Gamitin ang iyong keyboard

Puwede kang maglagay ng text at gumamit ng mga larawan, gaya ng mga emoji at GIF. Mababago mo ang wika ng iyong keyboard nang hindi binabago ang wika ng mobile device mo. Puwede kang mag-sulat-kamay ng mga salita sa iyong keyboard para maglagay ng text.

Mahalaga: Available ang Gboard para sa mga iPhone at iPad na may iOS 9 at pataas.

Magsimula sa Gboard

Sumulat gamit ang Gboard

  1. Sa iyong iPhone o iPad, i-install ang Gboard.
  2. Buksan ang anumang app na maaari mong gamitin para sumulat, tulad ng Gmail o Keep.
  3. Mag-tap kung saan ka puwedeng maglagay ng text. Mula rito, magagawa mong:
    • Ilipat ang iyong cursor: Mag-swipe pakaliwa o pakanan sa space bar.
    • I-on ang caps lock: I-double-tap ang Shift Shift. Para i-off ito ulit, i-tap ang Shift Shift.
    • Maghanap ng mga accent at higit pang opsyon: Pindutin nang matagal ang isang key.

Gumamit ng mga emoji at GIF

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang anumang app na puwede mong gamitin para sumulat, tulad ng Gmail o Keep.
  2. Mag-tap kung saan ka puwedeng maglagay ng text.
  3. I-tap ang icon ng Emoji Emoji. Mula rito, magagawa mong:
    • Maglagay ng mga emoji: Mag-tap ng isa o higit pang emoji.
    • Maglagay ng GIF: I-tap ang GIF. Pagkatapos ay piliin ang GIF na gusto mo.
  4. I-tap ang Ipadala Ipadala.
Tip: Para bumalik sa paglalagay ng mga titik, i-tap ang ABC.

I-customize ang layout ng iyong keyboard

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Settings.
  2. I-tap ang General.
  3. I-tap ang Keyboard at pagkatapos Keyboards.
  4. Magdagdag ng o i-on ang layout na gusto mong gamitin.
Pamahalaan ang mga setting ng wika sa Gboard

Magdagdag ng wika

Kapag ginagamit mo ang Gboard, hindi naaapektuhan ang mga setting ng wika ng iyong iPhone o iPad.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, i-install ang Gboard.
  2. Buksan ang anumang app na maaari mong gamitin para mag-type, tulad ng Gmail o Keep.
  3. Mag-tap kung saan ka puwedeng maglagay ng text.
  4. Sa ibaba ng iyong keyboard, pindutin nang matagal ang Globe Globo.
  5. I-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Mga Wika.
  6. I-tap ang Magdagdag ng Wika.
  7. I-tap ang wika na gusto mong i-on.

Magpapalit-palit ng wika

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang anumang app na puwede mong gamitin para mag-type, tulad ng Gmail o Keep.
  2. Mag-tap kung saan ka puwedeng maglagay ng text.
  3. Sa ibaba ng keyboard, pindutin nang matagal ang Globe Globo.
  4. I-tap ang wika na gusto mong gamitin.

 

Mga Kaugnay na Resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5561452892900032671
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false