I-on o i-off ang mga notification sa Family Link

Mapipili mo kung aling mga notification ang gusto mong matanggap mula sa Family Link.

Pamahalaan ang mga notification

Kapag pinamahalaan mo ang Google Account ng iyong anak, mapipili mo kung gusto mong makatanggap ng mga notification sa pamamagitan ng email at sa Family Link app.

Mahalaga: Hindi puwedeng i-off ang ilang partikular na notification.

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Notification at pagkatapos ay Mga Setting .
  3. I-tap ang uri ng notification na gusto mong baguhin.
  4. Para sa bawat bata, i-on o i-off ang mga notification.

Mga notification na puwede mong matanggap

Bilang default, puwedeng makatanggap ng mga notification ang mga magulang para sa mga bagay-bagay gaya ng:

  • Mga bagong app: Kapag may hiniling o na-install na bagong app ang iyong anak.
  • Mga kahilingan sa website: Kapag humingi ng access ang iyong anak para mabisita ang isang site na na-block mo sa Google Chrome.
  • Mga kontrol ng aktibidad: Kapag may binago ang iyong anak o ang iba pang magulang na isa sa Mga setting ng aktibidad sa Google ng anak mo.
  • Mga setting ng lokasyon: Kapag may binagong setting ng lokasyon ang ibang magulang para sa isa sa mga Android device ng iyong anak.
  • Mga notification sa lokasyon: Kapag nag-set up ka o ang ibang magulang ng notification sa lokasyon para sa pagdating o pag-alis ng iyong anak sa lugar na may label na lugar ng pamilya.
  • Mga update sa Family Link: Kapag gusto mong piliin kung paano ka makakatanggap ng mga update mula sa Family Link.
  • Google Kids Space: Kapag gusto mong piliin kung paano ka makakatanggap ng mga update mula sa Google Kids Space.
  • Feedback ng user at mga survey: Kapag gusto mong tulungan kaming pagandahin ang experience ng iyong anak.
  • Ano’ng bago para sa mga bata at pamilya sa Google: Kapag gusto mong makita ang mga bagong feature at serbisyo.

Tandaan: Puwedeng maiba ang mga serbisyo sa pagsubaybay ng magulang ng Family Link depende sa device ng iyong anak.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
674024329271231138
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
108860
false
false