Kung ayaw mo nang makatanggap ng mga tawag o mensahe mula sa isang tao, puwede mo siyang i-block.
Mahalaga: Puwedeng sumali sa mga meeting sa Meet ang mga taong dati mo nang na-block sa Duo. Matuto pa tungkol sa kung sino ang puwedeng sumali sa mga meeting mo.
I-block o iulat ang isang tao
Pagkatapos mong i-block ang isang tao, hindi siya puwedeng makipag-ugnayan sa iyo nang direkta sa Duo, pero puwede ka pa ring makipag-ugnayan sa isang tao na na-block mo na kung magkasama kayo sa isang panggrupong tawag sa Duo.
Kapag nag-block ka ng isang tao, maaari ka ring mag-ulat ng pang-aabuso.
- Sa iyong computer, pumunta sa duo.google.com.
- Sa ilalim ng "Kamakailang Aktibidad," i-hover sa contact na gusto mong i-block at i-click ang Mga Opsyon .
- Piliin ang I-block ang user.
- Para iulat ang pang-aabuso, piliin ang "Iulat bilang spam" na checkbox.
- Para i-block lang ang tao, i-unselect ang "Iulat bilang spam" na checkbox.
- I-click ang I-block.
I-unblock ang isang tao
Para alisin ang isang tao mula sa iyong block list:
- Sa iyong computer, pumunta sa duo.google.com.
- Sa kanang bahagi sa taas, buksan ang Mga Setting .
- Piliin ang Naka-block na mga user.
- Sa tabi ng pangalan ng tao, i-click ang I-unblock .