Mga Alituntunin sa Content para sa Mga Profile ng User
Lahat ng profile ng user ay dapat sumunod sa mga patakaran sa content ng Google Maps. Kasama rito ang pangalan sa profile, larawan sa profile, anumang paglalarawang kasama sa profile, pati na rin ang content na na-post ng profile na iyon. Posibleng maalis, mapaghigpitan, o ma-disable ang mga pangalan, larawan, o paglalarawan sa profile na may content na lumalabag sa patakaran. Posibleng makaranas ng paghihigpit sa access sa feature sa platform ng Google Maps ang mga user na lumalabag sa aming mga patakaran sa content.
Tandaan na nalalapat sa mga pangalan, larawan, at kasamang paglalarawan sa profile ang aming mga patakaran sa buong Google para sa impormasyong “Tungkol sa Akin,” bukod pa sa mga patakarang binabanggit sa artikulong ito.
Maglaan ng oras para pag-aralan ang aming mga patakaran sa content. Ilang patakarang dapat tandaan habang ginagawa mo ang iyong profile:
- Nakakapanakit na Content: Huwag gumawa ng mga pangalan, larawan, o paglalarawan sa profile na naglalaman ng nakakapanakit na content.
- Personal na Impormasyon: Huwag gumawa ng mga pangalan, larawan, o paglalarawan sa profile na naglalaman ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan – para sa iyong sarili o para sa iba. Kung magpapasya kang gamitin ang buong pangalan mo bilang iyong display name sa profile, pinapayagan iyon. Puwede ring pahintulutan ang ilang pagbubukod para sa mga merchant na may mga listing ng negosyo sa mapa.
- Pekeng Engagement at/ o Misrepresentasyon: Huwag gamitin ang iyong profile ng user para makisangkot sa hindi matapat o mapanlinlang na gawi.
- Pagpapanggap: Huwag gumawa ng mga pangalan o larawan sa profile na naglalayong magpanggap bilang mga indibidwal, grupo, o organisasyon kung saan hindi ka awtorisadong gawin iyon. Bagama't pinapayagan ang mga user na gumamit ng mga pseudonym sa kanilang mga username, ipinagbabawal ang pagpapanggap.
- Kalaswaan at Pagmumura: Huwag gumawa ng mga pangalan o larawan sa profile na may kalaswaan o pagmumura.
- Content na Sekswal na Explicit o May Temang Pang-adult: Huwag gumawa ng mga pangalan o larawan sa profile na may gawing may temang pang-adult o sekswal na explicit.
- Ilegal na Content at/ o Mga Pinaghihigpitang Produkto: Huwag gumawa ng mga pangalan o larawan sa profile o gamitin ang iyong profile sa paraang bumabanggit sa o naglalayong magamit para sa mga layunin ng mga ilegal na aktibidad o sa pagbili, pagbebenta, o pag-trade ng mga ilegal o pinaghihigpitang produkto o serbisyo. Puwedeng pahintulutan ang ilang pagbubukod para sa mga merchant na may mga listing ng negosyo sa Google Maps para sa mga kinokontrol o pinaghihigpitang produkto at serbisyo.
Puwedeng iulat para sa pagsusuri ang mga profile ng mga user na nag-ambag ng maling impormasyon, nag-upload ng nakakapanakit na content, o gumagawa ng iba pang mapang-abusong pagkilos na lumalabag sa mga patakaran sa content ng Google. Para iulat ang mga profile ng user na nag-ambag ng content na lumalabag sa patakaran sa Google Maps, tingnan ang mga tagubilin sa ibaba.
Mahalaga: Mag-ulat lang ng mga profile ng user na nag-aambag ng content na lumalabag sa mga patakaran ng Google. Huwag mag-ulat ng mga user na nag-aambag ng content na hindi mo gusto pero tumpak at nauugnay pa rin ang impormasyon. Bago ka mag-ulat ng mga profile ng user, basahin ang patakaran.
Maghintay. Puwedeng tumagal nang ilang araw bago masuri ang isang profile.