Notification

Mangyaring huwag magsama ng anumang personal o sensitibong impormasyon sa kalusugan, tulad ng hakbang, calorie, rate ng puso, pagtulog, o data ng ehersisyo, o impormasyon sa kalusugan ng puso kapag nagtatanong sa Komunidad.

Subaybayan ang iyong aktibidad sa fitness

Masusubaybayan ang iyong paglalakad, pagtakbo, pagbibisikleta, at higit pa sa Google Fit. Tingnan kung ilang hakbang ang nilakad mo at kung gaano ka katagal nagbisikleta, naglaro ng soccer, o nag-ski.

Makikita mo ang history ng iyong workout sa lahat ng device kung saan mo ginagamit ang Fit. Kung may anumang hindi tumpak, i-edit ang aktibidad.

Ang masusukat mo

  • Oras
  • Mga Hakbang
  • Mga Calorie
  • Distansya. Tandaan: Hindi sinusubaybayan ang layo para sa nakapirming pagbibisikleta.
  • Timbang. Tandaan: Manual na ilagay ang iyong timbang para masubaybayan ito.
  • Taas. Tandaan: Sinusukat lang ang taas para sa ilang partikular na outdoor na aktibidad.

Para makita ang layong narating mo o kung ilang calorie ang natunaw mo, ilagay ang iyong taas, timbang, edad, at kasarian.

Makakuha ng mga real-time na istatistika

Makakakita ka ng live na impormasyon tungkol sa iyong mga aktibidad, tulad ng bilis habang tumatakbo.

Posibleng gumamit ang Fit ng mga sensor na available sa iyong device para makatulong na makalkula ang mga sukatang ito.

  1. Sa iyong telepono, buksan ang Google Fit app Google Fit.
  2. I-tap ang Magdagdag Magdagdag ng data at pagkatapos ay Subaybayan ang workout Simulan ang aktibidad.
  3. Para piliin ang aktibidad na sisimulan mo na, i-tap ang Pababang arrow Pababang Arrow.
  4. I-tap ang Simulan ang workout.
    • Kung nagbibisikleta ka, ilagay ang iyong telepono sa bulsa mo. Magiging mas tumpak ang pagsubaybay kung naka-mount ang iyong telepono o nasa loob ito ng backpack.

Makikita mo ang mga istatistika tulad ng oras, mga hakbang, mga calorie, distansya, taas, at higit pa.

Makarinig ng mga real-time na istatistika

  1. Sa iyong telepono, buksan ang Google Fit app Google Fit.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Profile.
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng "Mga Workout," i-tap ang Mga binibigkas na anunsyo.
  5. Piliing i-on o i-off ang mga anunsyo, ang dalas ng mga anunsyo, at iba pang setting.

I-delete ang iyong data

I-delete ang iyong aktibidad

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Google Fit app Google Fit.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Profile.
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga setting.
  4. I-tap ang Pamahalaan ang iyong data.
  5. Sa tabi ng uri ng data na gusto mong alisin, i-tap ang I-delete.
  6. Kumpirmahing gusto mong i-delete ang data.

I-delete ang iyong data ng lokasyon na naka-store sa Fit

  1. Sa iyong telepono, buksan ang Google Fit app Google Fit.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Profile.
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng "Google Fit data", i-tap ang I-delete ang history at pagkatapos ay Pamahalaan ang data.
  5. Sa tabi ng "Lokasyon" i-tap ang I-delete at pagkatapos ay I-delete.

Tumingin ng higit pang impormasyon sa kalusugan at fitness

Puwede kang magkonekta ng higit pang app sa Google Fit para makita ang mga detalye tungkol sa iyong aktibidad, nutrisyon, at pagtulog. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-sync ng mga app sa Google Fit.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5089630494087336473
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false