Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
true

Pagbabahagi ng pamamahala ng domain

Magbahagi ng pamamahala ng domain sa ibang mga user ng Google

Tandaan: Kapag nagbahagi ng domain, hindi magbabago ang pagmamay-ari sa domain. Upang baguhin ang pagmamay-ari ng isang domain, tingnan ang "Paglipat ng domain sa pagitan ng mga Google Domains account," at "Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan."

Maaari mong ibahagi ang pamamahala ng iyong mga domain sa ibang user ng Google. Ang bawat idaragdag mong user ay magkakaroon ng buong pahintulot upang pamahalaan ang domain:

  • Pamahalaan ang pagpaparehistro: mag-renew, magdagdag ng mga taon sa pagpaparehistro, magkansela o magpasimula ng awtomatikong pag-renew, i-delete ang domain, at magdagdag o mag-delete ng mga user.
  • Pamahalaan ang presensya sa web: pamahalaan ang mga setting para sa anumang website, alias sa email, o G Suite account. 
  • Pamahalaan ang mga setting ng DNS: magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng anumang record ng mapagkukunan, synthetic na record, o setting ng DNS server. 

Upang ibahagi ang pamamahala para sa iyong domain:

  1. Buksan ang tab na Mga Setting Settings (gear icon) para sa domain na gusto mong ibahagi. 
  2. Sa ilalim ng Mga Pahintulot ng Domain i-click ang Mga Pahintulot
  3. Idagdag ang email address ng Google account kung saan ibabahagi ang domain at i-click ang Idagdag
  4. Kumpirmahin ang idinagdag na user.

Ang pinagbahagian mong tao ay makakatanggap ng notification sa email na may link upang makapag-log in sa Google Domains.

 

Upang mag-alis ng mga nakabahaging user mula sa iyong domain:

  1. Sa tab na Mga Setting Settings (gear icon), i-click ang Mga Pahintulot
  2. I-click ang I-delete sa tabi ng user na iyong aalisin.
  3. Kumpirmahin ang pag-delete.

Kung na-delete mo ang user kung saan ka naka-log in, babalik ka sa page na Aking Mga Domain. Mawawalan ka na ng access sa domain. 

Kung ide-delete mo ang user na nag-set up ng auto-renew para sa iyong domain, dapat na muling i-enable ng isa sa mga natitirang user ang auto-renew upang patuloy ang awtomatikong pag-renew ng pagpaparerehistro ng domain bawat taon. Tingnan ang "Pag-renew at pag-restore ng domain."

Hindi mo maaaring i-delete ang huling user sa isang domain. 

 

Mga bagay na dapat isaalang-alang kapag nagbabahagi ng pamamahala ng domain

  • Kung mayroon kang naka-configure na G Suite para sa iyong domain, maaaring makatulong sa iyo na ibahagi ang domain mo sa user na administration ng G Suite--lalo na sa user na responsable sa pagsingil sa G Suite. 
  • Kung gustong gumawa ng isang nakabahaging user ng anumang pagbabago na nangangailangan ng pagbabayad, tulad ng pagbili ng karagdagang mga taon sa pagpaparehistro o pagdaragdag ng mga posisyon sa G Suite, dapat gamitin ng user ang kanyang sariling Google Payments account. 
  • Kapag nagdagdag ng user sa iyong domain, hindi awtomatikong naidaragdag ang user na iyon sa anumang 3rd party na builder ng website. Maaaring kailanganin mong direktang idagdag ang bagong user sa iyong mga pahintulot ng website sa site ng webhost mo. 

 

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?