Posibleng nahihirapan ang Google Maps na hanapin ang iyong lokasyon. Kung hindi tumpak o nawawala ang lokasyon sa GPS ng iyong asul na tuldok sa mapa, puwede kang gumawa ng mga hakbang na makakatulong na ayusin ang problema.
Tip: Papahusayin din ng mga hakbang na ito ang mga resulta ng paghahanap mo at gagawin nitong mas may kaugnayan sa iyo ang mga ito.
Hanapin ang iyong kasalukuyang lokasyon sa mapa
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Aking lokasyon . Ipinapakita ng asul na tuldok ang iyong lokasyon.
Paano hinahanap ng Maps ang kasalukuyan mong lokasyon
Bigyan ng pahintulot sa lokasyon ang Maps
Para igitna ang mapa sa kung nasaan ka, dapat mong bigyan ang Maps ng pahintulot na hanapin ang iyong lokasyon.
Sa macOS, posibleng kailanganin mong i-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon para sa iyong browser bago ka makakapagbigay ng pahintulot sa Maps sa browser mo:
- Sa iyong computer, buksan ang System Preferences Security & Privacy Preferences Privacy Location Services.
- Para payagan ang mga pagbabago, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang lock.
- Sa tabi ng "Enable Location Services," lagyan ng check ang kahon.
- Sa tabi ng iyong browser, lagyan ng check ang kahon.
- Bigyan ang Maps ng pahintulot sa lokasyon sa iyong browser.
Bigyan ng pahintulot sa lokasyon ang Maps sa iyong browser
Chrome- Sa iyong computer, buksan ang Chrome at pumunta sa Google Maps.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Aking lokasyon .
- Kung hiniling sa iyong ibahagi ang lokasyon mo, piliin ang Payagan.
- Kung lalabas ang asul na tuldok at ipapakita nito ang iyong lokasyon, mayroon nang pahintulot sa lokasyon ang Maps sa browser mo.
- Kung may mensaheng nagsasabing "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," magpatuloy sa mga susunod na hakbang.
- Sa search bar, i-click ang Aking lokasyon .
- Lagyan ng check ang Palaging payagan ang http://www.google.com na i-access ang iyong lokasyon.
- I-refresh ang iyong browser.
- Sa iyong computer, buksan ang Firefox at pumunta sa Google Maps.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Aking lokasyon .
- Kapag hiniling na ibahagi ang iyong lokasyon, piliin ang Payagan o Payagan ang access sa lokasyon.
- Baka "Ipakita ang iyong lokasyon" ang makita mo.
- Kung lalabas ang asul na tuldok at ipapakita nito ang iyong lokasyon, mayroon nang pahintulot sa lokasyon ang Maps sa browser mo.
- Kung may mensaheng nagsasabing "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," magpatuloy sa mga susunod na hakbang.
- Sa search bar, i-click ang Aking lokasyon .
- I-click ang Pansamantalang naka-block .
- I-refresh ang iyong browser.
- Sa iyong computer, buksan ang Safari at pumunta sa Google Maps.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Aking lokasyon .
- May hihiling dapat sa iyong ibahagi ang lokasyon mo. Piliin ang Payagan.
- Kung lalabas ang asul na tuldok at ipapakita nito ang iyong lokasyon, mayroon nang pahintulot sa lokasyon ang Maps sa browser mo.
- Kung may mensaheng nagsasabing "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," magpatuloy sa mga susunod na hakbang.
- Sa search bar, i-click ang Aking lokasyon .
- Lagyan ng check ang Palaging payagan ang http://www.google.com na i-access ang iyong lokasyon.
- I-refresh ang iyong browser.
- Sa iyong computer, buksan ang Microsoft Edge at pumunta sa Google Maps.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Aking lokasyon .
- Kung hiniling sa iyong ibahagi ang lokasyon mo, piliin ang Payagan.
- Kung lalabas ang asul na tuldok at ipapakita nito ang iyong lokasyon, mayroon nang pahintulot sa lokasyon ang Maps sa browser mo.
- Kung may mensaheng nagsasabing "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," magpatuloy sa mga susunod na hakbang.
- Sa kaliwa ng web address, i-click ang Lock .
- I-click ang Mga pahintulot para sa site na ito.
- Sa kanan ng "Lokasyon," piliin ang Payagan.
- I-reload ang page ng Google Maps at i-click ang Aking lokasyon .
Higit pang paraan para gawing mas tumpak ang lokasyon
Kung may makukuha kang error tulad ng "Hindi matukoy ang iyong lokasyon" o kung mali pa rin ang lokasyon mo, narito ang ilang hakbang na puwede mong gawin:
- I-reload ang iyong browser (tulad ng Chrome, Firefox, o Safari).
- Tingnan para matiyak na malakas ang iyong koneksyon sa internet.
- I-double check ang mga setting ng pahintulot ng iyong browser gamit ang mga tagubilin sa itaas.
- I-restart ang iyong computer.
Makita ang iyong lokasyon sa ibang site at app
Para makita sa ibang site at app ang iyong lokasyon sa Google Maps, sundin ang mga hakbang sa itaas. Gayunpaman, magiging iba ang ilang feature:
- Gagamit ka ng ibang site o app, hindi ng Google Maps
- Dapat ka munang magbigay ng pahintulot sa lokasyon sa site o app na ginagamit, hindi sa Google Maps.
- Kung Google Chrome o Safari ang bubuksan mo, makikita mo lang ang iyong lokasyon sa mga secure na web page. Makikita mo ang "https" sa address bar.