Gamitin ang Quick Share sa Android device mo

Gamit ang Quick Share, agad kang makakapagpadala at makakatanggap ng mga file mula sa mga device na malapit sa lokasyon mo.

Mahalaga:

I-adjust ang mga setting ng Quick Share

  1. Sa itaas ng screen mo, mag-swipe pababa.
  2. I-tap ang Quick Share .
    • Kung hindi mo mahanap ang Quick Share :
      1. I-tap ang I-edit I-edit
      2. Sa Mga Mabilisang Setting mo, idagdag ang Quick Share .
  3. Piliin kung sino ang puwedeng magbahagi sa iyo:
    • Mga device mo: Makikita ng mga device mong gumagamit ng parehong Google Account ang iyong device, kahit kapag naka-off ang screen.
    • Mga contact: Makikita ng mga contact mong nasa malapit ang iyong device habang naka-on at naka-unlock ang screen mo.
    • Lahat: Makikita ng sinumang nasa malapit ang device mo habang naka-on at naka-unlock ang screen mo.
      • Sa loob lang ng 10 minuto: Para protektahan ang privacy mo, awtomatikong babalik ang visibility mo sa nauna mong pinili pagkalipas ng 10 minuto.
  4. Para pamahalaan ang mga karagdagang setting, gaya kung paano ka nakikita ng iba, i-tap ang Mga Setting sa kaliwang bahagi sa ibaba.
Magbahagi ng content sa iba
  1. Buksan ang content, gaya ng litrato o webpage mula sa anumang app.
    • Walang limitasyon ang Quick Share sa laki ng content o bilang ng mga file, pero posibleng mayroon ang app kung mula saan ka nagbabahagi.
  2. I-tap ang Ibahagi Ibahagi at pagkatapos ay Quick Share .
  3. Siguraduhing nasa malapit ang device kung saan mo gustong magbahagi.
  4. I-tap ang device kung saan mo gustong magbahagi.
    • Kung hindi mo mahanap ang device, siguraduhing naka-set up ang “Sino ang makakapagbahagi sa iyo” at naka-unlock ang screen ng device na iyon.
  5. Hintayin ang kabilang device na tanggapin ang iyong kahilingan sa pagbabahagi.
    • Para magkansela ng isinasagawang pagpapadala, i-tap ulit ang device.
  6. Habang nagpapadala:
    • Puwede mong iwan ang screen at magpapatuloy ang pagpapadala.
    • Makakatanggap ka ng notification sa notification tray mo kapag iniwan mo ang screen ng pagpapadala. Magagawa mong alamin ang status, magkansela, o bumalik sa screen ng pagpapadala mula sa notification na iyon.
  7. Para pumili ng maraming tatanggap, puwede kang mag-tap ng mahigit isang device.
    • Dahil sa mga teknikal na limitasyon, sinusuportahan lang ang sabay-sabay na pagbabahagi sa mga piling modelo ng device.
    • Sa ibang sitwasyon, ipipila ang mga pagpapadala at matatanggap ng mga tatanggap na pipiliin mo sa ibang pagkakataon ang kahilingan sa pagpapadala kapag tapos na ang mga naunang pagpapadala.

Tip: Sa mga piling device na gumagamit ng Android 13 at mas bago, puwede ka ring magbahagi ng mga content mula sa clipboard mo gamit ang Quick Share. Kapag may kinopya ka, makakatanggap ka ng pop-up na kumpirmasyon sa ibaba ng screen. I-tap ang Mga Device at piliin ang device kung saan mo gustong ibahagi ang content.

Makakuha ng content mula sa iba

Mahalaga:

  • Kung magbabahagi ka ng content sa pagitan ng mga device mong gumagamit ng parehong Google Account, awtomatikong tatanggapin ng device na nakatakdang tumanggap ang padala.
  • Kung magbabahagi ka ng content mula sa clipboard ng device mo, awtomatikong kokopyahin ang content kapag may tumanggap nito.
  1. Tiyaking pinili mo ang tamang setting para sa “Sino ang makakapagbahagi sa iyo.”
  2. I-on ang Bluetooth Bluetooth.
    • Siguraduhing naka-unlock ang screen mo kapag tumatanggap ka ng content mula sa iba.
  3. Maghintay ng pop-up na notification na magsasabi sa iyo kung sino ang sumusubok na magbahagi at kung anong content ang gusto niyang ibahagi sa iyo. 
  4. Piliin ang Tanggapin o Tanggihan.
Ayusin ang mga problema sa pagbabahagi ng content

Kung sinusubukan mong magbahagi o tumanggap ng content, pero hindi ito gumagana, subukan ang mga hakbang na ito:

  • Sa device ng tatanggap, para gawing visible ang telepono o tablet mo, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen. Sa Mga Mabilisang Setting mo, i-tap ang Quick Share .
  • Alamin kung naka-on ang Bluetooth sa magkabilang device.
  • Alamin kung naka-on ang Lokasyon sa magkabilang device.
  • Paglapitin ang mga device hanggang magkaroon na lang ng distansyang 1 talampakan (30 cm) ang mga iyon.
  • I-on saka i-off ang Airplane mode.
  • Maghintay hanggang wala nang iba pang nagbabahagi ng content sa kabilang device.
  • Kung gumagamit ang device ng Android 12 o mas luma, alamin kung naka-on ang Lokasyon.
  • I-off saka i-on ulit ang device mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11985623914908349931
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false