Isulat-kamay sa iyong keyboard

Puwede kang mag-sulat-kamay ng mga salita sa iyong keyboard para maglagay ng text.

Tandaan: Hindi sa lahat ng wika ay magagamit ang sulat-kamay.

I-on ang Sulat-kamay

  1. Sa iyong Android phone o tablet, magbukas ng anumang app na puwede mong gamitin para mag-type, tulad ng Gmail o Keep.
  2. Mag-tap kung saan ka maaaring maglagay ng text. Lilitaw ang iyong keyboard sa ibaba ng screen.
  3. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng keyboard, i-tap ang Buksan ang menu ng mga feature Buksan ang menu ng mga feature.
  4. I-tap ang Mga Setting Mga Setting.
    • Kung hindi mo nakikita ang Mga Setting: I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  5. I-tap ang Mga Wika at pagkatapos ang wikang gusto mong gamitin.
  6. Mag-swipe pakanan at i-on ang layout ng Sulat-Kamay. Kung hindi mo nakikita, hindi magagamit ang Sulat-Kamay para sa iyong wika.
  7. I-tap ang Tapos na.

Pumili ng keyboard ng Sulat-kamay

  1. Sa iyong Android phone o tablet, magbukas ng anumang app na puwede mong gamitin para mag-type, tulad ng Gmail o Keep.
  2. Mag-tap kung saan ka maaaring maglagay ng text. Lilitaw ang iyong keyboard sa ibaba ng screen.
  3. Pindutin nang matagal ang Globe Globo.
  4. Pumili ng keyboard ng sulat-kamay, tulad ng English (US) na Sulat-kamay . Ang iyong keyboard ay magiging isang blangkong lugar sa pagsusulat kung saan maaari kang magpasok ng mga salita.
  5. Gamit ang isang daliri o stylus, mag-sulat-kamay ng mga salita sa keyboard para maglagay ng text.

Tip: Sa karamihan ng mga wika, hinuhulaan ng Gboard kung kailangan mo ng espasyo. Kung may nakaligtaang isa ito, i-tap ang Spacebar sa ibaba ng iyong screen.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
516170589000477325
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false