Mga patakaran at pagpapatupad ng programa sa pang-aabuso

Nalalapat ang mga patakaran ng programang nakalista sa ibaba sa content kapag ginagamit ang Google Classroom. Kasama rito ang lahat ng feature ng Classroom, gaya ng mga pangalan ng kurso, impormasyong naka-share sa stream ng klase, mga pakikipag-ugnayan at pakikipag-collaborate sa pagitan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga materyales sa klase. May mahalagang tungkulin ang mga patakaran ng programang nakalista sa ibaba sa pagpapanatili ng positibong experience para sa lahat ng gumagamit ng mga produkto ng Google.

Kailangan naming mapigilan ang pang-aabusong nagbabanta sa kakayahan naming maibigay ang mga serbisyong ito, at hinihiling naming sumunod ang lahat sa mga patakaran sa ibaba para matulungan kaming makamit ang layuning ito. Pagkatapos kaming maabisuhan tungkol sa isang potensyal na paglabag sa patakaran, posible naming suriin ang content at aksyunan ito, kasama ang paghihigpit sa access sa content, pag-aalis sa content sa pangkalahatan, at paglilimita o pagwawakas ng access ng user sa mga produkto ng Google.

Kapag inilalapat ang mga patakarang ito, posible kaming magsagawa ng mga pagbubukod batay sa mga pagsasaalang-alang na pang-edukasyon, pandokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, o kung saan may iba pang makabuluhang kapakinabangan para sa publiko ang hindi pag-aksyon sa content.

Tiyaking babalik paminsan-minsan, dahil posibleng magbago ang mga patakarang ito. Pakitingnan din ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, Patakaran sa Privacy, at ang mga tuntunin ng serbisyo at patakaran para sa mga serbisyo ng Workspace, kasama ang Google Drive, Docs, Gmail, at Calendar.

Mag-ulat ng pang-aabuso

Kung naniniwala kang may taong lumalabag sa mga patakarang makikita sa ibaba, iulat ang pang-aabuso. Kung isa kang user ng Workspace, makipag-ugnayan sa administrator ng organisasyon mo para mag-ulat ng paglabag sa mga patakarang ito.

Para mag-ulat ng paglabag sa copyright o iba pang content na sinasabing ilegal, pakigamit ang tool na ito, na gagabay sa iyo sa proseso ng pag-uulat ng content na pinaniniwalaan mong kailangang alisin sa mga serbisyo ng Google batay sa mga naaangkop na batas.

Mga Patakaran ng Programa

Pag-hijack ng Account
Huwag i-access ang account ng ibang user nang walang pahintulot niya. Posible kaming gumawa ng naaangkop na aksyon kung maaabisuhan kami tungkol sa pag-hijack ng account, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-aalis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Sekswal na Pang-aabuso sa Bata at Paglalagay ng Bata sa Panganib

Huwag gumawa, mag-upload, o mamahagi ng content na nananamantala o nang-aabuso sa mga bata. Kabilang dito ang lahat ng materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata. Para mag-ulat ng content sa produkto ng Google na posibleng nanamantala ng bata, i-click ang “Mag-ulat ng pang-aabuso.” Kung may makikita kang content sa ibang lugar sa internet, makipag-ugnayan nang direkta sa naaangkop na ahensya sa iyong bansa.

Sa pangkalahatan, ipinagbabawal ng Google ang paggamit ng aming mga produkto para ilagay sa panganib ang mga bata. Kabilang dito ang, pero hindi limitado sa, mapanamantalang gawi sa mga bata gaya ng:

  • ‘Paghahanda sa bata sa pamamagitan ng pagkaibigan’ (halimbawa, pakikipagkaibigan sa isang bata online para magsagawa, online man o offline, ng sekswal na pakikipag-ugnayan at/o pakikipagpalitan ng sekswal na koleksyon ng imahe sa batang iyon);
  • ‘Sextortion’ (halimbawa, pananakot o pag-blackmail sa isang bata sa pamamagitan ng paggamit ng tunay o sinasabing access sa maseselang larawan ng bata);
  • Sekswalisasyon ng menor de edad (halimbawa, koleksyon ng imahe na naglalarawan, nanghihikayat, o nagpo-promote ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata o pagpapakita ng mga bata sa paraang puwedeng magresulta sa sekswal na pananamantala sa mga bata); at
  • Trafficking ng bata (halimbawa, pag-advertise o pangangalap ng bata para sa komersyal na sekswal na pananamantala).
Aalisin namin ang naturang content at gagawa kami ng naaangkop na aksyon, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa National Center for Missing & Exploited Children, paglilimita sa access sa mga feature ng produkto, at pag-disable sa mga account. Kung naniniwala kang nasa panganib ang isang bata o nakakaranas siya ng pang-aabuso, pananamantala, o trafficking, makipag-ugnayan kaagad sa pulisya. Kung nakapag-ulat ka na sa pulisya at kailangan mo pa rin ng tulong, o kung nag-aalala kang nanganganib o dating nanganib ang isang bata sa aming mga produkto, puwede mong iulat ang gawi sa Google.
Pagpapalusot
Huwag gumawa ng mga aksyon na naglalayong iwasan ang aming mga patakaran o lusutan ang mga paghihigpit na ipinataw sa iyong account. Kabilang dito ang paggawa o paggamit ng maraming account o iba pang paraang naglalayon ng isang gawing dati nang ipinagbawal. Posible kaming gumawa ng naaangkop na aksyon kung maaabisuhan kami tungkol sa pagpapalusot, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-aalis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Mga Mapanganib at Ilegal na Aktibidad
Huwag gamitin ang produktong ito sa paglahok sa mga ilegal na aktibidad, o para mag-promote ng mga aktibidad, produkto, serbisyo, o impormasyong nagdudulot ng seryoso at agarang pinsala sa mga tao o hayop. Bagama't pinapahintulutan namin ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa content na ito para sa mga layuning pang-edukasyon, pandokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, hindi kasama sa pinapahintulutan namin ang content na direktang nagsisilbing daan sa kapahamakan o nanghihikayat ng ilegal na aktibidad. Magsasagawa kami ng naaangkop na aksyon kung maaabisuhan kami tungkol sa mga ilegal na aktibidad, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-aalis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Panliligalig, Pambu-bully, at Mga Pagbabanta
Huwag manligalig, manakot, o magbanta ng ibang tao. Hindi rin namin pinapahintulutan ang paggamit sa produktong ito para gawin sa iba ang ganitong mga aktibidad o himukin ang iba na gawin ito. Kasama rito ang mapaminsalang pang-aabuso sa isang partikular na tao, pagbabanta ng matinding kapahamakan sa isang tao, sekswal na pambabastos sa isang tao sa paraang hindi ginusto, paglalantad ng pribadong impormasyon ng iba na puwedeng gamitin para gumawa ng pagbabanta, panlalait o pangmamaliit sa mga biktima ng karahasan o trahedya, pag-udyok sa iba na gawin ang mga aktibidad na ito, o panliligalig sa isang tao sa iba pang paraan. Laging tandaan na ilegal ang online na panliligalig sa maraming lugar at posibleng itong magdulot ng napakasamang epekto offline para sa nanliligalig at pati na rin sa biktima. Posible kaming gumawa ng naaangkop na aksyon kung maaabisuhan kami tungkol sa mga banta ng kapahamakan o iba pang mapanganib na sitwasyon, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-aalis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Mapoot na Salita
Huwag magsabi ng mapoot na salita. Ang mapoot na salita ay content na nagpo-promote o kumukunsinti ng karahasan, o may pangunahing layuning mag-udyok ng galit laban sa isang indibidwal o grupo batay sa kanilang lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, o anupamang katangiang nauugnay sa sistemikong diskriminasyon o pangmamaliit at pang-aapi.
Pagpapanggap at Misrepresentasyon ng Pagkakakilanlan

Huwag magpanggap bilang ibang tao o organisasyon o magsinungaling tungkol sa iyong sarili. Kasama rito ang pagpapanggap bilang sinumang tao o organisasyong hindi mo kinakatawan; o pagbibigay ng mapanlinlang na impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, mga kwalipikasyon, pagmamay-ari, layunin, mga produkto, mga serbisyo, o negosyo ng isang user/site.

Kasama rin dito ang content o mga account na nagsisinungaling tungkol sa, o itinatago ang, kanilang pagmamay-ari o pangunahing layunin gaya ng pagsisinungaling tungkol sa o sadyang pagtatago ng iyong pinagmulang bansa o iba pang mahalagang detalye tungkol sa sarili mo kapag nagdidirekta ng content tungkol sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin sa mga user na nasa ibang bansa. Pinapayagan namin ang parody, satire, at paggamit ng mga pseudonym o pen name – iwasan lang ang content na malamang na makapanlinlang sa iyong audience tungkol sa totoong pagkakakilanlan mo.

Malware at Katulad na Nakakapinsalang Content
Huwag mag-transmit ng malware o anumang content na nakakapinsala o nakakasagabal sa pagpapatakbo ng mga network, server, device ng end user, o iba pang imprastruktura. Kabilang dito ang direktang pag-host, pag-embed, o pag-transmit ng malware, mga virus, mapanirang code, o iba pang mapaminsala o hindi gustong software o katulad na content. Kabilang din dito ang content na nagta-transmit ng mga virus, nagdudulot ng mga pop-up, sumusubok na mag-install ng software nang walang pahintulot ng user, o kaya ay nakakaapekto sa mga user gamit ang nakakapinsalang code. Tingnan ang aming Mga Patakaran sa Ligtas na Pag-browse para sa higit pang impormasyon.
Nakakapanlinlang na Content

Huwag mamahagi ng content na nanloloko, nakakapanlinlang, o nakakalito sa mga user. Kabilang dito ang:

  • Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga civic at demokratikong proseso: Content na malinaw na hindi totoo at posibleng makabawas nang husto sa pakikilahok o tiwala sa mga civic o demokratikong proseso. Kasama rito ang impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pagboto ng publiko, pagiging kwalipikado ng kandidato sa pulitika batay sa edad o lugar ng kapanganakan, mga resulta ng halalan, o paglahok sa census na sumasalungat sa mga opisyal na tala ng pamahalaan. Kasama rin dito ang mga hindi tamang pahayag na nagsasabing namatay, naaksidente, o nakaranas ng biglaang malubhang sakit ang isang politiko o opisyal ng pamahalaan.
  • Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga mapaminsalang conspiracy theory: Content na nagpo-promote ng o ginagawang kapani-paniwala ang mga paniniwalang may mga indibidwal o grupong sistematikong nagsasagawa ng mga aksyong nagdudulot ng malawakang pinsala. Ang content na ito ay pinabubulaanan ng matibay na ebidensya at nagresulta na sa o nag-uudyok ng karahasan.
  • Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga mapanganib na gawi sa kalusugan: Nakakapanlinlang na content na pangkalusugan o medikal na nagpo-promote ng o nanghihikayat sa ibang tao na lumahok sa mga gawing posibleng magdulot ng malubhang pisikal o emosyonal na pinsala sa mga indibidwal, o malubhang pinsala sa pampublikong kalusugan.
  • Minanipulang media: Media na teknikal na minanipula o dinoktor sa paraang nanlilinlang sa mga user at posibleng magdulot ng matinding kapahamakan.
     
Koleksyon ng Di-konsensuwal at Explicit na Imahe (Non-Consensual Explicit Imagery o NCEI)
Huwag mag-store o mamahagi ng mga pribadong hubad, explicit na sekswal, o non-explicit na maselan at sekswal na larawan o video nang walang pahintulot ng subject. Kung may nagpadala ng pribadong hubad, explicit na sekswal, o non-explicit na maselan at sekswal na larawan o video mo, pakiulat ito sa amin dito.
Personal at Kumpidensyal na Impormasyon
Huwag mag-store o mamahagi ng personal o kumpidensyal na impormasyon ng ibang tao nang walang pahintulot. Kabilang dito ang paggamit ng sensitibong impormasyon, gaya ng mga numero ng Social Security sa U.S., numero ng bank account, numero ng credit card, larawan ng mga lagda, at personal na dokumentong pangkalusugan. Hindi kami karaniwang nagpoproseso ng mga aksyon sa pagpapatupad para sa karamihan sa mga sitwasyon kung saan malawak na available ang impormasyong ito sa ibang bahagi ng internet o sa mga pampublikong talaan, tulad ng mga national ID number na nakalista sa isang website ng pamahalaan.
Phishing
Huwag gamitin sa phishing ang produktong ito. Kasama rito ang paghingi o pangongolekta ng sensitibong data gaya ng mga password, pinansyal na detalye, at numero ng social security.
Mga Kontroladong Produkto at Serbisyo
Huwag magbenta, mag-advertise, o mangasiwa ng pagbebenta ng mga kontroladong produkto at serbisyo. Kabilang sa mga kontroladong produkto at serbisyo ang alak, pagsusugal, mga gamot, mga hindi naaprubahang supplement, tabako, mga paputok, armas, o pangkalusugang device/medical device.
Explicit na Sekswal na Content
Huwag mag-distribute ng content na naglalaman ng explicit na sekswal na materyal, gaya ng kahubaran, graphic na pakikipagtalik, at pornograpikong materyal. Kabilang dito ang paghimok ng trapiko sa mga komersyal na site ng pornograpiya. Pinapayagan namin ang kahubarang para sa mga layuning pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko.
Spam
Huwag mag-spam. Posibleng kabilang dito ang hindi gustong pampromosyon o komersyal na content, hindi gustong content na ginawa sa pamamagitan ng automated na program, hindi gustong paulit-ulit na content, walang katuturang content, o anumang bagay na mukhang maramihang pangangalap.
Interference at Pang-aabuso sa System
Huwag abusuhin ang produktong ito at huwag magdulot ng pinsala, kapahamakan, o negatibong epekto sa pagpapatakbo ng mga network, device, o iba pang imprastruktura. Kabilang dito ang pag-degrade, pag-disable, o negatibong panghihimasok sa anumang aspeto ng produkto o mga serbisyo nito. Posible kaming gumawa ng naaangkop na aksyon kung maaabisuhan kami tungkol sa interference at pang-aabuso sa system, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-aalis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Mararahas na Organisasyon at Kilusan

Ang mga batid na marahas na non-state na organisasyon at kilusan ay hindi pinapayagang gumamit ng produktong ito para sa anumang layunin.

Huwag mamahagi ng content na nagbibigay-daan o nagpo-promote sa mga aktibidad ng mga grupong ito, gaya ng pag-recruit, pag-aayos ng mga online o offline na aktibidad, pag-share ng mga manual o iba pang materyal na posibleng magbigay-daan sa pinsala, pag-promote ng mga ideyolohiya ng mga marahas na non-state na organisasyon, pag-promote ng mga gawain ng terorismo, pag-uudyok ng karahasan, o pagbubunyi sa mga pag-atake ng mga marahas na non-state na organisasyon.

Depende sa content, posible rin kaming gumawa ng aksyon laban sa user.

Posibleng payagan ang content na nauugnay sa mga marahas na non-state na organisasyon sa kontekstong pang-edukasyon, pandokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, pero pakitandaang magbigay ng sapat na impormasyon para tulungan ang mga taong maunawaan ang konteksto.

Mga Hindi Pinapahintulutang Larawan ng Mga Menor de Edad
Huwag mag-store o mamahagi ng mga larawan ng mga menor de edad nang walang malinaw na pahintulot mula sa magulang, tagapag-alaga, o legal na kinatawan ng bata. Kung may nag-store o namahagi ng larawan ng isang menor de edad nang wala ang kinakailangang pahintulot, pakiulat ito sa amin dito.
Karahasan at Gore
Huwag mag-store o mamahagi ng marahas o madugong content na may mga totoong tao o hayop at may pangunahing layuning maging nakakapangilabot, kahindik-hindik, o walang kabuluhan. Kasama rito ang napaka-graphic na materyal, gaya ng pagkatanggal ng bahagi ng katawan o close-up na footage ng mga putol-putol na katawan, at graphic na materyal, gaya ng content na nagpapakita ng maraming dugo. Posibleng payagan ang content sa konteksto ng edukasyon, dokumentaryo, agham, o sining, pero pakitandaang magbigay ng sapat na impormasyon para tulungan ang mga taong maunawaan ang kontekstong ito. Sa ilang sitwasyon, posibleng napakarahas o masyadong nakakagimbal ang content kaya hindi mapapayagang manatili ang content na iyon sa aming mga platform kahit ano pang konteksto ang ibigay. Panghuli, huwag hikayatin ang iba na gumawa ng mga partikular na gawain ng karahasan.

Mga Karagdagang Patakaran

Paglabag sa Copyright
Huwag mamahagi ng naka-copyright na content nang walang pahintulot o magbigay ng mga link ng mga site kung saan makakakuha ang mga tao ng mga hindi awtorisadong download ng naka-copyright na content. Nasa patakaran naming sumagot sa malilinaw na abiso tungkol sa sinasabing paglabag sa copyright. Magreresulta sa pagwawakas ng account ang paulit-ulit na paglabag sa mga karapatan sa intellectual property, kabilang ang copyright. Kung may makikita kang paglabag sa mga patakaran sa copyright ng Google, iulat ang paglabag sa copyright.
Mga User Account
Hindi magagamit ng mga mag-aaral ang produktong ito habang nasa paaralan gamit ang personal na Google account. Para magamit ang produktong ito kasama ng mga mag-aaral, dapat mag-sign up ang mga paaralan para sa isang Workspace for Education account. Kung naniniwala kang ginagamit ang produktong ito sa paaralan gamit ang mga personal na account, iulat ang klase.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
739133123201086314
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false