Mag-ulat o Mag-ayos ng Content

Mag-ulat ng Hindi Naaangkop na Content

Puwede kang mag-ulat ng hindi naaangkop na content sa isang computer o mobile device. Bago ka mag-ulat ng content, basahin ang patakaran

Computer

Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na review 

  1. Pumunta sa Google Maps.
  2. Hanapin ang isang negosyo ayon sa pangalan o address nito.
  3. Piliin ang negosyo mula sa mga resulta ng paghahanap.
  4. Sa page ng Negosyo, piliin ang ‘Mga Review.’
  5. Mag-scroll papunta sa review na gusto mong iulat.
  6. I-click ang Menu Three-dot menu verticalat pagkatapos Iulat ang Review.
  7. Sa lalabas na window, kumpletuhin ang form.
  8. I-click ang Isumite.

Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na larawan at video

  1. Pumunta sa Google Maps.
  2. Hanapin ang negosyo at piliin ito mula sa mga resulta.
  3. Sa panel sa kaliwa, i-click ang anumang larawan o video. Kung marami ang larawan o video, mag-scroll sa mga iyon hanggang sa makita mo ang larawang gusto mong iulat.
  4. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu  Three-dot menu verticalat pagkatapos  Mag-ulat ng problema.
  5. Sa lalabas na window, kumpletuhin ang form. 
  6. I-click ang Isumite.

Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na tanong at sagot

  1. Pumunta sa Google Maps.
  2. Hanapin ang negosyo at piliin ito mula sa mga resulta.
  3. Sa panel sa kaliwa, mag-scroll pababa sa seksyong Mga Tanong at Sagot, at i-click ang ‘Higit pang Tanong.’
  4. Piliin ang Tanong o Sagot na gusto mong iulat at i-tap ang Three-dot menu vertical at i-click ang Iulat ang Tanong/Iulat ang Sagot.
  5. Punan ang form na lalabas at i-click ang ‘Isumite ang Ulat.’

Mobile 

Para mag-ulat ng review

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. Hanapin ang negosyo at piliin ito mula sa mga resulta.
  3. Mag-swipe pakanan hanggang sa makita mo ang seksyong mga review.
  4. I-tap ang review na gusto mong iulat at mag-scroll pababa hanggang sa makita mo ang Three-dot menu vertical at piliin ang ‘Iulat ang Review.’
  5. Sa lalabas na window, kumpletuhin ang form. 
  6. I-tap ang Isumite.

Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na larawan at video

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. Hanapin ang negosyo at piliin ito mula sa mga resulta.
  3. Mag-swipe pakanan hanggang sa makita mo ang larawan o video na gusto mong iulat.
  4. I-tap ang larawan o video at pagkatapos Iulat Three-dot menu vertical sa kanang bahagi sa ibaba.
  5. Sa lalabas na window, kumpletuhin ang form. 
  6. I-tap ang Isumite.

Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na tanong at sagot

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. Hanapin ang negosyo at piliin ito mula sa mga resulta.
  3. Mag-scroll papunta sa seksyong Mga Tanong at Sagot at i-tap ang “Tingnan ang lahat ng tanong.”
  4. Piliin ang ‘Tanong’ o ‘Sagot’ na gusto mong iulat.
  5. Sa tabi ng tanong o sagot, i-tap ang Higit pa Three-dot menu vertical.
  6. I-tap ang Iulat ang tanong o Iulat ang sagot.

Ano ang aasahan pagkatapos mong iulat ang isang review o media

May feature kami sa Google Maps app kung saan puwede mong subaybayan ang iyong mga ulat para sa mga review o media. Nag-aalok ang seksyong Mga Ulat ng view ng lahat ng iniulat na review o media. Ang mga ulat na ginawa anumang oras bago naging available ang feature na ito ay posibleng hindi naa-access. Puwedeng mag-iba-iba ang status ng isang ulat depende sa stage nito, at makikita mo ang isa sa mga sumusunod na update:

  1. Pino-proseso ang ulat: Natanggap namin ang iyong ulat.
  2. Inalis ang content: Inalis na sa Maps ang iniulat na content. 
  3. Hindi inalis ang content: Hindi inalis ang content dahil pinaghigpitan ang iyong account o wala kaming sapat na impormasyon para suportahan ang pag-aalis. 
  4. Na-restore ang content: Ibinalik ang content dahil nakahanap kami ng bagong impormasyon na sumusuporta sa pag-restore sa content.
  5. Kinansela ang Ulat: Na-edit o naalis ang content o lugar at nakansela ang iyong ulat.

Kung hindi namin inalis ang content na iniulat mo, posibleng kwalipikado kang magsumite ng isang apela. Posibleng may mga karagdagang opsyon sa paglutas. Matuto pa tungkol sa Mga Opsyon sa Paglutas ng Digital Services Act ng European Union.

Tandaan: Nakalaan sa amin ang karapatang magbalik o mag-alis ng content, tinanggap man o hindi ang iyong ulat.

Ayusin ang iyong content

Puwede mong i-edit ang iyong content sa isang computer o mobile device.

Computer

Para mag-edit o mag-delete ng review

  1. Pumunta sa Google Maps.
  2. I-click ang Menu  sa kaliwang sulok sa itaas.
  3. Sa panel sa kaliwa, i-click ang ‘Iyong Mga Kontribusyon’ at piliin ang ‘Mga Review.’
  4. Piliin ang review na gusto mong i-edit at, i-click ang Menu ​​Three-dot menu vertical at piliin ang isa sa 3 opsyon ‘I-edit ang Review,’ ‘I-delete ang Review,’ o ‘Magdagdag ng Larawan.’
    1. Kung pipiliin mong ‘I-edit ang Review,’ sa lalabas na window, kumpletuhin ang form. I-click ang I-post.
    2. Kung pipiliin mo ang ‘I-delete ang Review,’ sa lalabas na window, kumpirmahin ang opsyong ‘I-delete.’
    3. Kung pipiliin mo ang ‘Magdagdag ng Larawan,’ sa lalabas na window, piliin ang larawan o video na gusto mong idagdag at i-click ang ‘Piliin.’

Para mag-delete ng larawan o video

  1. Pumunta sa Google Maps.
  2. I-click ang Menu  sa kaliwang sulok sa itaas.
  3. Sa panel sa kaliwa, i-click ang ‘Iyong Mga Kontribusyon’ at piliin ang ‘Mga Larawan.’
  4. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-delete at, i-click ang Menu Three-dot menu vertical at i-click ang ‘I-delete ang larawang ito’ o ‘I-delete ang Video na ito’ at pagkatapos, sa lalabas na window, piliin ang ‘I-delete.’

Mobile 

Para mag-edit o mag-delete ng review

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. I-click ang button ng profile sa kanang sulok sa itaas.
  3. Sa menu na lalabas, piliin ang ‘Iyong Profile.’
  4. I-tap ang review na gusto mong i-edit Three-dot menu vertical at piliin ang ‘I-edit ang Review’ o ‘I-delete ang Review.’
    1. Kung pipiliin mo ang ‘I-edit ang Review,’ sa lalabas na window, kumpletuhin ang form at i-tap ang ‘I-post.’ 
    2. Kung pipiliin mo ang ‘I-delete ang Review,’ sa lalabas na window, i-tap ang ‘Oo.’

Para mag-edit o mag-delete ng larawan o video

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. I-click ang button ng profile sa kanang sulok sa itaas.
  3. Sa menu na lalabas, piliin ang ‘Iyong Profile’ at pagkatapos ay i-tap ang “Tingnan ang lahat ng Larawan.”
  4. I-tap ang larawan o video na gusto mong i-edit o i-delete.
    1. Para i-delete, i-tap ang 
    2. Para magdagdag ng caption sa larawan o video, i-tap ang  magdagdag ng caption at i-tap ang 

Para mag-edit o mag-delete ng tanong o sagot

  1. Buksan ang Google Maps app.
  2. I-click ang button ng profile sa kanang sulok sa itaas.
  3. Sa menu na lalabas, piliin ang ‘Iyong Profile’ at pagkatapos ay mag-scroll pababa sa ‘Iba pang Kontribusyon’ at i-tap ang ‘Q&A.’
  4. I-tap ang tanong o sagot na gusto mong i-edit o i-delete.
    1. Para i-delete, i-tap ang ‘I-delete ang Tanong’ o ‘I-delete ang Sagot.’
    2. Para mag-edit ng Sagot - i-tap ang Sagot na gusto mong i-edit at pagkatapos ay i-click ang  at kapag na-edit mo na ito, i-tap ang ‘I-save.’
    3. Para mag-edit ng Tanong - i-tap ang Tanong na gusto mong i-edit Three-dot menu vertical at i-tap ang ‘I-edit ang Tanong.’ Kapag na-edit mo na ang tanong, i-tap ang ‘I-save.’

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
220492688936153872
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false