Tungkol sa mga pagbubukod ng data

Gumagamit ang Smart Bidding ng data ng mga conversion at halaga ng conversion sa Google Ads para makatulong na maabot ang iyong mga layunin. Kung mayroon kang anumang isyu sa pagsubaybay sa conversion, puwede kang gumamit ng mga pagbubukod ng data para makatulong na mabawasan ang posibleng epekto ng mga isyung ito sa Performance ng Smart Bidding.

Tandaan: Hindi sinusuportahan ang mga pagbubukod ng data sa mga Hotel at Travel campaign.

Paano ito gumagana

Ang mga pagbubukod ng data ay isang advanced na tool na tumutulong sa iyong maipaalam sa strategy mo sa Smart Bidding na may isyu sa data ng conversion, para makatulong na mabawasan ang epekto sa performance.

Kabilang sa mga isyu sa conversion na puwedeng makaapekto sa Smart Bidding ang anumang dahilan para maging mali ang mga iniulat na conversion o halaga ng conversion sa Google Ads. Halimbawa:

  • Mga isyu sa pag-tag
  • Mga outage ng website
  • Mga isyu sa pag-import ng data
Halimbawa: Kung hindi sinasadyang naalis ang isang tag sa iyong site, posibleng hindi nasubaybayan ng Google Ads ang iyong mga conversion. Puwede mong ibukod ang data na naapektuhan ng nawawalang tag para makatulong na mabawasan ang posibleng epekto sa performance ng biglaang pagbaba na ito sa pag-uulat ng conversion sa Smart Bidding. Tandaang hindi ginagarantiya ng paglalapat ng pagbubukod ng data na hindi makakaranas ng mga pagbabago-bago sa performance ang iyong mga campaign.

Available ang mga pagbubukod ng data para sa Smart Bidding para sa mga Search, Display, Shopping, at Performance Max campaign. Alamin kung paano Gumamit ng mga pagbubukod ng data.

Tip: Alamin kung paano Gumamit ng mga pagbubukod ng data.

Mga tagubilin para magdagdag ng mga pagbubukod ng data

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga badyet at pag-bid sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Adjustment.
  4. Piliin ang tab na Mga Pagbubukod sa itaas.
  5. I-click ang plus button para magdagdag ng bagong pagbubukod ng data.
  6. Sa tabi ng “Mga Setting,” maglagay ng pangalan at paglalarawan.
  7. Ilagay ang petsa at oras ng pagsisimula at petsa at oras ng pagtatapos para sa data na gusto mong ibukod. Dahil puwedeng i-attribute ang mga conversion sa mga pag-click sa nakaraan, pumili ng hanay ng petsa na nagsasaalang-alang sa karaniwang pagkaantala ng conversion.
  8. Sa tabi ng "Saklaw," pumili ng mga campaign at device para sa adjustment na ito. Puwede kang pumili ng mga indibidwal na campaign na ibubukod o piliin ang buong account.
  9. Piliin ang mga device na ibubukod. Halimbawa, puwedeng sa pagsubaybay sa mobile lang nakaapekto ang isyu sa conversion.
  10. I-click ang I-save.
  11. Posibleng mabago ng mga pagbubukod ng data ang performance ng iyong mga diskarte sa pag-bid. Bago ka gumawa ng pagbubukod, kumpirmahing tama ang impormasyon. I-click ang Gumawa ng pagbubukod ng data.
  12. Puwedeng ilapat ang mga pagbubukod ng data sa level ng MCC o sub account. Nakabatay sa time zone ng account ang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos.
Tip: Kapag naglapat ka ng mga pagbubukod ng data, puwede mong itakda ang badyet ng iyong campaign para maging mas malapit ito sa dating paggastos nito sa loob ng ilang cycle ng conversion para maiwasang gumastos nang lampas sa kumportable kang gastusin.

Ano ang dapat malaman tungkol sa mga pagbubukod ng data

Magagamit lang ang mga pagbubukod ng data sa mga strategy sa Smart Bidding na batay sa mga conversion at halaga ng conversion. Tandaan ang pinakamahuhusay na kagawian at mahahalagang bagay sa ibaba kapag gumagamit ng mga pagbubukod ng data: Alamin kung paano Gumamit ng mga pagbubukod ng data.

  • Mga pagbubukod ng data na nalalapat sa mga pag-click: Dapat ibukod ng iyong mga pagbubukod ng data ang mga pag-click kung saan puwedeng i-attribute ang mga naapektuhang conversion. Kapag ibinukod ang mga pag-click na ito, ibubukod din ang mga nauugnay na conversion.
  • Nalalapat ang mga pagbubukod ng data sa karamihan ng mga uri ng campaign: Kung naglapat ka ng pagbubukod para sa buong account, ibubukod ang mga conversion para sa Search, Display, Shopping Network, at Performance Max campaign.
  • Hindi sinusuportahan ang mga pagbubukod ng data sa mga Hotel campaign.
  • Hindi nakakaapekto ang mga pagbubukod ng data sa pag-uulat ng conversion: Nakakaapekto lang ang mga pagbubukod ng data sa data na ginagamit ng Smart Bidding. Makikita mo pa rin ang mga nakabukod na conversion na ito sa iyong pag-uulat.
  • Puwedeng abutin nang hanggang isang linggo bago ganap na maproseso ang mga pagbubukod ng data. Pansamantala, iminumungkahi naming i-adjust ang mga target na CPA o ROAS para maabot ang gustong performance, habang tinitiyak na nakatakda sa mga katanggap-tanggap na level ang mga badyet.
Tandaan: Sa pangkalahatan, hindi namin inirerekomendang mag-backfill ng data, pati na sa sitwasyon kung saan may outage ng data, dahil puwede itong magkaroon ng direktang epekto sa performance ng iyong pag-bid sa Search at Shopping. Sa mga sitwasyon kung saan may itinakdang pagbubukod ng data sa yugto ng panahon, posible ang pag-backfill para sa mga layunin ng pag-uulat pero pagkatapos lang maghintay ng 14 na araw pagkalapat ng pagbubukod ng data. Sa sitwasyong ito, lubos naming hindi inirerekomendang alisin ang pagbubukod ng data.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10874767494726929686
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
false
false