Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
true

Magsimula sa Google Domains

Welcome sa Google Domains

Ang Google Domains ay isang registrar ng domain name. Magagamit mo ang Google Domains sa:

  • Paghahanap ng mga available na domain
  • Pagbili ng domain name
  • Paglipat ng domain na pag-aari mo na mula sa ibang registrar
  • Paglipat ng domain sa pagitan ng mga may-ari sa loob ng Google Domains
  • Pamamahala at pag-renew sa iyong pagpaparehistro
  • Paggawa ng hanggang 100 naipasang alyas sa email para sa iyong domain
  • Direktang pagpasa ng trapiko sa iyong domain sa isang dati nang website
  • Pagsama sa mga web host upang gumawa ng presensya sa web para sa iyong domain

Mula rito patungong web, isang gabay sa pag-develop ng iyong presensya sa web simula sa Google Domains

Ang domain ay isang pangalan para sa iyong lugar sa internet. Kung iisipin mo na ang isang website ay isang tindahan, ang pagmamay-ari ng isang domain name ay parang paglagda sa renta sa loteng kinatatayuan ng tindahan. Wala nang iba pang pwedeng magtayo rito, pero kailangan mo pa ring itayo ang tindahan at gawin ang lahat ng imprastraktura upang magtagumpay ito. Idinisenyo ang Google Domains upang makatulong sa pagpapadali ng prosesong iyon.

May ilang hakbang sa pagmamay-ari ng isang domain at pagpa-publish ng website:

Hakbang 1: Magplano. Ano ang gusto mong gawin sa web? Gusto mo ba ng mga email address para sa iyong pamilya, mga katrabaho, o mga empleyado? Gusto mo bang gamitin ito para sa negosyo o para sa personal na paggamit? Gusto mo bang gumawa ng website, gamitin ang domain na ito para sa dati nang website o blog na pag-aari mo, o gamitin lang ang domain para sa email at iba pang serbisyo online, gaya ng Google Drive?

Hakbang 2: Bumili ng domain name. Tinutulungan ka ng Google Domains na maghanap ng mga domain name, bumili ng domain, at i-renew ang iyong pagpaparehistro.

Kapag nabili mo na ang iyong domain name, kailangan mo itong i-renew taun-taon. Sa Google Domains, mare-renew mo ito nang manual o nang awtomatiko, at makakabili ka ng pagpaparehistro nang hanggang paunang sampung taon (limang taon para sa mga .co na domain).

Para sa tulong sa pagbili ng domain name, tingnan ang Bumili ng domain

Hakbang 3: Gumawa ng website. Kung gusto mo ng website, kailangan mong pumili ng host para sa site mo. Ang host ay may mga web server na magse-serve sa iyong site. Ibibigay nito ang lahat ng imprastrakturang kailangan upang suportahan ang iyong site, tulungan ang trapiko na maabot ang iyong site, at i-enable ang mga user na makipag-ugnayan sa iyong site. Karaniwan, kasama sa mga web host ang mga tool na makakatulong sa iyo sa paggawa ng website mo.

Nagbabagu-bago ang presyo ng mga web host mula sa libre na may mga napakakaraniwang tool sa paggawa ng website hanggang sa paniningil ng buwanang bayarin. Nakipagtulungan ang Google Domains sa mga kumpanya ng web hosting na may malawak at iba't ibang opsyon sa iba't ibang presyo. Pagkatapos mong bilhin ang iyong domain, tingnan ang mga kasosyo sa web hosting sa Website at tingnan kung alin ang pinakanaaangkop sa mga pangangailangan mo. Para sa higit pang tagubilin tungkol sa paggamit ng isa sa mga kasosyo sa web hosting, tingnan ang Presensya sa web.

Kung may dati ka nang website o blog na gusto mong ikonekta, may dalawang opsyon:

  • Magagamit mo ang pagpasa ng domain sa pag-redirect ng trapiko sa dati nang site. Para sa mga tagubilin, tingnan ang Pagpasa ng domain
  • Maraming web hosting provider at online na tool gaya ng Google Sites at Blogger ang nagbibigay-daan sa iyong gamitin ang domain mo bilang address ng iyong site. I-explore ang help center ng web host mo para sa mga tagubilin sa paggamit ng sarili mong domain o custom na URL.

Hakbang 4: Mag-set up ng email. Kung gusto mo ng mga email address na @ sa domain mo, mayroon kang ilang opsyon:

  • Binibigyang-daan ka ng pagpasa ng email na magpasa ng hanggang 100 email address na @ sa iyong bagong domain patungo sa mga dati nang email address. Halimbawa, ipagpalagay na kabibili mo lang ng “example.com” at mayroon kang dati nang email account na “abc123@gmail.com.” Maaari mong gamitin ang pagpasa ng email sa paggawa ng address gaya ng “sales@example.com” na awtomatikong mapapasa sa abc123@gmail.com.
  • Nag-aalok ang G Suite sa iyo ng ganap na pagpapatupad ng email at Google Docs para sa bawat email account sa iyong domain. Tingnan ang Bago sa >G Suite? Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa help center ng >G Suite
  • Maaaring mag-alok ang iyong web host ng naka-customize na solusyon sa email. Pumunta sa help center para sa iyong web host.

Mga susunod sa hakbang sa Google Domains

Tingnan ang mga paksa sa help center ng Google Domains para sa:

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?