig sa Water Sports,” “Paglalakbay sa Himpapawid,” at “Mga Hotel at Matutuluyan.” | |
Gamitin ang mga feed ng data ng negosyo sa mga Display campaign para gumawa ng mga dynamic na remarketing ad— kung saan kasama ang mga produkto o serbisyong tiningnan ng mga tao sa iyong website o app—na na-customize para maging pinakanauugnay. Halimbawa, kung nag-a-advertise ka ng Mga Flight, Mga Hotel at Rental, o Paglalakbay, magagamit mo ang alinman sa mga template ng data ng negosyo na iyon para gumawa ng feed na tutulong sa iyong magpakita ng mga iniangkop na ad sa mga taong pinakamalamang na maging interesado sa mga serbisyo o produkto mo. |
|
I-optimize ang mga campaign at makakuha ng average na dalawang beses na mas mataas na mga rate ng conversion1 sa pamamagitan ng pagtiyak na nagdidirekta rin ng trapiko sa iyong app ang mga kasalukuyan mong web campaign, kasama ang iyong mga Search at Performance Max campaign, kung na-install ito ng user. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pangkalahatang view sa data mo, mas marami kang magagawa para mapahusay ang strategy ng negosyo at makapaghatid sa iyong mga customer, kasama ang pagpapahusay sa profitability, pagbabawas sa mga gastusin sa customer service, pagpapataas ng average na halaga ng order (average order value o AOV), at pagpapanatili ng pinakapositibong saloobin ng customer na posible. |
1. Internal na Data ng Google, Pandaigdigan, Eksperimento noong Peb-Marso 2022.